Chapter 14

1883 Words
Y U L I A N I can't sleep. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko ngayon. I am not only thinking about my academics but also Evan's disappearance, too. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapalagay ang utak ko sa pag-iisip kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya. Kung nasaan na siya ngayon at kung ano nga ba talaga ang totoo sa kanyang pagkawala. Dumagdag pa ang bawat paglagabog at ingay na naririnig ko nitong mga nakaraang linggo sa itaas ng kwarto ko, sa third floor. But if that's weird, well it's not weird enough. Ang pinaka-weird pa roon ay nang mga oras ring iyon ay nakita ko si Mr. Stephen, ang principal ng eskwelahang ito, sa hallway ng second floor kung nasaan ang mga kwarto namin. That was 2 nights ago. Nakasalubong ko rin siya noong isang araw habang pabalik ako sa dorm galing sa meeting namin ng Lost & Found club. That moment, the way he acted when I told him I saw him here at the dormitory, I knew something was wrong with him. Something is wrong with the principal. It's as if he is hiding something...or maybe, someone. It's too early to assume things pero I can't help myself but to think na may ginagawa siyang hindi maganda sa eskwelahang ito. Kung ano 'yon, iyon ang gusto kong malaman. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nakasuot ako ng sandong kulay asul at boxer shorts lamang sa ibaba. I was really ready to go to bed, an hour ago. Ngunit alam kong hindi ako patutulugin ng isipan ko kung hindi ako babangon at magpapaantok. I checked the time in my phone when I stood up. It's past 9 in the evening, halos isang oras na lang ay bawal nang lumabas mula sa mga kwarto namin. Ngunit may oras pa naman akong lumabas ngayon para magpahangin sa labas, o hindi naman kaya ay tumambay saglit sa cafeteria ng campus. Bukas naman iyon hanggang alas dies ng gabi. Kinuha ko ang nakasabit na shorts sa pintuan, pati na rin ang kulay itim na jacket roon, isinuot ko iyon and put my phone inside my pocket. Pati ang coin purse ko ay dinala ko na sa aking paglabas. Paglabas ko ay iilan lang ang nasa labas ng kanilang mga kwarto. Iyong iba ay nakasuot lamang ng kanilang mga boxer shorts, at 'yong iba ay suot pa rin ang uniporme nila mula kanina. Nilagpasan ko ang ilang kapwa-estudyanteng madaraanan ko sa aking pagtahak ng daan patungo sa hagdan upang bumaba. And when I reached the stairs, I stopped. Look who I found sitting on the stairwell? It's none other than the hot chinito guy from the fourth year level. The Photography club member and the one I consider as my closest friend since my very first week here at East Robertson. Si Andres. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. He's wearing a black fitted sando that highlighted his white skin color and a taslan short He's holding his camera, pressing the buttons, and switching from one picture to another. I slowly walked closer to him. Sinadya kong dahan-dahanin upang hindi niya ako mapansin. Gusto ko rin sana siyang gulatin. Ngunit hindi naman ako nagtagumpay sa plano kong iyon when he turned and saw me. I stopped and I look as if I was caught in a crime. Saglit siyang natigilan suot ang seryosong mukha bago ako binigyan ng isang matipid na ngiti like he always does. Looking at him like this made me smile. Ang sexy niya tingnan suot ang itim na sandong yumayakap sa laki ng kanyang katawan. Napalunok ako. "What were you up to?" he asked, pakiramdam ko ay tinatanong niya ako kung anong pinaplano kong gawin kanina habang hindi siya lumilingon. Ngumisi ito. Lumapit na ako kay Andres at umupo sa tabi nito. Saglit kong tiningnan ang camera niya at ang naka-flash roon. He was looking at a picture of Evan, smiling like an angel, without knowing it. Napatingin ako kay Andres when he shut the camera down. Nahiya ata siya nang makita ko iyon. "Hindi ako makatulog," pag-amin ko at tumulala sa kawalan. "Ang daming tumatakbo sa isip ko. As in, sobra! Hindi ko na alam kung anong una kong iisipin." I frankly said to him suot ang iritang-irita kong ekspresyon. Saglit ako nitong tinitigan bago biglang tumayo. Napatingala tuloy ako kay Andres. "Kapag ganyan, kailangan mong uminom." He said and smiled. Napataas ang kilay ko. Napailing ako sa kanya. "We both know that the school's cafeteria isn't selling any type of liquor here, Andres." Sagot ko rito ngunit natawa ito nang kaunti bago mapailing sa akin. "Saka, hey, I'm only 16, you know? And you're 17. We are both minors." Pagpapaalala ko rito. "Hindi ko naman sinabing alak ang iinumin natin." Ang sabi niya bago yumuko at sinubukang hilahin ang braso ko. "I'll treat you a hot chocolate, tara!" He grabbed my arm and I stood up because I had no choice. Masyado siyang malakas. "Basta libre mo, eh." Iyon na lamang ang huling sinabi ko before we walked outside the dormitory building. Paglabas namin, agad na bumungad sa akin ang dim na ilaw ng paligid na dulot ng mahihinang poste ng ilaw rito sa labas. Sakto lang rin ang lamig na dulot ng hangin at presko iyon sa pakiramdam. There are a few students here, lalake at babae, na tumatambay upang sulitin ang mga natitirang minuto bago mag lights off ang dormitory building. I can hear girls laughing in front of the girls' dormitory. It seems like they are having so much fun inside. I looked at the stars, kaunti lamang ang mga ito sa langit at may mga ulap rin na makikita. Ang buwan naman ay kalahati ngunit kahit papaano, nagbibigay naman ito ng kaunting liwanag sa paligid. I can also see how the mahogany tree leaves are swaying a little as the wind blows. Ngayon lang talaga ako nakalabas nang ganitong oras dahil madalas after 8 pm, nasa loob na ako at nagpapahinga. I'm glad I am able to do this now. Ang sarap pala sa pakiramdam. "Come in, Yulian. We still have 25 minutes left," hinila ako ni Andres patungo sa daan na magdadala sa amin sa cafeteria. Ilang minuto lang ring lakaran iyon ngunit dahil hila-hila niya ako at patakbo kaming naglalakad, hindi ko namalayang malapit na agad kami. "We should make use of the time habang pwede pa," binitawan niya ang kamay ko when we stopped in front of the open cafeteria. Napalunok ako dahil kanina pa lamang habang hinihila niya ako ay bumibilis na ang t***k ng puso ko. Alam ko naman kasi sa sarili kong may paghanga ako sa lalakeng ito. And he was dragging me into this kaya kung pwedeng tawagin ko itong kilig ay baka iyon ang tamang tawag sa nararamdaman ko ngayon. "Let's go…" he tapped my shoulder and I just nodded with a slight smile. When we entered the cafeteria, iilan lang sa mga estudyante ang narito pa sa loob. Ang ilan, kumakain, ang ilan ay may hawak na libro at notebook, habang ang ilan naman ay naglalaro ng online games sa mga cellphone nila. At kaming dalawa naman ni Andres, we sat at the very last row of this place. He ordered two cups of hot chocolate for the two of us and as he said earlier, these are his treat. Should I call this a mini date? Or a hot chocolate date? I don't know but this made me feel a little warm than I was 10 minutes ago. "Is it good?" he asked me after I took a sip from my own cup. Tumango ako at ngumiti kay Andres. In all fairness, it is good. "Thanks," I told him. Ngumiti lamang ito sa akin. After some sip from our coffee, Andres asked me. "What is it that's bothering you aside from the investigations about Evan?" tunog concern ito matapos niyang ibaba ang baso sa lamesa at tiningnan ako na may kaunting ngiti sa kanyang mukha. Lumunok ako. I don't know if I should tell him this but maybe, I should. Hindi ko naman dapat ito itago. If there's one person na pinaka-pinagkakatiwalaan ko rito sa paaralang ito, si Andres iyon. Besides, the only way to let this out and keep this thing from stressing me is to talk about it with someone who will listen and understand. At pakiramdam ko, si Andres ang klase ng tao na iyon. "2 nights ago, I saw Mr. Stephen from the hallway. Sa second floor ng dormitory building natin…" panimula ko habang patuloy ito sa pakikinig. "Sumilip kasi ako nang kaunti mula sa pinto matapos akong magising ng alas dos ng madaling araw dahil sa malakas na kalabog mula sa third floor, at dahil sa mga yabag ng paang naglalakad sa labas ng kwarto ko. And that footstep sounds are from him." Ang pagkukwento ko sa kanya. Hindi ito makapaniwala habang nakikinig sa akin but he didn't laugh like Wilmar and Krisanta did. "I thought, I was the only one who heard those footsteps…" nagulantang ako sa narinig na sagot sa akin ng seryosong si Andres. Wait, he heard them too? "Akala ko, ako lang ang nakakita sa principal na naglalakad sa hallway ng second floor." Lalo akong nagulantang dahil sa sunod niyang sinabi. "You saw him, too?!" medyo napalakas ang aking pagsasalita, nagtinginan ang mga tao sa loob ng cafeteria, kaya agad niya akong sinenyasang hinaan ang aking boses kaya napatahimik ako saglit bago muli siyang tanungin. "Nakita mo rin siya noong gabing 'yon?" Tumango sa akin si Andres. "I was woken up by the loud sound coming from the third floor and then like you, narinig ko rin na may naglalakad sa labas kaya agad akong bumangon para sumilip," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Pati ang paglagabog sa third floor, narinig mo rin?" hindi ako makapaniwala. "Thank God, I wasn't the only one who can hear that! Akala ko, nababaliw na ako tuwing madaling araw. What could that possibly be?" Umiling ito. "I don't know," he answered. "But if there's one thing I know, the principal knows what is in there...or maybe, he knows who is in there." Napalunok ako nang sunod-sunod matapos bitawan ni Andres ang espekulasyon niyang iyon. Tumugma ang pagdududa ni Andres sa principal, sa aking pagdududa rin mula rito. Kung tama ang nasa isip ko, at kung tama ang hinala naming dalawa, the principal is really hiding something. At kung bakit siya naroon sa 2nd floor noong gabing iyon, that gives us the proof na may tinatago siya talaga, gayong nagsinungaling siya nang sabihin niyang hindi siya pumunta roon at umuuwi siya sa kanyang bahay after dark. "Do you think, Mr. Stephen is hiding something there on the third floor?" I asked Andres. Seryoso ang mga tingin nito sa akin habang hawak ang baso ng kanyang kape. Umiling siya sa akin at napakunot ang noo ko. "I don't think he's hiding something there…" huminto siya at saglit na bumuntong-hininga bago tuminging muli sa akin. "I think...he's hiding someone." That made my eyes widened in shock. Could it be? The bell at the cafeteria rang. Senyales iyon na kailangan na nitong magsara. At kailangan na rin naming bumalik sa aming mga kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD