Chapter 13

1848 Words
YULIAN Sa mga tinging ipinupukol nila sa akin ngayon, alam kong hindi nila ako pinaniniwalaan. Nakikita ko sa mga mukha nila ang kalituhan at ang nalalapit na pagtawa. Lalong-lalo na nina Wilmar at Krisanta. Narito ako ngayon sa clubroom ng Lost & Found club. Katatapos lang ng buong araw na klase at mayroon pa kaming isang oras at mahigit upang manatili rito para makapag-usap-usap patungkol sa plano naming kasunod para sa patuloy na imbestigasyon sa pagkawala ni Evan. Sa haba ng araw kanina ay hindi nawaglit sa aking isipan ang gusto kong ibahagi sa kanila. This is the only time I am able to tell them what I saw last night, or should I say 'who' I saw last night, at the hallway of the second floor of the boys' dormitory. But it seems like, no one cares, and no one's believing me like I'm acting weird or something. "Gutom lang 'yan, Yulian. Oo, tama! Gutom 'yan kasi masyado kang pagod kahapon galing syudad kaya kung anu-ano ang nakikita mo," Wilmar laughed at me, katabi nito si Resty na tahimik na nakikinig sa amin. "O baka naman kulang ka sa tulog? Iyon! Sinabi mo na nagising ka nang pasado alas dos ng madaling araw, right? You must have had an illusion or something due to lack of sleep." He continued to laugh without hesitation, as if what I have said was a joke or some sort of funny thing. Umirap ako't umiling. "To start with, hindi kung anu-ano ang nakikita ko, Wil. Kung hindi 'sino', tao ang nakita ko at sigurado ako roon." I stopped and looked at the others. "Si Mr. Stephen ang nakita ko kaninang madaling araw. Siya iyon." Pangungumbinsi ko sa kanilang apat pero hindi kumibo ang mga ito. "Why would Mr. Stephen a.k.a. The Principal go there?" Krisanta asked me, looking like she's gonna join Wilmar while laughing. "Baka hindi mo alam, Yuls. Hindi naman nags-stay-in si Mr. Stephen rito like us. Walang dorm for principal rito sa East Robertson." She chuckled. Napailing ako sa narinig. "I saw what I saw," mariin kong tugon kay Krisanta. "And to answer your question, why he was there? Hindi ko alam. I don't have any idea. Weird, right? Iyon rin ang nararamdaman ko pero like what I have said, I saw Mr. Stephen there. He was wearing his sleeping clothes. Wala nga siyang suot na kahit anong footwear, eh." Giit ko pa. Krisanta rolled her eyes on me. "Let's say na si Mr. Stephen nga talaga ang nakita mo, Yulian. Ano naman kaya ang posibleng dahilan kung bakit siya pupunta roon nang ganoong oras?" napatingin ako kay Jaira na nasa tabi ko. "I mean, there must be a reason, right?" she continued. Napalunok ako dahil hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang katanungan niya dahil maski ako ay naguguluhan rin nang makita ko si Mr. Stephen kaninang madaling araw sa second floor ng dormitory building naming mga lalake. "What if...he's hiding something?" napatingin naman kaming lahat nang magsalita ang kanina pang tahimik na si Resty. " "And what's possiblt that something, huh?" Krisanta asked him. Napaisip si Resty nang malalim na animo'y pilit na pinoproseso ang kasagutan sa itinatanong sa kanya. Before Resty could answer, Wilmar cut the whole conversation. "Let's stop this nonsense, guys. We aren't here to talk about Mr. Principala and what's with him. We are here to talk about our next move on investigating Evan's disappearance." He said. "Remember?" tinitigan kami nito isa-isa. May punto nga naman siya roon. "I'm with Wilmar!" Krisanta proudly said. Napatingin ako kay Resty. I feel like, he already dropped what was on his mind seconds ago nang putulin ito ni Wilmar. Maski naman ako ay hindi rin mapigilang sumang-ayon sa sinabi ni Wilmar. Narito nga naman kami para pag-usapin ang mga susunod naming hakbang para sa pag-iimbestiga sa pagkawala ni Evan. We aren't here to talk about the Principal. But still, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kuryusidad sa kung anong ginagawa ni Mr. Stephen roon, kahit pa sinasabi ni Krisanta at Wilmar na baka kulang lang ako sa tulog at hindi naman nags-stay-in sa loob ng campus si Mr. Stephen. Hindi ko muna ininda at pinakaisip iyon dahil alam ko na hindi ito ang tamang lugar at panahon para hayaan ko ang sarili kong kontrolin ako ng mga bagay na hindi naman na dapat pang bigyan ng mas malaking pansin kaysa sa imbestigasyon sa pagkawala ni Evan. "Let's just...let's just forget it." Ang pagtatapos ko sa aking inumpisahang topic mula kanina. "Let's just talk about what we are going to do to further investigate Evan's disappearance." I told them. "Yeah, mabuti pa nga." "I agree." After half an hour of meeting, napagdesisyunan naming maglaan ng araw at oras upang interviewhin at kunan ng pahayag ang mga taong nakakakilala rito kay Evan. Ang mga posible niyang naging kaaway o ka-kompetensya. Naisip namin na marahil sa ganoong paraan, we will be able to get closer to the truth. Iniisip ko rin kasi na kung rito siya sa school nawala at huling nakita, malamang ay nandito rin sa loob ng school ang sagot. "See you guys in the next few days, since we will not be able to see each other dahil parehong gigil na gigil ang mga quizzes natin sa klase." Jaira told us as she got her backpack and stood up from where she was sitting. "Anu't ano man, itutuloy natin ang plano, to further investigate." She added. Tinanguan ko naman ito at tumayo na rin. "Let's see what we can do," Wilmar said. "Sa ngayon, magchill nalang muna tayo at intindihin ang mga bagay outside Evan's case." Sabi pa nito nang makatayo rin sukbit ang kanyang bag sa balikat. "I can't wait for this to be over," Krisanta exhaustingly murmured. Halata na tila hindi nito na-e-enjoy ang lahat. "This will be over soon," Jaira told her. "Kapag nalutas na natin ang pagkawala ni Evan." Nginitian nito si Krisanta pero romolyo lamang ang mga mata nito sa kanya as we all walked towards the door. We left the clubroom. Nang makalabas ng gusali ng mga clubroom, nagpaalam na rin kaming lahat sa isa't isa. Alas cinco na kasi ng hapon. Sina Krisanta at Jaira, dadaan pa raw sa library saglit para tingnan kung bukas pa ito, hihiram daw kasi sila ng libro. Sina Wilmar at Resty naman ay nagkayayaan sa cafeteria para kumain, at maglaro ng online games. At ako, pauwi na talaga ako. I am heading to the dormitory since I have nowhere to go na rin. Dumidilim na at ang gusto ko na lamang gawin ngayon ay kumain sa loob ng kwarto ko at magpahinga pagkatapos. Habang naglalakad papunta sa gusali ng dorm, hindi ko maiwasang mag-isip muli patungkol sa nakita ko kaninang madaling araw. I am sure I wasn't imagining something when I saw Mr. Stephen, the principal, walked barefooted in the hallway of the second floor. Siya iyon at hindi ako nagkakamali. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad patungo sa dormitory building, natigilan ako nang makasalubong ang taong ilang segundo lamang ay nasa isipan ko. Hindi ako nakakilos dahil sa pinaghalong gulat at pagtataka. Si Mr. Stephen Robertson ito. Ang principal ng East Robertson. It seemed like, he came from the way of the dormitory building. Ano namang gagawin niya roon? Maging siya ay natigilan rin nang mapansin ako, sumilay ang kaunting pagngiti nang matandang principal sa akin. Nakasuot ito ng isang pormal na kasuotan. Black suit, gray necktie, and black slacks. "Kamusta ang nagdaang dalawang linggo mo rito, hijo?" lumapit siya when he asked me that question ngunit hindi ako agad na nakasagot dahil nakatingin lamang ako sa kanyang mukha. He seems so tense right now. I can sense it. "Ayos lang naman po," matipid kong sagot kay Mr. Stephen kaya't tumango naman ito agad. "I'm glad that you're feeling at home here, and safe." He said and tapped my shoulder with a smile on his face. Napakunot ang noo ko. He's wrong. I don't feel so safe pagkatapos ng mga nalaman ko mula noong lumipat ako rito sa East Robertson. Ang pagkawala ni Evan na alam kong may mas malalim na dahilan, ang pagkamatay at hinihinalang pagpapakamatay ng isang estudyante sa third floor ng aming dormitory building, at ang mga kaluskos at maiingay na paglagabog tuwing hatinggabi mula sa itaas ng kwarto ko ang nagbibigay sa akin ng ideyang hindi ako gano'n ka-safe sa lugar na ito, yet, imbes na matakot ay mas pinukaw ng mga bagay na iyon ang kuryusidad ko. Tapos, dumagdag pa itong si Mr. Stephen sa mga iniisip ko at kung bakit siya naroon kaninang madaling araw sa second floor ng boys' dormitory. Mr. Stephen, after tapping my shoulder and smiling on me, continued walking but a few steps after, nilingon ko agad ito at tinawag, dahilan para mapalingon siya sa akin nang may isang pilit na pagngiti. I don't know about his smile but it just doesn't feel real to me. "Yes?" he asked and then, I walked towards him. Nang makalapit kay Mr. Stephen, hindi ko na pinigilan ang aking sarili at pinakawalan na ang tanong na gumugulo sa isipan ko buong maghapon. "I saw you, past midnight, in the hallway of the second floor of the dormitory." Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha nang marinig ang mga una kong salitang binitawan. "Ano pong ginagawa ninyo roon...ng barefooted?" lalo ata itong nagulat sa muling narinig sa akin . He tried to hide those shocked expressions of him and forced a smile before looking around, as if he's making sure that no one is listening or whatever. "What do you mean you saw me past midnight?" he asked and laughed, katulad kung paano ako tawanan nina Krisanta at Wilmar kanina nang sabihin kong nakita ko ang principal nang gano'ng oras sa loob ng boys' dormitory. "Mr. Rotoni, I leave the campus after 6 pm. Kaya imposibleng ako ang nakita mo." He said but I am not convinced by what he just said. Umiling ako. "Kayo po talaga 'yon, Mr. Stephen..." ang sabi ko rito na diretsong tiningnan siya sa kanyang mga matang nakatitig rin sa akin ngayon. Ngumiti siya. "No, that wasn't me." Kumunot ang aking noo. "Ano pong gina-" "I'm sorry, hijo. I have dinner with my wife and I need to go home to help her prepare our food. Today's our 20th wedding anniversary." He smiled and tapped my shoulder. "Keep safe, okay? And don't roam around too much. You might get into trouble." Isang malaking ngiti ang binigay niya sa akin matapos sabihin iyon. Hindi ako nakapagsalita o nakasagot man lang sa kanya dahil nagmadali na itong naglakad palayo. My forehead furrowed. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko umiiwas si Mr. Stephen sa bagay na iyon, when in fact, he was really there at 2 am. Pakiramdam ko ay may itinatago si Mr. Stephen. I can't help myself to think that way based from the way he acted, from the way he denied that he was there, and from the way I feel it. What's up with you, Mr. Principal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD