Y U L I A N
"How dare him say that?" inis kong sabi habang ngayon ay nakatingin sa bintana ng bus. "Nawawala na ang kaibigan niya pero ayun siya't walang pakealam." Napailing ako dahil sa inis at pagka-dismaya.
Bente minutos na ang nakalipas magmula noong umalis kami sa subdvision nina Tobi, sa bahay niya. Ngayon ay kakaandar lamang ng bus dahil babalik na kami sa Easton. Actually, kanina ko pang gustong umuwi magmula noong magwalk-out ako kanina sa harapan nina Tobi.
"Kalma," Andres put his hand on my shoulder. Nakangiti ito habang tinatapik-tapik ang balikat ko. "Wala na tayo roon, okay? Isa pa, kung sumuko na si Tobi kay Evan, hindi tayo susuko." Binigyan ako ng isang matamis nitong ngiti dahilan para unti-unting kumurba ang aking mga labi.
"Right..." ang nasabi ko nalang kay Andres habang may kaunting ngiti sa aking mukha.
Ikinalma ko ang aking sarili katulad ng sinabi ni Andres. Sumandal na lamang ako sa bintana at piniling pagmasdan ang bawat madaraanang view ng bus sa aming pag-alis.
Hindi lang kasi naging maganda ang dating sa akin noong mga narinig ko kay Tobi kanina. Considering na best friend pa siya ni Evan. He sounded too harsh. Nang dahil lang sa text message na iyon ay naniwala siyang ayaw na siyang may galit sa kaniya si Evan at ayaw na siyang makita nito? Like, what the hell? Kung talagang magkakilala na sila noon pa lang at kung talagang best friends silang dalawa, alam niyang hindi gano'n si Evan at hindi magtetext nang gano'n si Evan.
What I'm saying is that, Evan is in danger. Nararamdaman ko at malakas ang kutob ko. Something happened to him. Or someone kidn*pped him or aducted him. Ewan, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi si Evan umalis nang gano'n gano'n nalang. There's something behind his disappearance and Tobi, his best friend isn't convinced about it. Iyon ang ikinaiirita ko.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at pilit na hindi na ininda ang inis na nararamdaman. Gusto ko nalang matulog sa buong oras ng biyahe at kalimutan ang hindi magandang karanasan na ito sa syudad dahil wala naman talaga kami halos napala at nakuhang kahit ano para makatulong sa pag-iimbistiga namin sa pagkawala ni Evan.
And before I knew it, tuluyan na akong nakahimbing habang nakasandal sa bintana ng bus.
Pagmulat ng mga mata ko, nakahinto na ang bus at pagsilip ko sa bintana, nasa terminal na kami ng bus sa Easton.
Alas cinco na rin ng hapon.
Bumaba na kaming anim mula roon at sumakay na muli ng trike upang makarating sa campus ng East Robertson. Since hindi kami kasyang lahat sa iisang tricycle, si Resty, Andres, at ako ay magkakasama. Habang sina Wilmar, Krisanta, at Jaira naman ay nakahiwalay.
Resty is on the backride's seat habang kami naman ni Andres ay nasa loob. Tahimik lang ako habang nasa bente minutos na biyahe. Pinagmamasdan ang dumidilim na paligid patungo sa Easton.
"Are you okay?" Andres tapped my shoulder and gave me a timid smile. Nginitian ko rin naman ito.
"Yes." I told him. "Pagod lang sa biyahe." Dagdag ko pa kahit nakatulog naman ako nang halos limang oras sa bus.
"Me, too." He said. "Thinking about Monday makes me lazier." Tumawa ito nang mahina. Napatawa rin ako dahil kinatatamaran ko rin ang ang Lunes at ang pagpasok bukas.
Mayamaya ay tumingin ito sa akin nang seryoso at may kaunting ngiti. "Kahit hindi tayo nakakuha ng kahit ano roon para makatulong sa imbestigasyon natin sa pagkawala ni Evan, it was a good weekend." Napatitig ako kay Andres nang sabihin niya iyon. "I got to be with you...and the club." Parang nahihiya pa ito nang sabihin iyon kaya't napangiti ako sa kanya.
Nahiya tuloy ako sa aking sarili dahil sa mga pag-iisip ko kanina. That I never got a single senseful thing there, in the city. Ang totoo, mayroon naman pala. Iyon ay ang nakasama ko ang club...at si Andres.
Napangiti ako at tumango habang nakatingin sa nakangiting si Andres. "I enjoy the flavored beer last night," napangiti ito nang malaki sa sinabi ko. "Ulitin natin, next time." I added. He nodded with the sweetest smile.
"Oo naman," sabi nito and tapped my shoulder again. "We can always hang out together...kahit hindi tungkol sa kaso ni Evan." He told me. I gave him a serious smile.
"Yeah..." I said as I tapped his shoulder, too.
Nanatili kaming walang imikan pagkatapos no'n at hinintay na lang na tuluyan kaming makarating sa campus.
Nauna na ring makababa iyong tatlo bago huminto ang trike na sinasakyan namin nina Resty at Andres sa tapat ng gate. Dumidilim na nang tuluyan kaya nang makapagbayad kami ng pamasahe, we immediately entered the campus.
"Paano? Magkita-kita nalang tayo bukas?" Ani Wilmar na halata ang pagkapagod habang sukbit ang kanyang backpack sa balikat.
"Ayoko ngang pumasok bukas, eh. Kung wala lang quiz bukas nang umaga!" reklamo naman ng isa pa ring pagod na si Krisanta.
"We should all take a good rest tonight, guys." Halata man ang pagod, Jaira managed to smile to us. "Wala man tayong napala gaano sa syudad, it was not a bad weekend, though." Pagpapagaan niya sa loob namin.
We are walking towards the dormitory buildings. Ramdam ko ang bigat ng aking mga balikat, hindi lang dahil sa bag na dala ko, kung 'di sa pagod at pangangalay sa haba ng biniyahe namin ngayong araw.
"Thanks for letting me join you, by the way." Andres smiled, na kahit alam kong pagod, hindi niya iyon ipinahalata. "I had a good time, too." Then, he looked at me and smiled even wider. Napangiti na lamang ako nang matipid.
"It's fine. Thanks for letting us use the cabin, too." Jaira replied to him. Nakangiti ito.
"And thanks for Resty's hacking skills and effort." I commended him for that. Napangiti si Resty, nahiya at nailing nang marinig iyon. Natawa kaming lahat.
"Let's continue the investigation for the next few days." Iyon lamang ang kanyang naging komento na sinang-ayunan naman naming lahat.
Nang nasa tapat na kami ng magkatapat ring gusali ng mga dormitoryo ng babae at lalake, tuluyan nang nagpaalam sina Jaira at Krisanta sa amin bago naglakad patungo sa loob ng gusali nila.
Andres and I proceeded to the stairs when Resty and Wilmar went to their rooms on the first floor. Ngayon ay naglalakad kaming dalawa patungo sa mga kwarto naman namin sa ikalawang palapag.
"Dito na ako," I told Andres as soon as I pointed my room. Natigilan rin siya sa harap ng pintuan ng aking kwarto. Ngumiti ako rito.
"I guess, see you tomorrow?" nakangiti niyang sambit sa akin. Kahit pagod ako ngayon, hindi ko maiwasang makaramdam ng saya dahil nakasama ko si Andres sa dalawang araw na pananatili ko sa syudad. He was right. It wasn't a bad weekend.
Tinanguan ko siya. "See you tomorrow," iyon na lamang ang sinabi ko bago ko tapusin ang pag-uusap naming 'yon nang isang pagngiti.
He smiled and I walked away. Pinihit ko ang doorknob ng aking pintuan at pumasok roon. I opened the lights. I locked the door and walked to the bed. Ihinagis ko ang backpack na nakasukbit sa balikat ko at naglanding iyon sa kama. Napaupo ako at napasalampak ng pagkakahiga. My smiled didn't fade for I don't know how long.
Gusto ko nalang pumikit at kung hangga't maaari ay pahabain ang aking pagtulog. Tama si Krisanta, nakakatamad talagang pumasok kinabukasan kung pagod ka ngayon. Hindi ko rin siya masisisi sa pag-iisip ng gano'ng bagay dahil maski ako ay tinatamad ring pumasok.
If it wasn't for my classes, Evan's disappearance investigation, at kay Andres ay hindi ako gaganahang magset ng alarm para bukas.
Matapos ibaba ang cellphone ko sa katabing lamesa ng kama, otomatiko akong napapikit, at tuluyang nawalan ng malay.
I fell asleep.
Nakatulog ako nang hindi man lang nakakapagpalit ng damit, nakakaligo, o nakakahilamos man lang dahil sa sobrang kapaguran. Ni-hindi nga maayos ang pagkakahiga ko sa kama.
I was woken up, not by the alarm from my phone, but because of another loud bang that came from the ceiling of my room. Napamulat na naman ako nang malaki sa gulat at kaba habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. I forgot to turn off the lights rin pala since my vision went black earlier.
Napakusot ako ng mga mata as I reached for my phone, not minding the loud noises from the third floor. When I checked the time, it's only 2 am. Napakunot ang noo ko. I slept for too long but it's not enough.
Pagod pa rin ako.
Babalik na sana akong muli sa pagtulog matapos patayin ang ilaw at hindi indahin ang ingay na narinig ko kanina mula sa itaas ng aking kwarto, nang biglang makarinig ako ng mga tunog ng yabag mula sa labas ng kwarto ko. Sa hallway ng second floor ng dormitory. Napalunok na lang ako as I walked towards the door.
My curiosity got the better of me at inilapit ang aking tenga sa pintuan upang masigurong mga yabag nga ng paa ang naririnig ko. Confirmed. Yabag nga iyon ng mga paa.
Napalunok ako habang naririnig ang papalayong tunog ng bawat paghakbang. I knew that I could not just let who that person is, walk away, and see nothing. Kaya ang ginawa ko, marahan kong binuksan nang kaunti ang pintuan ng aking kwarto at doo'y sumilip.
This is the second time I heard those footsteps. Noong una, hindi ko iyon naabutan. At ngayon, hindi pwedeng hindi ko makita kung sino man iyon.
Sino nga bang maglalakad sa hallway ng dormitory nang ganitong oras? Eh, halos lahat ng estudyante rito ay tulog na. And if it wasn't because of that loud noises I heard from the third floor, which is dalawang linggo ko na ring naririnig, e 'di sana ay tulog pa rin ako.
I peeked through my half-opened door and immediately looked for the owner of those disturbing footsteps.
There, my eyes widened when I saw a person walking away, pababa sa unang palapag. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kung sino ito, at kung bakit narito siya ngayong mga oras na ito. Napalunok na lamang ako sa pagtataka.
The person has footwear. Nakasuot ito ng pantulog at dire-diretso lang ang paglalakad nang walang lingun-lingon. Nakatikod man ngunit kilalang-kilala ko kung sino siya.
Si Mr. Stephen Robertson.
Ang principal ng East Robertson High School.
Ngunit bakit siya narito sa dormitory building namin? Anong ginagawa niya rito? At nang ganitong oras?