Y U L I A N
I woke up hugging a pillow. Malambot, mabango, at masarap yakapin. Kapag ganito, parang ayoko nalang imulat ang mga mata ko at manatili nalang na natutulog kahit pa maingay na ang paligid.
Idiniin ko pa ang pagkakasubsob ko sa unan at niyakap ito nang mahigpit. But when I did that, I felt the movement from the pillow I'm hugging. It even moaned that made me freak out kaya napamulat ang mga mata ko.
When I opened my eyes, I found out that it wasn't a pillow that I'm hugging. It's….it's Andres.
Napaatras ako sa edge ng kama at gulat na tiningnan ang nakapikit na lalakeng katabi ko ngayon. s**t. I hugged him. I hugged Andres so tight and mistaken him as a pillow.
Napalunok ako dahil sa pagkakahiya at hinihiling na lamang na sana ay tulog pa siya at hindi napansin ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Napakalawak nitong espasyo sa kama pero nagising akong nakayakap na sa katawan niya? Unbelievable!
Naupo ako mula sa pagkakahiga. Ang antok na nararamdmaan ko ay biglang nawala. Umaga na rin pala at rinig ko na ang ingay nila sa labas.
I fixed myself as soon as I noticed that Andres is waking up. Hindi ko mapigilang tumitig sa maganda nitong mukha. It's unfair isn't it? He was sleeping all night but his hair, parang hindi man lang ito nagulong gaano. Saka, iyong itsura niya, parang ang fresh pa rin. Wala kang makikitang kahit anong lagkit sa pagmumukha, as in, wala. He looks fresh. He looks handsome.
Napainat ito kasabay ng kanyang pagmulat. Ang una niyang nakita ay ako. His lips curved. He smiled at me. I did the same thing, too.
"Good morning," he greeted me.
"Good morning, Andres." I replied as he sat on the bed.
Nagngitian lamang kaming dalawa at tiningnan ang orasan sa lamesa. It's 7 am now.
Nabulabog na lamang kami ni Andres nang biglang may malakas na kumatok mula sa pintuan ng kwartong kinaroroonan namin.
"Hey, you guys inside, are you awake?" boses iyon ni Jaira. "Coffee na tayo," she invited us in the most inviting way.
"Jai, don't distrub them!" narinig kong sabat ni Krisanta sa labas. "They maybe doing something inside...something-"
I rushed in ftont of the door and opened it.
"Good morning!" bati ko sa kanila nang masigla befote Krisanta could continue what she's going to say. Natulala ang dalawa.
"Good morning, Yulian." Jaira greeted me with a sweet smile. Tumingin ito sa likuran, Andres followed me. "Good morning, Andres."
"Good morning," Andres greeted them.
"Fresh morning!" Krisanta exclaimed. "Sana all, fresh!" dagdag pa nito at tumawa habang nakatingin kay Andres..
Jaira and I laughed.
"Halika na kayo," Jaira invited us. "Spare us for touching the kitchen, Andres." Paalam nito kay Andres.
Nang lingunin ko ito'y ngumiti siya't umiling. "It's no big deal." Ang sabi niya kay Jaira. "Tara, let's have coffee." Anyaya nito sa akin and touched my back.
Nakiliti ako nang kaunti kaya napatingin ako sa kanya't lumayo nang bahagya. He noticed it. He just smiled and I walked to the kitchen where the others are having their coffee.
There, we sat and have our coffee with the rest of Lost & Found Club. Pagkatapos na pagkatapos rin naming magkape, we prepared ourselves para bumalik sa subdivision nina Tobi to meet him.
Pasado alas dies na nang muli kaming makarating sa subdvision nila. The guard let us in since he saw us yesterday and was convinced that we are Tobi's classmates.
Hanggang ngayon ay amazed pa rin ako how Resty managed to pull his hacking technique towards the guard house's telephone via fake phone call. Mukhang iba rin talaga nag skills ni Resty pagdating sa ganitong bagay. He really gave us a great help.
This time, I pressed the doorbell twice. And I was about to press it again when someone opened the door and walked to the gate. It's a guy.
The guy looks he's in his 17-ish age. Just like the most of us here. He looks cute. Halata ang karangyaan sa itsura niya. He has brown hair, thick eyebrows, fair skin, and he's tall.
Sa pagbukas pa lang niya ng gate, alam kong si Tobi na ito.
Nagulat ito nang makita kaming anim sa harapan ng bahay nila. Marahil ay namukhaan niya ang mga kasama ko.
"Hi, Tobi!" Krisanta waved at the back. Others smiled at him to greet.
He seems confused. "A-Anong ginagawa niyo rito?"
"We're here to ask you some questions…" Jaira came to me. Tiningnan nito si Tobi nang seryoso ang mukha at may kaunting pagngiti. "About Evan." When she added that and mentioned Evan's name, I can clearly see how Tobi's eyes widened.
"Come inside…" kalmadong anyaya niya at tumalikod.
He walked inside his house. Kami nama'y pumasok na ng gate at sinundan siya papasok sa loob ng kanilang bahay.
He told us to take a seat on the couch. We all sat in front of him. Katabi ko si Jaira, Andres, at Resty. Habang sina Krisanta at Wilmar naman ay magkatabi sa isang upuan na katabi namin. Seryoso kaming tinitingnan ngayon ni Tobi.
"What about him?" diretsong tanong nito sa amin.
"After Evan's disappearance, we are finding answers to why he disappeared and possible reasons why it happened…" ang panimula ni Jaira. "Now, we want to know if you know something about it?" she added.
"What now? I'm now you're suspect?" natawa ang seryosong si Tobi at napailing.
"No." Jaira answered. "Nandito kami dahil gusto naming malaman kung may alam ka ba sa kanya, sa mga kinikilos niya bago siya mawala or kung may sinabi ba siya sa 'yo?" she explained.
Napailing si Tobi. "Bakit naman kayo nagkainteres hanapin 'yon? Hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap." Napakunot ang noo ko sa narinig. He sounded bitter there.
"But he's your best friend." Hindi ko na napigilang sumabat.
"Was," pagko-korek nito sa akin bago ako kinunutan ng noo. "I'm sorry, who are you again? I remember all their faces, aside from you." Pagtataka nito.
"I'm Yulian," sagot ko agad sa kanya at seryoso siyang tiningnan. "I just transferred to East Robertson, 2 weeks ago. Isa rin ako sa mga nagkainteres imbestigahan ang pagkawala ni Evan, ng best friend mo." Matapat kong paliwanag rito.
"First of all, our friendship ended already. He ended it." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaming lahat, by the way. "Pangalawa, wala akong alam sa pagkawala niya. At ayoko nang makialam pa sa buhay niya." Napairap ito.
"What do you mean?" Krisanta asked.
"Oo nga, Tobi? Bakit mo sinasabi lahat 'yan? Aren't you worried about Evan?" ang tanong naman ni Wilmar sa kanya.
"He's been missing for a month now, bro." Napatingin ako kay Andres sa tabi ko. "And we are so worried about him." Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Huminga nang malalim si Tobi, yumuko, bago humarap muli sa amin. "The night I last saw him, ang araw kung kailan siya nawala, nakatanggap pa ako ng text sa kanya." Ang sabi nito. "He said, he doesn't want to see my face anymore. That I was never a best friend to him. And he told me that he'll be running away with his boyfriend and will never come back…" nagulat ako sa narinig ko mula kay Tobi.
"And you believed him? That Evan can really say that to you?" ang hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. "Him having a boyfriend was only a rumor, I believe. Bakit naman niya gagawin iyon?" ang pagtataka ko.
"Then, how you'll going to explain me this message I got from him a month ago, huh?" iwinagayway niya sa harap namin ang phone niya kung saan naka-flashed ang text message ni Evan sa kanya. "He didn't share anything with me that day. Maghapon nga niya akong kinakausap dahil seryoso siya at malalim ang iniisip. That's why I believed his text kasi iyon ang naramdmaan ko. Kaya sjya umalis kasi gusto niya."
Hindi ako makapaniwala na ngayo'y naririnig ko 'to kay Tobi at sa best friend pa ni Evan. Hindi ko akalaing sa dinami-rami ng pwedeng sumuko kay Evan ay siya pa.
"I don't believe that Evan will do that to you." I said.
"He just did." Tobi answered. Nakataas ang kilay nito.
"Wala ba talaga? Any idea where he went?" Jaira tried her luck again but Tobi shook his head.
"Wala kayong mahihita sa akin dahil wala akong alam sa pagkawala niya. Kung matatawag bang pagkawala 'yong pagtanan at pagsama sa ibang lalake." He rolled his eyes. Nadismaya kaming lahat. "Might as well, itigil niyo na 'yan. Nagsasayang lang kayo ng oras sa wala." Sambit pa nito.
How could he say that?
"No, we won't." I stood up. "Kung gano'n mo lang kadaling sukuan si Evan, ang best friend mo, puwes hindi kami." Mariin kong sabi sa kanya.
Andres held my hand. "Yulian…"
I looked at him. "Sa labas nalang ako maghihintay," paalam ko't tiningnan muli si Tobi bago maglakad palabas ng pinto.
Hindi ko lang talaga maiwasang madismaya na malamang ganito na lamang kasama ang loob ni Tobi kay Evan. Agad-agad siyang naniwala sa text na natanggap niya. Malay mo kung hindi pala si Evan ang nagpadala no'n? O iyong taong may hawak pala sa kanya? That it was intended for him to believe that Evan disappeared, willingly.
Napailing na lamang ako nang makalabas ng gate.
Mukhang sa unang hakbang na ginawa namin, wala kaming nakuhang kasagutan sa aming mga tanong.
Ngunit hindi kami susuko. Hindi ako susuko.