Y U L I A N
"You never told us that you have a place like this here in the city, bro!" excited na sabi ni Wilmar at tinapik ang balikat ni Andres. Maski naman ako ay amazed at shocked rin.
Narito kami ngayon sa loob ng cabin na pagmamay-ari ni Andres dito sa syudad. Yes, literal na cabin in the city. Bente minutos lang mula sa subdivision nina Tobi ay nakarating kami rito.
Kaya pala nakangiti ito kanina at hindi man lang kumwestiyon sa suhestiyon ni Jaira na manatili kami rito sa syudad para hintayin ang kinabukasan at makausap si Tobi, dahil may lugar pala siyang alam kung saan kami pwedeng manatili.
"Hindi ko naman alam na magagamit natin 'tong bahay." Nakangiting sagot ni Andres kay Wilmar. "But still, I'm happy that we're in here now. It's been a long while seen I last went here." Halata sa kanya ang tuwa habang iniikot ang paningin sa paligid ng cabin kung nasaan kaming anim ngayon.
I looked at how beatiful this cabin is made. Halatang sosyal ang pagkakagawa ng bawat kahoy na bahagi nito. Ang mga gamit sa loob at mga furniture ay talagang nakaka-relax tingnan. Ito 'yong tipo ng cabin na gugustuhin mo na lamang na humilata sa couch, manuod ng tv, at uminom ng beer—kahit minor ka palang like me.
"This is very pretty," komento ni Jaira. Tumango-tango ang sumang-ayong si Resty.
"I know, right!" Ani Krisanta.
Nakangiti kong tiningnan si Andres. He looked back at me and smiled. I never knew he has this place here at the city, na pumupunta pala siya rito every once in a while with his family. Mukhang ang dami ko pang hindi alam sa taong ito. It makes me feel excited somehow to know him more.
"Unfortunately, there are only three rooms here." Ang sabi ni Andres sa amin. "So, two people needs to share in one room." Ang paliwanag pa nito.
"Share kami ni Jai!" hinila ni Krisanta si Jaira at sumang-ayon naman ito.
"Res and I will share the other one." Ani Wilmar.
Napatingin ako kay Andres. That means…
"Then, Yulian and I share the last room." Matipid itong ngumiti. Gano'n rin ako.
Wala naman akong pamimilian pa dahil iyon naman talaga ang mangyayari. It's just that, nahihiya lang ako na makasama si Andres sa iisang kwarto.
"Thank you so much for letting us stay here, Andres." Jaira told him.
"Don't mention it." Andres smiled at her. Ngumiti ito sa kanya.
Andres looked at me and smiled. I smiled at him, too.
We had our earlier dinner at 6 pm. Resty ordered food for the rest of us. His treat.
We were having conversations at the living room but then, everyone seemed to be so tired and worn out. That's why Jaira and Krisanta went inside their room, as well as Wilmar and Resty.
Si Andres naman, he said, he'll change his clothes. Ako lang ang naiwan sa sala facing the television. I was watching a cartoon show when I got bored and stood up from the couch.
Pinatay ko ang tv at naglakad palabas ng pinto. I opened the door and sat on a long wooden chair. Narito ako ngayon sa maliit na veranda ng cabin na ito. I'm facing the road, ilang metro ang layo mula sa kinalalagyan ng cabin na ito. There are houses nearby and the cars are loud every time na dumadaan ito. We are definitely here in the city.
Malamig ang paligid. There are two poles of lights outside. Nagbigay iyon nang sapat na liwanag sa akin at sa buong paligid nitong bahay, without ruining the ambiance of this place.
Hindi kasi gano'n kalakas ang liwanag na nagmumula sa ilaw. It's kind of making me lonely and sleepy.
Mabuti nalang at kahit malamig, may jacket ako at hindi ko gaano iyon ramdam.
Sa pagkakatulala ko sa harapan, someone just sat beside me. When I smelled him, alam kong si Andres iyon. Nagulat nalang ako nang may idikif siyang malamig na bagay sa kamay ko.
When I looked at it, it's a beer in a can.
Tiningnan ko ang beer bago siya balingan ng tingin. He's holding his own can and smiling.
"You know I'm 16, right?" pagpapaalala ko sa kanya, in case he's forgetting it dahil sa pag-alok niya sa akin ng alak.
"I know." He smiled. Hindi niya inilayo ang can ng beer sa akin. "Hindi ka naman malalasing ng isang can lang ng beer. Isa pa, 5 percent lang 'yan and fruit flavored. Para ka lang umiinom ng juice without tasting the bitterness." Naakit naman ako sa sinabi niya kaya agad na kinuha ang lata mula sa mga kamay nito.
"Sigurado ka, ha? Iinumin ko talaga 'to?" he nodded and laughed a bit. I opened the can and smelled it. Amoy strawberry ito. Tumingin ako kay Andres bago inumin iyon. "Wow," ang nabanggit ko matapos uminom nang kaunti mula roon.
"I knew you'll like it," ang sambit nito habang nakangiti at uminom sa kanya.
I didn't just like it. I like it so much. The taste of the strawberry flavor? The coldness of it? It makes me wanna finish this can in just one go. I can't help it.
I drank once again.
"Easy…" Andres stopped me. "Marami pa roon sa loob if you want to drink some more. But I don't suggest to drink much. Doon, malalasing ka talaga." Paalala niya. Nahiya naman ako bigla.
"Sorry, nadala lang ako. This is my first time to drink this kind of drink. A flavored beer." Manghang sabi ko sa kanya at nakangiting tiningnan ang hawak ko. "This is way sweeter than I thought it would taste. Ang nasa isip ko kasi ay kahit may fruit flavor na, it will taste bitter pa rin. I was wrong. This is so good!" I exclaimed. Napatawa nang kaunti si Andres.
"I'm so glad you liked it," tugon nito sa akin. Ngumiti ako.
I noticed what he is wearing. He's wearing a tight white shirt and a short, shorts. With this clothes, naha-highlight no'n ang laki ng mga muscles niya sa katawan. He looks hot, really hot.
Napalunok ako at sandaling kinalma ang aking sarili mula sa pagkakatitig kay Andres. Tumingin ako sa harapan at pinanuod ang pagdaan ng mga sasakyan sa kalsada. Andres did the same thing.
We continued drinking.
"I hope wherever he is right now...I hope he's safe." Napatingin ako sa nakatulalang si Evan. I guess, he's referring to Evan. "Sana kung nasa hindi siya magandang sitwasyon ngayon, sana hindi siya mawalan ng pag-asa." He added.
Napalunok ako't pinagmasdan si Andres. "He'll be okay. I believe, lumalaban siya ngayon. Evan is smart enough to know that he'll get out of that situation no matter what." Ang sambit ko dahilan para mapatingin sa akin si Andres. "Naniniwala ako na mahahanap natin ang mga bagay na makakapagturo sa atin kay Evan, Andres. We'll find out what happened to him. We will find him." I told Andres. Napangiti ako.
"Yeah," he nodded and tapped my back. I smiled at him.
We talked for about 20 minutes outside the cabin, at the veranda, talking about random things. Earlier, I said that I wanna get to know him more and that's what I did.
So, Andres' family has a lot of houses here in the city pala. Mayaman ang pamilya niya based from what he shared to me. Bukod sa cabin na ito, that his family gave to him, para may bahay siyang matutuluyan if ever he decided to go to the city ay mayroon rin siyang isa pang bahay na ibinigay sa pag-aalaga niya. Mas malayo nga lang raw iyon mula rito kaya dito niya napiling patuluyin kami sa cabin.
For a 17-year-old, he's independent. Nakakapunta siya kung saan-saan with his parents consent. Hindi rin siya pinagbabawalan sa mga gusto niya. He looks mature, too. And he sound like it, too. Sa tingin ko nga ay papasa siya as a person on his early 20s dahil sa itsura at pananalita nito. Hindi siya mukhang teenager, sa totoo lang.
Pero ako? I do look like one. Isang taon lang ang tanda ni Andres sa akin but he's way bigger and more mature than I am.
"It's getting pretty breezy right here," napatingin sa akin si Andres. "Should we go inside?" tanong nito at nang maramdaman ko rin ang lamig kahit naka-jacket ako, tumango naman ako sa kanya.
"Tara," I told him and we stood up.
Pumasok na kami sa loob ng cabin at dumiretso na sa loob ng kwarto kung saan kami matutulog na dalawa.
Malaki naman ang kama. Kasya siguro kahit tatlong tao rito kung pipilitin. Sa tingin ko ay hindi naman kami magkakaproblema sa pagtulog kahit magshe-share kami sa isa't isa.
Kung mayroon mang magiging problema, ako siguro 'yon at ang pagkailang ko kay Andres. This is my very first time to sleep with a guy in one bed. Malaki man ang kama o hindi.
Napalunok ako habang nakatingin sa kama.
"Are you okay?" Andres came to mee and held my arm, gently. "Okay lang ba sa 'yo na magtabi tayong dalawa?" ang tanong nito sa akin. I looked at his eyes. Seryoso ang mga ito.
Tumango ako sa kanya kahit may parte sa sarili kong naiilang pa rin ako. "Yeah, sure." Ngumiti ako nang pilit.
"If you're not comfortable sleeping with me, I can take the couch and sleep there, instead." Sincere niyang suhestiyon pero umiling ako agad. That idea is nonsense.
"This is your house, Andres. It will not look and feel right kung gano'n," ang mahinahon ko ritong tugon. "Naiilang lang ako dahil first time kong makakatabi ang isang lalake sa kama." Pagsasabi ko ng totoo. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.
"You don't have to be awkward with me, Yulian." Hinawakan niya ang kamay ko. "It's just me." He laughed a bit ngunit napailing ako.
"No, it's not just you. It's you." Ang magulo kong tugon sa kanya that made his forehead furrowed.
"What?"
Umiling ako. "Andres, I am gay and you're—"
"And I am, too." Nakangiti niyang sagot sa akin na pinutol ang aking sinaasabi.
And you're just too hot for me to handle. Iyon naman talaga ang gusto kong sabihin sa kanya. Baka kasi hindi ako makatulog dahil sa oagkailang ko kay Andres.
"There's nothing to worry about, Yulian." He said. "I won't touch you or anything," he laughed a bit and tapped my arm.
Ngumiti ako sa kanya at tumango-tango.
"Maaga pa tayo bukas," he said. "Let's sleep?" nakangiti ako nitong hinila palapit sa kama.
Nagpadala naman ako't hinubad na ang suot kong jacket at sapatos.
"You can wear my clothes if you're not comfortable with your pants to sleep." Alok nito ngunit tumanggi ako.
"I'm fine with it," sambit ko. "Thank you, Andres." He just smiled.
Sumampa na siya sa kama. Nasa kaliwa niya ako at nasa kanan ko naman siya. He switched off the lights using the button on the wall near him.
Pareho kaming nahiga and he shared me the blanket. Darkness spreads inside the room.
"Yulian…" I looked at him when he called my name.
"Hmm?"
"Good night," he said in the sweetest tone.
Napangiti ako. "Good night, Andres."
***