Chapter 9

1927 Words
Y U L I A N Nagising akong nararamdaman ang matigas na bagay na aking sinasandalan. Uni-unti kong iminulat ang mga mata ko habang dinadama ang kinasasandalan ng aking ulo. Nang tuluyang magkamalay, doo’y napagtanto kong sa braso pala ako ni Andres nakasandal at ang ulo ko nama’y nasa balikat niya. Otomatiko akong napainat palayo dahil sa pagkagulat at pagkapahiya. “I’m sorry, hindi ko alam-” “Okay lang,” agad niyang putol sa sasabihin ko. “Mukhang masarap ‘yong tulog mo kaya hindi kita ginising.” He said. Nataranta ako’t napalunok. Lalo akong nahiya. Hindi ako makatingin kay Andres nang diretso. Nolw, I am overthinking. Nakakahiya sa kanya at hindi ko rin alam kung gaano ako nakasandal sa braso at balikat niya. Kung tumulo ba ang laway ko habang natutulog o kung mukha ba akong hindi kanais-nais tingnan habang tulog. Inayos ko ang aking sarili. Ang jacket ko, ang mga mata kong namumungay, at ang aking buhok. I looked at Andres. He has this timid smile on his face again while looking at me. “Gaano na katagal ‘yong biyahe natin?” pagtatanong ko sa kanya habang itinatago ang pagkailang ko. “Malapit na tayo. Mga trenta minutos nalang.” Iyon ang isinagot niya sa akin at ngumiti. “Nakatulog rin ako habang nakasandal ka sa akin kanina. Nauna lang akong magising sa ‘yo nang isang oras kaya huwag mahiya.” Ngumiti itong muli. Pinilit kong huwag ipahalata ang aking pagkahiya dahil sa sinabi niya. Tumango lamang ako bago tingnan ang relo na suot ko. Ala una na ng hapon. "Pasensya na ulit," hingi ko ulit ng paumanhin kay Andres ngunit umiling lamang ito nang nakangiti. Sakto namang huminto ang bus at nang silipin ko ang bintana, nasa lilim na kami ng terminal. We are finally here in the city. "Let's go, guys!" nag-inat pa si Wilmar matapos tumayo kasama ni Resty at nilingon kami sa likuran. Jaira and Krisanta stood up, too. I nodded and we all walked out from the bus. Pagkalabas pa lang namin, hindi na magkamayaw ang mga tao sa sobrang pagmamadali. Maingay ang paligid. Ibang-iba sa pinanggalingan namin. Dalawang linggo pa lang ako sa Easton pero nang makapunta akong muli rito sa syudad, parang hindi na ako sanay. "Hindi man lang ba muna tayo kakain man lang?" Krisanta protested. Nagpupunas ito ng kanyang sarili dahil totoo namang mainit na ngayon. "I agree," Wilmar said. "We were sleeping for 5 hours and we haven't eaten anything yet." Dagdag pa nito habang tumabi kaming lahat sa pwesto kung saan naghihintay ang mga pasahero ng mga bibiyaheng bus. "Sige," Jaira agreed. "Maglunch muna tayo bago tayo dumiretso sa bahay nina Tobi." Ikinatuwa nina Krisanta ang narinig. Maging ako rin ay natuwa dahil gutom na rin ako. Naglakad na sila palabas ng terminal ng bus. Sinenyasan ko si Andres na maglakad at sumunod sa mga nauna. Humabol kami sa kanila. Nang makalabas ay naghanap agad sina Krisanta at Jaira ng gusto nilang kainan. Habang kami namang apat ay sumusunod lang sa kanila. Nang makakita ng isang fast food restaurant, agad kaming pumasok sa loob no'n. Magkakasama kami sa isang mahabang table. Katabi ko si Resty sa aking kaliwa at si Andres naman sa aking kanan. While, Jaira, Wilmar, and Krisanta are sitting together in front of us. We ordered a lot of food. Jaira took care of the payment. Libre niya raw ito dahil minsan lang sila makapunta ng syudad at makakain sa ganitong restaurant. Wala kasing ganito roon sa Easton. We ordered Korean-style fried chicken, dumplings, fried rice, and smoothies for our drinks. Habang busy sa pagku-kwentuhan at tawanan ang iba habang kumakain, I took the time to talk to Andres since I think he feels out of place. "You OK?" I asked him. Nang marinig iyon, ngumiti ito nang matipid at tumango. "Why would I not be OK?" sagot nito at sumubo mula sa kinakain. "Ikaw, okay ka lang ba?" he asked me. Tumango naman ako. I looked at the surroundings. Pati ang view sa labas ng restaurant. Maganda. Mga busy ang mga tao at maingay. Hindi ko itatanggi na kahit medyo nasasanay na ako sa paninirahan sa Easton ay namimiss ko pa rin ang ganitong environment. "It's been 2 weeks," I told him and smiled. "2 weeks since we moved to Easton and here I am, back in here again kahit sandali. Ang saya sa pakiramdam. Pero medyo nakakapanibago." I shared to Andres. Tumango ito sa akin nang may ngiti. "You told me last time that you're family and you will only be staying in Easton for the whole year, right?" tumango ako sa tanong niya. "Does it mean, you'll move here again after 3rd year?" tanong nitong muli kaya't napaisip ako. Iyon naman talaga ang totoo. Isang taon lang and then, we'll be back in here again. Pagnatapos na ang project ng mga magulang ko sa site nila sa Easton at kapag natapos ko na rin ang buong taon ko as 3rd year sa East Robertson, I'll be moving back to where I was really living in. Though, thinking about it now makes me a little sad. Hindi ko matukoy ang dahilan pero parte na no'n ang Lost & Found Club at si Andres. They are the ones I became friends with. Sa mga kaklase ko naman sa Easton, wala akong naging close friend, sila lang. It's a shame na after a year, lalayo na ako ulit sa kanila. "That's right…" may kaunting lungkot sa tono ng boses ko nang sabihin ko iyon habang nakatingin ako kay Andres. He nodded and I can see the slight disappointment on his face ngunit pinili nitong ngumiti sa akin. "Pero hindi pa naman 'yon ngayon. Marami pa namang oras, araw, at mga buwan. Hindi pa tapos ang taon." I smiled at him. "Isa pa, hindi pa natin nalalaman kung anong nangyari kay Evan. So, matagal pa ang kailangan kong gawing pananatili sa Easton." I tapped his arm gently. He smiled. "Right…" he said. "Huy! Kayong dalawa, may sarili kayong mga mundo d'yan!" Jaira interrupted our conversation nang punahin kami nito. Nagtawanan naman sila. "Kayo, eh! Hindi niyo kami sinasama sa mga pinag-uusapan niyo." Pabiro kong sabi at tiningnan ang nakangiting si Andres. "Oh, heto na, Yulian! Tampo agad!" Krisanta said. We laughed altogether. We spent at least an hour there before we proceeded to find Tobi's house. Sumakay lang ulit kami ng sasakyan, this time taxi naman, bago kami nakarating sa tapat ng isang subdivision. According to Resty's research, dito raw nakatira si Tobi ngayon. "Sigurado ka rito Res, ha?" ani Jaira na tumingin sa aming treasurer na ngayo'y kasalukuyang naglalakad patungo sa harapan ng guard house. "Ano hong kailangan nila?" tanong ng guard na lalake na nagbabantay sa harap ng gate ng subdivision. "Kaklase po kami ni Tobi Magallanes." Resty answered habang kami naman ay nasa likod lang. "Pasensya na, sir. Hindi ho kami nagpapapasok ng mga taong walang pahintulot mismo ng mga home owners." Ang dismayadong sabi ng guard. Nagulat naman kami. Tumingin kaming lahat kay Resty na nakatayo sa harap nito. Siya lang kasi ang pinagkakatiwalaan namin patungkol sa bagay na ito. "But we know him!" protesta ni Krisanta na katabi ni Wilmar. "Let us in, Kuya. We have a very important matter to talk to our friend." Ang pagsegunda naman ni Wilmar. Napatingin ako kay Andres. Hindi naman ito nagsasalita at nanatili lang sa tabi ko't pinapanuod ang mga kaganapan. "Kahit pa ho kakilala. Kung walang tawag mula sa loob, hindi ho talaga pupwede." Pag-uulit ng guard. Na-dismaya kaming lahat. Paano 'yan? Resty looked at us. Nang lumingon ito ay may isa na itong pagngisi sa kanyang mukha. Napatingin kami sa kanya in confusion. Biglang nagring ang telepono sa tabi ng guard na nakapatong sa lamesa. Nakuha no'n ang atensyon ng nagbabantay. He answered it. Napalunok ito't tumango-tango. "Okay po, Ma'am." Matapos iyon, ibinaba na niya ang telepono at humarap sa amin. Lumunok at inalis ang bumarang laway sa lalamunan. "Pwede na ho kayong pumasok, Sir. Pasensya na po." Paghingi ng paumanhin ng guwardiya na ikinagulat naming lahat, except kay Resty. Hindi muna kami nagsalita kahit may pagkabigla. Minabuti naming pumasok muna sa loob ng subdivision matapos kaming pagbuksan ng gate ng guard. Nang makalayo, doon na namin inusisa si Resty na malakas ang kutob ko'y dahilan ng pagpapapasok sa amin rito at ng tawag na natanggap ng guwardiya kanina. How the hell did he do that? "What did you do?" manghang tanong ni Wilmar kay Resty. "At sino 'yong tumawag sa guwardiya?" "Sigurado kaming may ginawa ka na namang taktika para makapasok tayo rito nang hindi tayo pinagbabawalan." Ani Krisanta. "Or do you have any relatives or friends here? Sila ba 'yong tumawag kaya tayo pinayagang makapasok ni Kuyang Guard kanina?" ang tanong naman ni Jaira rito habang patuloy kaming anim sa paglalakad. Umiling si Resty. "Nasa restaurant pa lang tayo, nagset na ako ng fake recorded call. Walang may access ng telephone sa guardhouse kung 'di ang mga nasa loob lang ng subdivision. Sa bahay pa lang, pinaghandaan ko na 'yon dahil alam kong mangyayari ito." Namangha kami sa narinig. Lalo na ako. "Ang galing!" hindi ko napigilang i-express ang pagkamangha ko. "Resty's hacking skills never failed to amaze me." Komento naman ni Andres, nginitian kaming pareho nito. "Iba ka talaga, Res!" Wilmar tapped his back. "Ikaw na talaga!" Krisanta exclaimed. Nagpatuloy kaming lahat sa paglalakad matapos ang kwentuhang iyon, we stopped in front of a blue gate na may numero ng bahay na 232. Again, according to Resty's research, ito ang bahay ni Tobi, ang best friend ni Evan. Jaira pressed the doorbell twice. Walang sumasagot mula sa loob. Naghintay kami ng ilang saglit pa ngunit wala talaga. Mukhang wala atang tao sa loob. Jaira was about to press the doorbell again when a neighbor came to us. "Anong kailangan niyo sa mga Magallanes mga ineng at iho?" tanong ng babaeng mga nasa 40's na ang edad. "Kaklase po kami ni Tobi…" Jaira replied and cleared her throat. "May group project po kasi kami na kailangang gawin." She lied. Napangisi ako dahil sa alibi niya. "Naku, wrong timing kayo." Ang dismayadong sabi ng babae. "Bukas pa ang balik ng mga 'yon." "Nasaan po sila?" Jaira asked. "Noong Friday sila umalis at may pupuntahan daw sila, gawa e day-off ng pamilya. Linggo daw kasi ang balik. Balik na lang kayo bukas." Ang concern na sabi nito. Sabay-sabay kami napatango out of disappointment. "Sige po. Salamat nalang." Jaira said and the lady walked away. Tumingin ito sa amin. "What now, Jaira?" Krisanta asked her. "Should we go home now?" Wilmar asked. Mag a-alas kwatro na ng hapon. Sayang naman 'yong ipinunta namin rito dahil wala si Tobi at hindi namin siya makakausap ngayon. Still, pwede naman kaming bumalik bukas. "No." Jaira answered them. "We are staying." Andres and I got shocked, as well as the other three. "What?" gulat na sabi ni Wilmar. "Yes." Jaira said. "Sayang 'yong ipinunta natin rito. And if we go home now, sayang rin ang pamasahe. Sayang rin ang limang oras na biyahe. Kaya maghihintay tayo hanggang bukas." "Are you kidding me?" Krisanta protested. "And where do you want us to stay, aber?" "We'll look for a place to stay." She answered her. Napatingin ako kay Andres. He doesn't look bothered at all. In fact, he smiled when he looked at me. "So, who's in favor to stay?" Jaira asked us. "May magagawa pa ba kami, Jai?" Wilmar told her. And just like that, we all agreed to stay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD