Y U L I A N
I woke up at 6 am.
Kagaya ng nakagawain tuwing umaga, I made myself a cup of brown coffee. Iniinom ko 'yon habang nakaupo sa maliit na espasyo ng couch sa loob ng kwarto ko.
Maaga pa naman kanina kaya I took my time and watched a 45-minute serial-killer documentary. Sounds weird to start my morning, right? I know.
Ganito lang talaga ako. I easily get curious about a lot of stuff. Lalo na kapag nakuha ng bagay na 'yon ang atensyon at interest ko. Katulad na lamang ng panunuod ng mga documentaries. Hindi lang naman mga tungkol sa serial killers ang pinapanuod ko. Pati rin 'yong mga true stories about detectives, how they usually do their works, at kung paano sila maka-solve ng crimes and mysteries.
Aminado naman akong mahirap iyon i-digest lahat. I mean, the knowledge of being a detective and the basic knowledge of solving mysteries. Wala naman akong balak na maging detective balang araw. I just find it so fascinating. Nakaka-amaze makapanuod ng mga detective na nagso-solve ng mga misteryo gamit ang kanilang mga utak ag dedaksyon.
Kaya rin siguro ay isa rin sa mga interest ko ang panunuod ng mga gano'n ay dahil bata pa lang ay curious na ako sa maraming bagay. May times nga na nawalan ako ng pambura noong elementary at hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nahahanap iyon. Hindi ko rin pinalagpas ang pagkakataon na hanapin kung sino sa mga kaklase ko ang kumuha no'n. And using my own skills, na masasabi kong effective, nahanap ko 'yon sa isa sa mga bag nila. And that I think my very first solved mystery. Hindi iyon biro dahil tatlong araw bago ko na-diskubre iyon! Add the fact that I was just 9 years old and Grade 3 that time.
Maybe, solving mysteries and weird cases using my own ways, is my thing. Again, wala akong plano sumunod sa mga yapag ni Sherlock Holmes or ni Enola Holmes. Curious lang talaga akong tao na gustong-gusto ng mga kasagutan mula sa mga tanong ko.
At kabilang na roon ang kaso ng pagkawala ni Evan Policarpio.
His disappearance made me think of investigating it. And with the help of Jaira, Resty, and the whole Lost & Found Club, posible iyon. Isa pa, Andres is also cooperating. I don't know what are his steps or his ways through this investigation process, pero alam kong may ginagawa siyang aksyon para may mahanap na kahit anong clue na makakadagdag sa paglutas sa pagkawala ni Evan.
Katulad nila, I don't believe that Evan just ran away. Hindi ako naniniwalang umalis lang siya nang gano'n lang. It's not possible. Hindi ko siya kilala pero alam ko, at malakas ang kutob ko, na hindi niya iyon gagawin. Malakas rin ang kutob ko na kaya siya nawala, at nawawala, dahil may nangyari sa kanya. At may tao o mga tao sa likod nito.
At 'yon ang lulutasin ko, kasama ng mga taong iisa rin ang hangarin katulad ko.
Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat. I believe that there's an explanation behind his disappearance. That in the end, magkakaroon rin ng linaw ang lahat.
Naniniwala rin ako na buhay si Evan kahit sa loob ko'y malakas ang kutob kong someone abducted him or something. Kung ano ang dahilan? Iyon ang kailangan kong alamin.
At 7:20, lumabas na ako ng dormitory dala ang backpack, cellphone, charger, at wallet ko. Ganito talaga ako ka-handa pagdating sa pagtravel. Considering na limang oras ang biyahe mula rito ay talagang dapat handa ka. I also have a bottle of water with me, snacks, and first aid kit. Call me a boy scout or anything, that's just me.
Iyong contribution pala na sinasabi ko sa Lost & Found Club funds namin ay na-deposit ko na sa mismong online account na ginawa ni Resty. I gave five thousand since it was my first contribution.
I am wearing a white shirt and a gray jacket. Pantalon namang maong at puting sapatos sa ibaba. I even have my earphones with me. Suot ko na iyon bago pa man ako makalabas ng kwarto.
And now, I am walking towards the exit of the building. Magkikita-kita kasi kami sa labas ng campus, sa gate mismo, para mag-abang ng sasakyan papunta sa terminal ng bus na bente minutos ang layo mula rito sakay ng normal na tricycle.
Lumabas na ako ng campus and found them waiting for me. Ready na rin sina Jaira, Resty, Wilmar, and Krisanta. We all have our backpack with us. Hindi ko lang sigurado kung kasing-handa ko sila pagdating sa mga gamit na dala ko.
At 7:30, we rode a tricyle. Since lima kami, magkasama sina Jaira at Krisanta sa loob noon. Habang kami naman ni Wilmar ay nakasakay sa likuran, sa backrider seat. And Resty, since hindi naman siya gaanong kalakihang lalake, nagtiis siya nang bahagya sa extra seat na nasa loob kasama ng dalawang babae.
Makalipas ang lagpas bente minutos, nakababa na kami sa tricycle. Resty took care of the fees for us since he's the club treasurer.
It's 5 minutes before 8:00 at napansin naming nagtatawag na ang konduktor ng maliit na terminal ng bus na sasakyan namin. Sa paligid ay malawak na palayan at sa harap nito ay mahabang kalsada na kaharap nama'y malawak na kagubatan. This area is also not developed, yet. Halos lahat naman ng lugar rito sa Easton.
Hindi ko pa ito nalilibot but I wish I could go to the market, gusto ko kasi iyong mapuntahan at malibot pa ang ibang parte ng Easton, bukod sa East Robertson.
"We have to go inside now," sabi sa amin no Jaira na naglalakad na papunta roon. Tinanguan ko naman siya't sumunod sa kanila.
Before we could enter the bus, natigilan ako dahil sa narinig kong ingay ng tricycle na kararating lang ngunit bago ako makalingon, may tumapik na sa balikag ko.
It's Andres.
Natigilan pati ang mga kasama ko.
Nakabihis rin siya at may dalang bag. Anong ginagawa niya rito?
Hinihingal niyang ipinakita sa akin ang ticket na hawak niya. It's a bus ticket.
Nakangiti ito nang matipid. "I got my ticket." Sabi nito sa akin. "Noong nalaman ko na alas otso kayo bibiyahe, nagbook na rin ako kaagad rito nang gano'ng oras. Muntik pa akong mahuli." Hinihingal nitong dagdag.
Ngumiti ako ngunit nakakunot ang noo. "I thought..."
"I've changed my mind and decided to go with you..." tumingin siya sa mga mata ko matapos putulin ang aking sasabihin. Marahan akong napatango at ngumiti kay Andres.
"Well, I'm glad." Sabi ko sa kanya. Andres smiled. Lumingon ako sa aking likuran. "Si Andres..." pakilala ko sa kanila.
"We know him. He's from the Photography Club, right?" Krisanta asked. Tumango ako.
"He'll come with us? Right. The more, the merrier, they say." Wilmark said. Napangiti ako.
"Halika na kayong dalawa," ang sabi ni Jaira na nginitian kaming pareho bago magpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng bus.
Nilingon ko si Andres at sinenyasang sumunod sa kanila. We entered the bus together.
Sa bandang likuran piniling maupo ng mga kasama ko. Occupied na kasi halos lahat ng seats. Si Jaira at Krisanta, magkatabi sa unahan. Kasunod naman nila sa likuran ay sina Resty at Wilmar. At since, may mga nakaupo sa likurang upuan na kasunod nila, Andres and I had to sit at the very back of the bus.
The bus left.
Nagsimula na ang limang oras naming biyahe patungo sa syudad. Actually, my mom and dad doesn't know I'm going to the city with the club. Hindi ko sinabi dahil sigurado akong hindi sila papayag. Ngunit alam naman nilang hindi ako uuwi sa bahay ngayong weekend dahil ang dahilan ko, busy ako sa mga assigments at club activities.
We're passing by the large area of mahogany trees. Nasa side ako ng bintana habang katabi ko naman sa aking kaliwa si Andres. While we're this close, I can't help myself but to smell him. He smells so nice.
Sakto naman noong tiningnan ko siya nakatingin ito sa bintana and looked at me. He gave me a timid smile.
"What made you change your mind?" I can't help but to ask him. "Hindi ba natuloy ang meeting niyo sa Photography Club?" I added.
"Natuloy sila but I bailed myself out of it." Ngumiti ito. "Naisip ko kasi na hindi naman ako gano'n kailangan ro'n. Mas kailangan ako rito at mas gusto kong sumama sa 'yo." Natigilan ako sa narinig mula sa sinabi niya. Did he just say...
"Uhm," napalunok ako. "Thanks?" hindi ko kasi alam kung paano magre-react kaya iyon na lamang ang tinugon ko sa kanya.
Ang sabi niya, mas gusto niyang sumama sa akin. He bailed himself out from their club meeting just to go with me to the city and talk to Tobi.
Malaking bagay talaga para sa kanya ang bagay na ito. Napangiti ako sa kanya. It means, Evan is really important to him. How lucky is that guy?
"What do you like about him?" bigla kong pagtatanong out of the blue. Nagulat ito. "I mean, Evan? I know, he's smart and kind. But what else?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Napakunot ang noo nito nang kaunti. "Why did you ask?" he asked.
"Wala lang." Ang sagot ko. "For you to do all this stuff, and to participate on this, malamang ay mahalaga talaga para sa 'yo si Evan at sa kasagutan sa kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya. You really like him to go this far." Napangiti siya nang marinig iyon.
"I like him because I he is what he is." Ang sagot nito sa akin. Natulala ito habang nakangiti. "He's not afraid to show who he really is. Bukod sa matalino at mabait si Evan, he's different. He has all the traits that I could ever want in a guy. It's unexplainable, Yulian. It's just..."
"I understand." Pagputol ko kay Andres at ngumiti nang matipid sa kanya. Napatingin ito sa akin at ngumiti rin. "He's lucky." I told him ngunit ngumiti lamang ito.
Bumaling na ako ng tingin sa bintana at pinanuod ang pagdaan ng bus sa mga punong madadaanan namin sa tabi ng kalsada.
Why the hell I'm feeling this way?
Andres is kind. He's nice. He has the looks. He's a fine young man. Kung kay Evan niya nahanap 'yong mga katangiang nagustuhan niya sa isang lalake. Bakit pakiramdam ko, kay Andres ko naman nahanap 'yong mga katangian na tipo ko? Is it too early to have a crush on him?
Tumingin ako kay Andres. Ngayo'y nakasandal na ang ulo nito sa upuan. Nakapikit na ang mga mata nito. Sa puntong ito, I can see his nice pointed nose. Ang labi niyang manipis. Ang makinis niyang balat at ang makapal niyang mga kilay.
Evan is really lucky to have this guy's interest.
Ewan ko. I don't even know Evan. Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko pa siya lubos na nakikilala. But why do I feel jealous of him?
Why do I feel jealous of a person who I never met?
***