Chapter 7

1917 Words
Y U L I A N “Something’s weird about the dormitory.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magbahagi sa Lost & Found club habang narito kaming lahat ngayon sa clubroom at pinag-uusapan ang pagpunta namin sa syudad bukas. “Weird? You mean, the boys’ dormitory?” Jaira asked. Tinanguan ko naman ito while the others are looking at me, confusedly. “What’s up with it?” Napailing ako habang tinitingnan sila. “I don’t know.” I told Jaira. “Pero magigising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi o ‘di naman kaya ay sa madaling araw dahil sa malakas na paglagabog mula sa 3rd floor.” Pagbabahagi ko sa kanila. Wilmar laughed. “Wala namang tao sa 3rd floor, isang buwan na. It’s under renovation kaya imposible ‘yang sinasabi mo, Yulian.” He said ngunit seryoso akong umiling. “I know,” I responded. “But I’m sure, may tao roon tuwing gabi.” I told him. “And last night, kasabay no’n, nakarinig ako ng naglalakad sa hallway ng 2nd floor…” I shared. Napakunot ang noo ni Krisanta. “Did you see who that was?” umiling ako sa kanyang tanong. “Well, maybe, a sleep-walking student. Hindi na bago ‘yon sa dormitory. Kahit nga sa building namin, mayroon.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “And maybe, what you have heard from the 3rd floor were just animals. A rat or something, or maybe even bigger animals.” Wilmar said. “We are being surrounded with the woods, Yulian. And kagaya ng sinabi ko, under renovation ang 3rd floor kaya may mga posibleng point of entry na hindi pa naaayos roon, kaya hindi malabong may mga makapasok roon na hayop.” Paliwanag pa nito ngunit hindi pa rin ako kumbinsido. “Sa 3rd floor? Really?” Jaira slightly laughed over what Wilmar just said. “Kung sa unang floor ng building niyo, maniniwala pa ako.” She added. Napangisi naman si Wilmar dahil sa narinig mula kay Jaira. “Jai, matataas ang puno ng mahogany trees na nagkalat sa paligid ng campus at sa paligid ng dormitory. Animals must have climbed up there and use them as a way of reaching the 3rd floor. Animals aren’t as dumb as what you think they are.” Ngumisi ito ngunit inarapan lamang siya ni Jaira. “Maybe, a ghost?” napatingin kaming lahat nang magsalita si Resty sa tabi ko. “Maybe, it was Shaun that you heard.” My forehead furrowed when I heard the name. “Shaun?” I asked. “Res, patay na ‘yong tao. Huwag mo nang ibring-up pa.” I looked at Krisanta na nagsalita. Nagulat ako sa nalaman. “W-Who’s Shaun?” hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanila. “Bakit siya namatay?” I asked. Sandaling nagtinginan silang lahat bago tumingin sa akin si Jaira. "Shaun Madrigal. He was a student here. Nagsuicide siya, 5 months ago. Mula 3rd floor ng boys' dormitory, he jumped." Nagimbal ako sa nalaman. Magkahalong lungkot at takot ang naramdaman ko mula sa narinig ko kay Jaira. I thought, Evan's disappearance was the only creepy event that happened here at East Robertson, hindi pala. Before Evan disappeared, there was Shaun, a student who committed suicide. "And what was his reason?" kunot-noo kong tanong kay Jaira. "I mean, for committing such an action?" "Depression," napatingin ako kay Wilmar. "That was his only possible reason why he committed suicide." Dagdag nito. "Ang sabi ng iba, tuwing papasok daw si Shaun sa klase, he looked very strange and agitated." Jaira continued. "Ang sabi naman ng iba, na-depressed daw masyado because of academic pressure." Napailing ako dahil sa kagimbal-gimbal na bagay na aking nalaman. Someone committed suicide there, at the boys' dormitory. Hindi ko maiwasang kilabutan. "Enough with that," Wilmar cut the conversation. "Narito tayo to plan for tomorrow, 'di ba?" he asked. Tumango ako at ikinalma ang sarili ko matapos ang mga nalaman. Napalunok ako't piniling magfocus nalang sa pinag-uusapan naming plano sa pagpunta bukas sa syudad upang makipagkita kay Tobi. "Did you already call him?" Krisanta asked Resty. Ito lang kasi ang nakakaalam ng number ni Tobi. Umiling naman ito. "If I did, hindi natin siya maaabutan roon." Napakunot ang noo ko nang dahil sa narinig. "What do you mean?" I asked Resty. Tumingin naman ito sa akin. "Tobi left Easton after Evan disappeared." Ang sabi nito. "Kaya kung sasabihin ko ang pakay natin sa kanya, malabong makipag-usap siya sa atin tungkol doon." Paliwanag nito. "Bakit naman niya iiwasan ang pakikipag-usap tungkol kay Evan? Eh, best friend niya 'yon." Ang sabi ko pa. "Maybe, because he's too sad to talk about his best friend, gayong alam naman niyang nawawala ito." Jaira said. Napakunot ang noo ko. "Pero hindi ba dapat, nakikipagtulungan siya sa mga pulis para makatulong sa pag-iimbestiga sa pagkawala ni Evan? Bakit siya aalis at iiwas?" napaisip ako. "May alam siya for sure." Napatingin naman ako kay Wilmar. Krisanta smirked. "Or maybe, he was the culprit." Pabiro nitong sabi kasunod ng isang mahinang pagtawa. Napailing ako nang matawa silang dalawa ni Wilmar. "Whatever his reasons are, kailangan natin siyang makausap bukas para malaman 'yon at para malaman kung may alam siya sa pagkawala ni Evan." Jaira said, tinanguan ko naman ito bilang pagsang-ayon. "Nag-advance booking na ako ng ticket sa bus through online. Alas otso ang pinakaunang byahe na nakuha ko para sa ating lima." Resty told us. "Very good, Wilmar." Ang tugon naman ni Wilmar sa kanya. "Where did you get the money to pay the tickets?" tanong nito. "From our funds," sagot sa kanya ni Resty. Tiningnan ako nito. Tiningnan nila akong lahat. Ngumiti ako nang kaunti. "I'll give my fund contribution later. I promise." Paniniguro ko sa kanila patungkol sa ambag ko. "Do-doblehin ko 'yon para masigurong hindi naman malaking kabawasan ang gagamitin nating pera papunta at pabalik mula sa syudad." I told them. "That's a good thing, Yulian." Krisanta, for the first time, smiled at me. Tinanguan ko lamang ito. "Well, I think, that's enough for the plan." Ani Jaira. "Let's meet outside the campus. Sa mismong gate. Sabay-sabay na tayong sumakay patungo sa terminal ng mga bus." Ang paalala nito sa lahat. Tinanguan ko naman ito. "See you tomorrow everyone." Wilmar said with a light smile on his face. After that meeting, lumabas na ako mula sa clubroom at naghiwa-hiwalay na kaming lahat ng landas. Since alas cinco na rin naman at tapos na ang klase ko ngayong araw, naisip kong maglakad na papunta sa building ng boys' dormitory. Ngunit hindi pa ako nangangalahati ng daan mula sa clubroom building, nagulat na lamang ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Napatingin agad ako sa akin likuran. It's Andres. "Sorry…" nakangiti niyang sabi sa akin matapos nitong mapagtantong nagulat niya ako. I smiled at him. "Okay lang." He's wearing the strap of his camera again on his neck. Mukhang katulad namin, galing rin siya sa clubroom nila. We continued walking together. "Out from the clubroom?" he asked the obvious. Tinanguan ko naman ito. "Ikaw?" I also asked him the obvious. Ngumiti ito nang matipid. "Um-attend lang ako dahil nagkaroon ng announcement para sa darating na mga activities rito sa East Robertson. Kami kasi 'yong naka-assign sa lahat ng pagkuha ng litrato." Pagbabahagi nito. Tumango naman ako't ngumiti. "Nice." Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko bilang sagot kaya iyon nalang. "Uhm, Andres?" "Yes?" he smilingly said. "Can I ask you about something?" tanong ko rito habang patuloy kami ngayon sa paglalakad. Naalala ko bigla 'yong nabanggit ni Resty kanina. Iyong nagpakamatay na estudyante rito, 5 months ago. It feels weird to be thinking about it. Hindi ko lang kasi mapigilang ma-curious sa mga detalye. Hindi ko rin naitanong sa kanila since they cut it out already. Well, I'm too curious about almost a lot of things. Kaya hindi na bago kung magtatanong ako ngayon kay Andres tungkol sa bagay na iyon. "Oo naman. Tungkol saan ba 'yon?" nakangiti nitong tanong sa akin. Huminto ako sa paglalakad. "About what happened to Shaun Madrigal…" pagkabanggit ko ng pangalan niya ay natigilan rin ito sa paglalakad. Mula sa pagngiti ay nabawasan iyon. Tiningnan ko siya nang seryoso sa kanyang mga mata. "Nabanggit kasi kanina ni Resty sa clubroom 'yong nangyari sa kanya. Do you know him?" ang curious kong tanong kay Andres. Marahan itong tumango. "Batchmates kami. He was from Class B." Ang sagot nito sa akin. "He allegedly committed suicide, 5 months ago. Sa 3rd floor ng dormitory building." Sabi ni Andres habang nakatigil pa rin kami dahilan para mapakunot ang aking noo. "Allegedly?" napalunok ako nang ulitin ko ang salitang sinabi niya. Marahang tumango si Andres sa akin. Seryoso ang mukha nito. Does it mean, may foul play ang pagkamatay ng estudyanteng si Shaun, 5 months ago? "Ang sabi ng mga kaklase niya, stress daw masyado si Shaun sa mga subjects at hindi makahabol. Iyon daw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay." Paliwanag nito sa akin. "Pero 'yong iba naman, ang sabi, may tumulak daw sa kanya mula sa 3rd floor. Wala namang makapagpatunay no'n dahil bukod sa walang CCTV cameras sa buong campus at sa dormitory, gabing-gabi na mula noong mangyari iyon. Umaga na natagpuan ang katawan niya sa ibaba ng buiding." Malungkot ang tono ni Andres habang ako'y kunot ang noo nakatingin at gimbal na gimbal mula sa narinig. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Akala ko'y ang pagkawala lang ni Evan ang tanging misteryo sa paaralang ito. Pati pala ang pagkamatay ni Shaun. Ngayo'y hindi ko na maiwasang kilabutan. Dagdag na naman 'to sa iisipin ko. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka nga totoo 'yong sinabi ni Resty kanina. What if what I'm hearing from the 3rd floor, tuwing gabi at madaling araw, ay ang multo ni Shaun? It sounds ridiculous, right? Still, it's unsettling. Nakakatakot kaya! "Are you okay, Yulian?" tinapik ni Andres ang aking balikat. "You're spacing out...again." Pagpuna niya dahilan para i-shake ko ang aking ulo para bumalik sa aking isipan. "I'm sorry. Nagulat lang ako sa nalaman ko." I told Andres. "Sa tingin mo, may foul play ang pagkamatay niya?" I asked him. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. I honestly don't know what to think about Shaun's death." Ang sabi nito at seryoso akong tiningnan. "Gustuhin ko mang paniwalaan na mayroon. Baka hindi lang ako mapalagay kakaisip tungkol roon." He said. Tinanguan ko naman ito. "Don't think too much about it." He tapped my shoulder and gave a timid smile. "Let's go." Anyaya nito at nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Inalis ko naman ang pag-iisip ko sa bagay na iyon. Hindi rin makakatulong sa isip ko kung mag-aalala pa ako patungkol roon. Isa pa, wala naman akong alam sa nangyari, 5 months ago. I shrugged it off of my mind. Bago kami makalapit sa boys' dormitory building, I shared what my club has planned for tomorrow. Ang pagpunta namin sa syudad to talk to Tobi. I already told about it, a week ago. Gusto ko lang uliting muli kay Andres. "You can come with us if you want to." I told him. Ngumiti ito. "I don't think I can," he replied. "I have a club meeting tomorrow morning 'till afternoon." Na-dismaya naman ako sa nalaman. "Gano'n ba? It's okay." Ngumiti ako sa kanya. "But if I can, I will." Sambit nito sa akin. Napangiti ako. "Be safe, Yulian." He told me and tapped my arm. "You too, Andres." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD