Chapter 6

1821 Words
Y U L I A N "Yes, mom. I'll visit you there, maybe next week. Huwag na kayong mag-alala sa akin ni dad. I'll be fine here." Iyon ang sabi ko habang kausap ko si mom at ngayo'y nakatayo sa tabi ng aking kama. "I'll go to bed na rin, it's pretty late. May klase pa po ako bukas." Pagpapaalam ko rito. Tumango-tango ako at sandali pang nakinig sa mga huling bilin nito sa akin bago tuluyan ring magpaalam. "Love you too, mom." I replied. "Good night." Sabi ko't tuluyan nang ibinaba ang phone call na iyon. Huminga ako nang malalim at in-off ang cellphone ko bago humarap sa may bedside table at ipatong 'yon roon. Wearing my pj's, I sat on my bed. This is my second week here at East Robertson. My second week staying here at the dormitory. Thursday ngayon and it's my 11th night here. Tumawag sa akin si mom para mangamusta, since I didn't go home last weekend. Hindi naman kalayuan ang bahay namin na binili nila mula rito sa campus. I just didn't feel like going home last weekend. Isa pa, I told them that I'll be exploring the new environment, and learn to be independent while they're away from me. Sila lang naman itong masyadong nag-aalala sa akin, which I can't blame. Nasanay kasi sila na sa 16 years ng buhay ko, palagi kaming magkasama. Ito na 'yong pinakamatagal na hindi kami nagkasamang tatlo. Naiintindihan ko sila but I just want them to trust me. I'm 16, yes, I'm still a minor, a teenager, and a student. Pero kaya ko naman ang sarili ko, in the sense of taking care of myself kahit wala sila sa tabi ko. I can cook food, well, 'yong hindi gaanong complex na luto ng pagkain, ah? I can sleep on my own, nang mag-isa, at higit sa lahat, katulad ng palagi nilang hiling sa akin, nag-iingat ako palagi. Sa totoo lang, masaya nga ako na nararanasan ko 'to ngayon, eh. Ang maging malayo sa kanila kahit papaano. I mean, I lived my life for so long na palagi silang nariyan for me. Ngayon, pakiramdam ko, mas malaya ako, at mas nakakahinga nang maluwag. Though, I miss them, siyempre. Napahilamos ako ng mukha at nanatiling nakaupo. Tumingin ako sa orasan and it's currently 11 in the evening. 11:21 to be exact. I was about to sleep after finishing my assignments but mom called, so here I am again, waiting for my body and mind to shut down, and sleep. Tumayo ako at naglakad patungo sa bintana ng aking kwarto. Hindi ko pala iyon naisasara pa. I peeked there for a couple of seconds to see the outside of the dormitory building. Madilim at tanging mga malamlam lamang na poste ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa labas. I can see the building of girls' dormitory, na katapat ng gusali namin. Some lights there are still one. Marahil ay sa mga oras na ito, may gising pa sa kanila. Minabuti kong isara na nang tuluyan ang bintana at i-cover mula ang kulay beige na kurtina roon. I walked towards my bed and jumped on top of it. Kinuha ko ang kumot at hinila 'yon para itakip sa kalahating bahagi ng katawan ko sa ibaba. Hindi ko pa rin ino-off ang lampshade kaya't nananatiling may liwanag sa buong kwarto ko. Hindi ko lang mapigilang mapaisip muli bago matuloy. Ganito naman ako parati. Matutulog na lang, mag-iisip pa ng kung anu-ano. Kayo rin ba ganito? Well, ang iniisip ko, 'yong mga nangyari nitong mga nakaraang araw. My almost two weeks here at Easton, sa East Robertson, at dito sa dormitory. Kung gaano kabilis ang mga araw na hindi ko namalayang narito na akong nakahiga sa kama at ngayo'y pinagninilayan iyon. Time sure flies so fast, huh? Parang noong nakaraang linggo lang, kararating ko lang rito sa Easton. My parents enrolled me here and I was a little disappointed, and bored. Now, I'm starting to get use to this place, iyon nga lang, may pagka-creepy itong lugar...this dormitory. Well, back to my second week here at East Robertson, I quite enjoyed it a little. I made myself to join a club that I never would have thought of joining. I found myself doing that because I am too curious about this guy named Evan Policarpio and why he suddenly disappeared with no trace, for a month now. I made friends, sa clubroom, kung friends ba silang matatawag agad. But one person is for sure, I can call my friend. Si Andres. Ever since I met him, magaan na talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Bukod sa pleasant niyang itsura at mabait niyang pakikitungo sa akin, knowing that he's gay like me made me feel so much comfortable hanging around with him. Knowing that he's also interested about the investion of Evan's disappearance made me feel we're connected in some ways. Madalas kaming magkasalubong nitong mga nakaraang araw sa cafeteria, he even treated me a cup of coffee yesterday. At every time na magkakausap kami, those conversation makes me wanna talk to him even more. Ang gaan niya lang kausap, hindi siya panget ka-bonding. In fact, he's fun to be with, inspite of him being serious and timid most of the time. Napailing na lamang ako when I noticed myself unconsciously smiling while thinking about him. It's just that, he's cute, okay? And he's hot. A damn hot person. But I know, he likes Evan. I mean, it's not like I like him or anything, it's just...seeing him everyday is giving me these 'butterflies in my stomach' feeling but in a good way. Napaisip tuloy ako. Why did I not join Photography Club, instead? Then, I realized, oo nga pala at masyado akong curious kay Evan at sa pagkawala nito kaya't nang malaman kong gagawa ng hakbang ang ilang miyembro ng Lost & Found Club para mag-imbestiga, hindi na ako gaanong nag-isip pa and gave it a go. Argh! I shrugged. Heto na naman ako't nag-iisip na naman ng kung anu-ano hanggang mamaya, hindi ko namamalayan kung gaano na ka-late ang gabi. Maybe, I should go to sleep right now. Yeah. I stretched my arm and turned off the lampshade. Matapos 'yon, komportable akong humiga sa kama and covered half of my body with the comfy blanket. I closed my eyes and feel the silence of the night. Before I knew it, I fell asleep. I woke up because of a loud bang. Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga at napalunok dahil sa pagkagulat. Agad kong binuksan ang lampshade at napatingin sa itaas ng aking kwarto, sa kisame, nang muling maulit ang malakas na paglagabog. Shit. What the f**k was that, again? Tahimik ang buong paligid at tanging 'yon lang, ang malakas na paglagabog na iyon na nanggagaling sa 3rd floor ng building na ito, ang bumasag sa katahimikang iyon. Hindi ako gumalaw at pilit na pinakikiramdaman ang muli nitong pag-iingay habang nakatingin pa rin ako at nakatingala sa kisame ng kwarto ko. The last time I heard those loud bang was last week. Hindi na 'yon naulit noong huli ko itong marinig at buong akala ko, doon na iyon hihinto. Not until I woke up in the middle of the night, only to find out that it isn't over yet. Nang tingnan ko ang orasan sa dinding, pasado ala una na nang madaling araw. Geez. I had sleep for almost two hours only. Sira na naman ang sleep cycle ko nito. Habang nakatingala, hindi na muling tumunog ang kung ano mang bagay na nasa itaas. Bagama't kinakabahan sa pag-iisip kung ano ang bagay na iyon at kung bakit sa kalagitnaan ng gabi iyon palaging nag-iingay, inilayo ko ang sarili ko sa sobrang pag-iisip at piniling patayin nalang ang lampshade bago muling nahiga sa kama. Now, I can't sleep. After what I have heard again, after a week, heto na naman ang ingay na iyon mula sa itaas. What the f**k was that? Andres clearly told me that there are no students up there. That the third floor of this dormitory building is currently under renovation. Pero kung iisipin mo naman, ang sinabi sa akin ni Evan, noong isang buwan pa ito hindi pinapagamit ng principal sa mga estudyante. The third floor was empty for a past a month. Ngunit bakit tila wala naman akong napapansing mga manggagawang pumupunta rito sa building. There are no people renovating the floor. Does it mean, hindi pa nila 'yon sinisimulan? But if it's the case, malaking abala iyon sa mga estudyanteng nasa unang palapag. Habang nag-iisip ng bagay na iyon at nakamulat sa gitna ng madilim kong kwarto, I suddenly heard footsteps. Napakunot ang noo ko nang marinig na tila may naglalakad sa labas ng hallway ng second floor. Hindi ako kumilos kahit pa narinig ko ang paglalakad nito. I looked at the door, sa ibaba no'n kung saan sumisilay ang kaunting liwanag ng ilaw sa labas ng hallway. Then, I saw someone passed by my door. Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil sa gulat. What the hell? Sinong maglalakad nang ganitong oras sa hallway ng floor? There are no bodyguards here. So, walang nagro-roving. Isa pa, students aren't allowed to go outside their rooms at this hour. Hanggang alas dies lang at alam 'yon lahat ng estudyante. Even me, I am well aware of that. So, bakit may maglalakad sa hallway ng floor ng ganitong oras? Kinilabutan ako bigla ngunit kahit natatakot, pinili kong tumayo pa rin mula sa kama. I can heard the slowly fading footsteps from the distance. Marahan akong naglakad palapit sa pinto, closed my eyes and cleared my throat before opening it...and slowly opening the door.. I peeked outside. Kung tatanungin ninyo kung bakit ko iyon ginawa? I don't know. Maybe, I'm out of mind. Pero kasi, gusto kong malaman kung may tao ba sa labas at kung sino iyon...or if that was a real person. And when I looked outside, habang nakasilip sa pinto, the hallway is clear. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang kung sino mang naglalakad na iyon or if that person already passed this floor and left, but it was gone. Wala na ito. Napalunok ako kasabay ng pangingilabot ng aking magkabilang braso. I immediately closed the door and locked it. Patakbo akong bumalik sa kama, humiga, at nagtaklob ng kumot sa buo kong katawan. What the f**k is wrong with this building? First, the disturbing sounds from the third floor. And now, iyong footsteps naman ng kung sinong naglalakad sa hallway. And the creepy part is that it all happened at this hour of the night. Seriously, lagpas ng hatinggabi tapos makarinig ka ng naglalagabog na kung ano o sino sa itaas ng kwarto mo. And then, you'll hear footsteps outside your room. Hindi ka ba mangingilabot? I don't believe that much when it comes to ghosts and shits, but hey, is this dormitory haunted? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD