Chapter 5

1861 Words
Y U L I A N Hindi naman na bago sa pandinig kung sasabihin kong hindi ko gusto ang araw ng Lunes. Madalas rin namang marinig 'yan sa iba, hindi lang sa isang estudyanteng katulad ko, kung 'di pati na rin sa mga taong nagtatrabaho. But for me, specifically, ayoko ng araw na 'to dahil kailangan kong gumising nang maaga para maghanda sa unang klase ko. May mga pagkakataon rin naman na sinisipag akong gumising nang maaga kapag Lunes ngunit hindi kabilang ang araw na ito ngayon. Lalo pa nang maalala kong may quiz nga pala kami ngayong umaga at hindi man lang ako nakapaglaan ng oras kagabi para makapagreview. I forgot, okay? Isa pa, I was so tired yesterday. Tired out of nothing but just lying on my bed, thinking about Evan's disappearance and how we will be able to solve its mystery. Hindi na nga ako makapaghintay na dumating na ang araw ng Sabado para matuloy na ang pagpunta ko, kasama ng Lost & Found Club, sa syudad upang kitain at kausapin si Tobi, ang best friend ni Evan. Marahil ay may alam siya kay Evan at sa kung anong mayroon rito, pangyayari, o kakaibang bagay na napansin niya bago ito mawala. Matapos ubusin ang kapeng iniinom ko, dumiretso na ako sa banyo upang maligo, sa pagbabaka sakaling ma-wash out ng tubig ang lahat ng katamaran mula sa katawan at isipan ko. Nagbihis na rin ako ng uniporme pagkatapos maligo at nag-ayos ng aking sarili. I read and skimmed the pointers for the short quiz later and prepared myself to leave the dormitory with my backpack on my shoulder. Hindi ko naman kailangang magmadali dahil may dalawampung minuto pa ako bago magsimula ang klase ko. Isa pa, limang minutong lakaran lang naman ang campus at ang building kung nasaan ang classroom namin. It won't be a hassle kung magbabagal ako at dadahan-dahanin ang paglalakad. Pagsara ko ng pinto ng aking kwarto, napatingin ako sa aking kanan. Sa bandang pa-dulo ng mga kwartong kahilera ng akin, napansin ko ang lalakeng ngayo'y nasa labas na rin ng kanyang kwarto. Si Andres. 144 ang numero at bilang ng kwarto kung saan siya lumabas. Napansin agad ako nito nang malamang nakatingin ako sa direksyon niya. Agad itong ngumiti nang matipid at naglakad patungo sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko suot ang isang maliit na ngiti. Tuluyan siyang nakalapit sa akin. Kagaya ko ay nakasuot rin ito ng blue longsleeves polo at gray slocks. Sa kisig ng kanyang pangangatawan, yumakap ang tela no'n sa kanya. Ayoko mang bitawan ang salitang 'yon sa isip ko, hindi ko maitatangging sexy itong tingnan. "Good morning," he greeted me. Napangiti ako. "If you're heading to your class, sabay na tayo." Anyaya nito at hindi na ako tumanggi. Tinanguan ko siya't naglakad na kami pababa mula sa pangalawang palapag patungo sa una. "Monday sucks, right?" pabiro kong sabi kay Andres habang naglalakad kami palabas ng dormitory building. "Parang ang sarap nalang mahiga sa kama nang ilang oras kapag ganitong Lunes na Lunes." Dagdag ko pa, napailing ito at natawa nang bahagya. "I used to hate Mondays, too." Ang tugon nito sa akin habang nakatingin sa aking mukha. "But whenever I see Evan looking so energetic every Monday, nawawala 'yong pagkaayaw ko roon. Hindi rin pala gano'n kasama gumising nang maaga tuwing Lunes, I realized." Lumawak lalo ang ngiti nito matapos sabihin iyon sa akin. My forehead furrowed but I kept my smile while looking at Andres. I don't know why am I thinking this but...the way he mentioned Evan's name and how Evan changed his perspective about Monday, it makes me think that he likes him. He likes Evan. Is he gay? Kasi kung oo, hindi naman halata. Wala siyang bahid ng kahit anong lambot sa katawan. Unlike me, discreet gay, but still obvious. Well, may mga bakla rin naman kasing hindi halata. May mga baklang halata. May mga baklang halata pero sakto lang. May mga baklang hindi mo makikitaan ng kahit ano g bahid o potensyal para maging bakla. Gano'n si Andres. Oops. Am I judging him too fast? Shit, Yulian! Minus 10 points ka na naman sa langit, sinasabi ko sa 'yo, naku! "You like him, don't you?" Ngumiti ako sa kanya nang malaki matapos tingnan ito at tanungin iyon nang makalabas kami ng dormitory building. "Well, judging by the way you sound, I know you like him. You like Evan." Nginitian ko ito lalo habang siya nama'y ngayo'y may maliit na pagngisi nang nabuo sa kanyang labi. "Isa pa, 'yon din ang hula ko noong tinanong kita noong nasa cafeteria tayo, kung bakit mo palihim na kinukunan ng litrato si Evan sa library. Hindi mo itinuloy 'yong sasabihin mo sana pero alam ko ang gusto mong sabihin noong araw na 'yon." I added that made him smile. "Yeah…" he said and looked at the mahogany trees we are passing by. "Gusto ko si Evan. Matagal ko na siyang gusto pero hindi kailan man nabigyan ng pagkakataon 'yong nararamdaman ko para sa kanya because I was always looking at him from afar. He's my first crush and yes, I'm gay." Buong-tapang nitong pag-amin na hindi ko na ikinagulat o ikinabigla dahil nahulaan ko na agad 'yon. Ngumiti lamang ako sa kanya. Andres is a brave a guy. Hinding-hindi mo mahahalata sa kanyang itsura na bakla siya. His looks are far from being a person who isn't straight. Kung titingnan mo kasi ito ay parang pinalaki siya ng isang taong matikas at may disiplina sa pagkilos nang lalakeng-lalake at matigas. Gano'n si Andres sa paningin ko. He has these narror eyes that are so captivating. Lalo pang lumiliit ang mga mata niyang singkit tuwing ngumingiti siya, kahit matipid pa 'yon. His fair complexion made him look cleaner, at mas mabango. Kung katawan ang pag-uusapan, hindi ko pa nakikita pero base sa hulma nito't hubog, masasabi kong 10 out of 10 iyon. Evan must be a lucky gay for having Andres, na may pagtingin sa kanya. After all, Evan looks good too. Mas payat lamang nang kaunti ito tingnan ngunit maganda rin itong lalake. "So, that's the real reason why you want to find out what really happened to Evan, isn't it?" tumingin ako kay Andres. Huminto kami sa kalagitnaan ng paglalakad. "Because you like him and you care for him." I added. He smiled. "Obviously, that's the reason, yeah. I have a crush on him, that's why I'm this interested about knowing what really happened to him. I'm worried and I missed him." Napa-seryoso ito ng mukha matapos sabihin 'yon sa harap ko. "But even if it's not Evan who's missing, kung alam kong may mali sa pagkawala niya, I'll be interested about knowing the truth, too." He added and I nodded with a smile. "Do you believe that Evan is still out there...alive?" hindi ko napigilan ang sarili kong itanong 'yon sa kanya. "Kasi ako, naniniwala akong kung may nangyari man sa kanya, alam kong buhay pa rin siya at naghihintay lang ng tulong...natin." Seryoso kong litanya sa harap ni Andres. He slowly nodded to me. "Naniniwala akong buhay siya, Yulian." Simpleng tugon nito sa akin. "For what I've known him for, he's a fighter, hindi lang sa pagiging top student ng East Robertson, kung 'di sa buhay." Andres said. "I know," I tapped his shoulder. "I know." And smiled at him. Ngumiti ito sa akin pabalik. "Let's go?" anyaya niya't nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad. Bago pa man kami makarating sa mismong building, naisip kong sulitin na ang pagkakataon at makipagkwentuhan pa kay Andres. "If you have a free time, we can always meet at the cafeteria for a coffee. Kwentuhan mo na rin ako ng mga dapat kong malaman tungkol sa mga pagpapagwapo, kulang ako roon, eh!" pagbibiro ko, natawa siya't umiling. "Don't fool yourself," he pushed my arm, gently. "You know you're cute." Natigilan naman ako nang marinig sa kanya iyon habang nakangiti ako. I didn't expect a compliment from him kaya hindi ko alam ang sasabihin ko. Thank you? I know? Uy, hindi naman? Argh, nakakahiya. Pinigil ko ang hiyang nararamdaman sa loob at nginitian si Andres. "Thanks. You are way cuter than I am…" natahimik siya't tila nahiya mula sa narinig. Kahit ako ay nagulat rin sa nausal ko. Wala kasi akong ibang maisip sabihin kaya iyon ang unang lumabas sa bibig ko. "Why are you looking at me like that?" napansin ko kasing nakatitig ito sa akin habang naglalakad kami. Nakangiti si Andres. "Ikaw 'yong unang nagsabi n'yan sa akin." Nagulat ako sa nalaman mula sa kanya. "That you're cute?" pagkukumpirma ko. "Well, you are cute. And more than that, you are handsome, you're nice, and you're hot-" Napalunok ako matapos madulas sa mga pinagsasabi ko kay Andres. Nang tingnan ko ito ay nakangisi na siya't nakatingin sa akin. Shet. This is so embarrassing. "You find me...hot?" napakagat ito sa ibabang parte ng kanyang labi nang kaunti. Napalunok akong muli. Anong isasagot ko? E, totoo naman 'yon. Tinanguan ko ito nang marahan. "You are." Lumawak ang pagngisi sa kanyang mukha na kalaunan ay naging isang ngiti. Napangiti na lang rin ako. "It's my first time receiving such compliments. Lalo pa't sa isang lalake." He said. "But I'm gay…" pagbunyag ko sa totoo kong pagkatao kahit alam kong may ideya na siya. "And that's okay." He replied. "Thanks for seeing me that way, Yulian. I appreciate it." Ang sambit nito kaya't tumango ako't matipid siyang nginitian. "Wala 'yon. You deserved to be complimented with your looks and your attitude. Kung hindi man 'yan mapansin ng iba, e 'di ako nalang ang pupuna." Pabiro kong sagot rito na nakapagpangiti sa kanya. Ginulo ni Andres ang aking buhok habang nakangiti itong nakatingin sa akin. Para akong isang batang tinatap at hinahaplos niya nang marahan sa ulo. Hindi ko alam kung bakit pero it made me comfortable while he's doing it Masyadong mabilis ba kung sasabihin kong nakakaramdam ako ng kilig sa kanya at sa kinikilos niya? Hindi ko lang maiwasan. He is the first friend I made here at Easton. Ang unang kaibigan ko sa East Robertson High School. Well, I had few classmates who are being friendly to me but it doesn't feel the same as Andres' vibe. Pakiramdam ko, si Andres pa lang 'yong kauna-unahang totoong naging kaibigan ko rito sa Easton magmula noong dumating at lumipat kami rito. "Thanks for being nice to me, Andres." I told him habang palapit kami nang palapit sa gusali kung nasaan ang mga classroom namin. "Being friends with you makes me feel at home here." I sincerely said that made him smile. "You don't need to thank me for that, Yulian." He answered. "Kahit naman sino siguro, gugustuhing maging kaibigan ka. And I'm happy to be your friend." Ako naman ngayon ang napangiti. After that conversation that we had, masaya kaming nakarating at pumasok sa mga klase namin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabura sa aking mukha ang pagngiti. Nag-iwan kasi 'yon ng marka sa aking labi. Evan is such a lucky guy. He's very lucky that Andres has a crush on him. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD