Y U L I A N
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga sa kama, umupo at natulala nang ilang segundo.
Binuksan ko ang lampshade sa gilid ng kama ko.
Bumaling ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko at alas dies na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog.
I swear, pinilit kong pumikit at huwag intindihin ang mga bumabagabag sa utak ko pero hindi ko talaga mapigilan. Hindi pa rin ako dalawin ng antok kahit anong gawin ko.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang tungkol kay Evan at ang pagkawala niya. Binabagabag pa rin ako ng isipan ko na mas ma-curious sa kung ano nga ba talaga ang posibleng nangyari sa kanya.
Biyernes naman ngayon at Sabado bukas. Iniisip ko nalang na hindi naman siguro kalabisan kung mananatili muna akong gising nang ilang oras?
Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang laptop na nakapatong sa study table ko. Dala ang laptop ay naupo akong muli roon at binuksan ito.
Kung sisimulan ko man ang pagtahak sa pagtuklas sa pagkawala ni Evan, nararapat lamang na magkaroon muna ako ng kaalaman sa kung sino nga ba talaga siya.
Nang maka-log in sa aking Yesbook account, di-diretso na sana ako para i-search ang pangalan niya sa search bar nang biglang may magpop up na notification sa akin.
Jaira Galvez invited you to like this page: East Robertson Secret Files
Nakuha no'n ang atensyon ko kaya agad kong tinanggap ang imbitasyon ni Jaira, ang bise presidente ng Lost And Found Club, na naging friend ko lang rito sa Yesbook kahapon mula noong sumali ako sa club nila.
Si Jaira ang isa sa mga dahilan kung bakit naakit akong sumali sa club nila kahit hindi naman talaga 'yon ang tipo kong salihan. Iyon ay dahil katulad ko, interesado rin siya na tuklasin kung ano nga ba ang nangyari kay Evan na isang buwan nang nawawala. Ang treasurer naman ng club na si Resty Ricardo ay friend ko rin dito sa social media platform na ito. Like Jaira, he's also into investigating Evan's disappearance. Though, hindi katulad ng bise presidente, tahimik lamang ito at hindi gaanong nagsasalita.
Ang dalawang miyembro ng Lost And Found Club, ang presidenteng si Wilmar De Guzman at ang sekretaryang si Krisanta Villanueva ay hindi ko pa friends sa Yesbook. Marahil ay naiinis sa akin ang dalawang 'yon dahil sinuportahan ko sina Jaira at Resty sa gusto nilang gawin tungkol sa pag-iimbistiga sa pagkawala ni Evan. Hindi ko nga alam kung tanggap ba nila ako or what, hindi kasi tulad noong dalawa, hindi sila sang-ayon sa pag-iimbestiga sa kung ano nga ba talagang nangyari kay Evan.
Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan nila. Their club, I'm our club, isn't about investigating. Malayong-malayo ang bagay na ito sa totoong goal ng Lost And Found Club.
Iyon nga lang, wala na rin silang magagawa dahil napagkasunduan nang itutuloy ang pag-iimbestiga namin sa pagkawala ni Evan, whether they like it or not.
To be honest, if it wasn't for Evan and his disappearance, hindi naman talaga ako magkakaroon ng interest sa club nila.
It's not a bad club. I just find it plain and boring, and that's all.
But now? Hell, no. It'll be exciting to turn the club into something that it's not. Parang ang siste, naging instant Detective Club ang club na sinalihan ko.
Pinindot ko ang page ng East Robertson Secret Files kung saan inimbita ako ni Jaira na i-like 'yon.
Doo'y nakita ko ang samu't saring mga post na galing sa iba't ibang estudyante na naglalabas ng kani-kanilang mga saloobin sa kanilang mga crush, mga tsismis, at mga hinanakit sa buhay.
Ngunit wala akong interest sa mga 'yon kaya dumiretso na lamang agad ako sa mga photos at videos ng page.
Naghahanap ako ng mga photos o videos na maaaring naroon si Evan Policarpio.
Ilang scroll pa pababa and boom! I saw a lot of photos of him, smiling like an angel. Iba't iba ang posisyon at iba't ibang kuha mula sa iba't ibang activities na kanyang sinalihan.
May mga stolen pictures siya sa page habang nagtatanim siya ng puno, habang may hawak na mikropono na tila nasa kalagitnaan ng isang speech, naka-barong Tagalog habang nakaharap sa maraming estudyanteng nanunuod sa kanya, at may mga litrato pa kung saan ay pinapangaralan siya ng maraming mga medalya. Sa dami ng mga medalyang nakasabit sa leeg nito ay tila ako ang nangangalay para sa kanya. Hindi nga kaduda-dudang siya ang pinakamatalinong estudyante ng East Robertson.
Palipat-lipat lamang ako ng album kung saan naroroon ang mga litrato ni Evan. Kagaya sa missing poster, he's wearing thick-framed eyeglasses in every photo, he has curly hair, he has white complexion, and a nice smile. Sa itsura ni Evan sa mga litratong ito, pakiramdam ko ay isa siyang masiyahing tao kahit ko pa siya nakikilala.
Sa layo na ng mga litratong in-scroll ko pababa, napukaw rin ng atensyon ko ang isang litrato niya na kalakip ang isang post na naglalaman ng mga achievements nito mula elementary hanggang sa ikatlong taon niya sa high school.
Mula unang baitang hanggang ika-anim ay top student siya. Grumaduate ito bilang valedictorian sa bayan rin ng Easton. Hindi lang 'yon, grumaduate rin si Evan na may maraming mga parangal. Best in all subjects siya, meaning, lahat ng subject niya noong grumaduate siya ng elementary ay siya ang pinakamagaling. He was the top student out of 100 students of his batch, sa buong apat na section. Hindi ko mapigilang mapanganga habang binabasa ang post na 'yon sa harap ng laptop ko.
Nang tumungtong naman siya ng high school rito sa East Robertson, nakitaan na agad siya ng galing at talino kaya't tuwing matatapos ang school year, palagi siyang una sa lahat ng listahan ng mga estudyanteng may mataas na karangalan. Idagdag pa ang ibang mga parangal na ibinigay sa kanya sa loob ng tatlong taong pananatili rito sa eskwelahang ito. Inilalaban rin siya sa iba't ibang school sa syudad at base sa mga nakasaan rito, never niyang binigo ang East Robertson High School dahil tuwing babalik ito, may dala-dala na siyang gitnong mga medalya.
Napalunok ako habang binabasa ang dulo ng post na 'yon. How the hell is this guy managing all those honors and grades? Paano niya nagagawang maging sobrang talino na para bang siya ang bukod na pinagpala sa lahat ng mga estudyante? Ang galing lang!
Masasabi kong matalino rin naman ako. Marami rin naman akong alam pagdating sa klase. Hindi ako nagpapatalo. Tuwing matatapos ang taon ay nagkakaroon ako ng placement sa mga estudyanteng may mataas na karangalan. Hindi nga lang una sa listahan pero kadalasan, pasok ako sa limang mga estudyanteng nasa itaas ng listahan.
Base rin sa nabasa kong ibang post tungkol kay Evan, nalaman kong anak siya ng ama niyang magsasaka at nanay niyang mananahi. Hindi ko alam kung gaano sila ka-proud sa anak nila ngunit sigurado akong higit pa sa nararamdaman kong pagkamangha ang nararamdaman nila para kay Evan.
Maya-maya pa ay bigla na lamang akong nakatanggap ng mensahe mula kay Jaira.
Binuksan ko agad ito at binasa.
Nagsend ito ng 'Hello' kalakip ng isang link ng video na sa sinundan naman ng mga salitang "You need to watch this, Yulian."
Nagthumbs up lamang ako sa mensahe niya bago dumiretso sa mismong link na nagdala sa akin sa parehong page kung saan ako nanggaling kanina.
Doo'y kusang nagplay ang video na may caption na "Interview with the Smartest Student of East Robertson High School." Iyon ay pinost ng East Robertson Secret Files ngunit may credit sa ibaba ng caption sa kung sino talaga ang main source ng video na iyon.
Turned out, isa palang sikat na unibersidad sa syudad ang nagpost ng video na 'yon, walong buwan na ang nakararaan. Ito ay matapos imbitahan si Evan na dumalo roon upang ma-feature sa kanilang eskwelahan dahil natalo lang naman nito ang pinakamatalinong estudyante nila at ang pinakamagaling na estudyante nito sa larong Chess.
Isa 'yong normal at kaswal na interview kay Evan.
"Tell us, why are you so smart?" ang pabirong tanong ng babaeng nag-iinterview kay Evan.
Natawa si Evan ngunit agad na sinagot ang tanong na 'yon. "I don't know but I'm thankful because I am." Ang walang halong kayabangan na sagot nito sa babae.
Nagpatuloy ako sa panunuod hanggang mapunta ang mga tanong sa mga basic questions.
"Your favorite food?"
"Bicol Express."
"Your less favorite food?"
"Tofu."
"Your favorite movie genre?"
"Thriller."
"And your less favorite movie genre?"
"Romance."
Doo'y nalaman ko na ang isa sa mga bersyon ng kanyang pagkawala ay hindi totoo base sa huling sagot niya sa itinanong ng interviewer.
Isa kasi sa mga pinaniniwalaan ng mga estudyante rito sa campus ng East Robertson ay noong araw na mawala si Evan, may pinagsabihan raw ito na isa sa mga kaklase niya na pupunta raw ito ng syudad para panuorin ang bagong labas na romance movie ng mga panahong 'yon.
Ang sabi pa, halata raw ang pananabik ni Evan bago matapos ang araw na 'yon dahil matagal daw nitong ni-look forward ang romance movie na gustong-gusto niyang panuorin.
It doesn't make sense, right?
Posibleng manuod si Evan ng romance movies at magbago ang pananaw niya patungkol rito kahit sinabi niyang hindi niya gusto ang gano'ng genre ng pelikula. Ngunit hindi lang talaga kapani-paniwala ang mga exaggeration ng mga estudyanteng nagsasabi na iyon ang huling beses na narinig nila kay Evan bago ito tuluyang mawala at hindi na bumalik.
That version of Evan's disappearance theory is just unacceptable. Ekis na 'yon sa listahan ng mga posibleng magcontribute sa totoong nangyari noong araw na huli siyang makita rito sa campus.
Ipinagpatuloy ko ang huling bahagi ng interview na 'yon.
"What attitude do you think people should value more?"
"People should value all their good attitudes. But for me, people now should value and practice being more honest. Honest to whatever they're doing, whoever they're talking with, and honest with theirselves."
Napatango ako habang sumisilay ang maliit na ngiti sa aking mukha matapos marinig ang sagot na 'yon ni Evan. Hindi lang siya matalino, mabuti rin siyang tao.
"What kind of person will most likely turn you off?"
"Definitely, a dishonest person. I believe that honesty is the best policy."
Napangiti ako sa sagot niyang 'yon, nagstick talaga siya sa ugaling pinahahalagahan niya, ang pagiging tapat sa lahat ng oras.
Matapos mapanuod ang video ng interview na 'yon kay Evan, itinuloy ko na ang naudlot kong paghahanap sa kanyang Yesbook account.
Luckily, I was able to find his legit account ngunit puro patungkol sa politika lamang ang laman ng timeline nito at bihira lamang magpost ng tungkol sa kanyang sarili.
As I was scrolling through his timeline, naghahanap ako ng posibleng magdagdag ng kahit anong ebidensya patungkol sa kanyang pagkawala.
Kung may post ba siya patungkol sa isang taong nakagalit niya or what. Ngunit knowing Evan, hindi naman siya gano'ng klase ng estudyante. Hindi siya gano'ng klase ng tao kaya obviously, wala akong nakita.
I was about to exit from his profile when I a picture that he posted, 3 months ago.
May kasama siyang isang lalake na kaakbay niya at sa tingin ko ay kasing-edad lamang rin niya. Kung titingnan nga ay parang magkamukha silang dalawa sa pareho nilang suot na uniporme ng East Robertson. Kung hindi ko pa nabasa ang caption nito, hindi pa ako magkakaroon ng ideya kung sino ang kasama niya sa litrato.
"Happy birthday to my kindest bestfriend, Toby!"
Napaisip ako kaya't tiningnan ko agad ang friendlist ni Evan para hanapin ang account ng best friend niyang si Toby ngunit hindi ko 'yon nakita roon.
Basically, I never found Toby's Yesbook account.
Kung best friend siya ni Evan, ibig sabihin lang no'n ay malapit ito sa kanya at posibleng siya ang nakakaalam ng mga bagay tungkol rito, at maaaring may nalalaman rin ito sa kahit anong bagay patungkol sa pagkawala ni Evan, o hindi naman kaya ay mga bagay na sinabi sa kanya ni Evan bago ito mawala.
Tama!
Iyon ang unang hakbang na gagawin ko at ng Lost & Found Club.
Ang kausapin si Toby, ang best friend ni Evan.
***