Chapter 2

2139 Words
Y U L I A N Limang minuto pa lang nang magsimula ang lunch break pero para na namang palengke kung titingnan ang loob ng cafeteria. Kahit saan ako tumingin puno na ang mga table. Pakiramdam ko ay wala ng espasyo pa para sa akin. Kunot-noo akong nakahinto sa unahan ng counter habang sinisipat kung magkakaroon ng himala at makakakita ako ng bakanteng mauupuam. Dala ko ang tray kung saan nakalagay ang burger, fries, at orange juice na ngayon ay nawala na ang lamig. Nakakangalay ring tumayo at mag-abang ng mga estudyanteng aalis sa kanilang mga table. Kung bakit ba naman kasi 'yong mga tapos na, hindi pa umaalis at patuloy pa rin sa pakikipagdaldalan sa mga kasama nila. Pwede naman kasing sa ibang lugar nila ituloy ang mga usapan nilang 'yon. Malapit na akong maubusan ng pag-asa habang patuloy sa paglinga sa kalawakan ng cafeteria at sa bawat sulok nito nang huminto ang paningin ko sa bandang gitna. There, I saw someone waving and looking directly at me. Sigurado ako na sa akin nakatingin ang lalakeng 'yon at ako ang kinakawayan niya. He's not that far from where I'm standing, that's why I immediately noticed his familiar face. Nang ihakbang ko ang aking mga paa at tuluyang makalapit sa table kung nasaan siya, na-kumpirma kong siya nga ang lalakeng nasa isip ko. The chinese-looking guy with a timid smile from the Photography Club yesterday. Ngayo'y suot pa rin niya ang matipid niyang ngiti katulad kahapon. Ang camera niya ay nakapatong sa lamesa, katabi ng tray ng pagkain nito. Nginitian ko ang lalake. "Take your seat," malumanay na alok nito matapos uminom ng tubig sa baso. "Walang nakaupo riyan kaya okay lang." Dagdag pa niya kaya't inilapag ko na agad ang hawak kong tray sa lamesa. "Thank you," medyo nahihiya kong tugon rito at ngumiti. I sat in front of him. Tinanguan lamang ako nito. I opened the bottle of orange juice and drank a little from it. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalakeng kaharap ko ngayon. I don't even know him. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya kahapon. Ni-hindi nga ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos dahil dumiretso agad ako sa Lost And Found Club. I looked at him while he's eating and cleared my throat. "Pasensya na pala kahapon. I wasn't able to go back at your club room." I started the conversation. Ngumiti ito nang matipid bago umiling. "Wala 'yon," agad na sagot nito matapos lunukin ang nginunguyang pagkain. "I guess, you joined that club, huh?" ang sabi nito sa akin. Napatigil naman ako sa pagkain ng fries. I nodded, slowly. "Yes." Kinuha ko ang burger at kumagat mula roon. He nodded and smiled me. Hinintay kong tanungin niya kung bakit ko napiling sumali sa boring na club na 'yon at hindi sa club nila, but he never did. Masyado lang siguro akong assuming kung kaya't pati ang iniisip ng ibang tao ay pinapangunahan ko na. Nagpatuloy kaming pareho sa pagkain. Wala ni-isa sa amin ang umimik. Well, I want to start a conversion but I just don't know how to start. Mukhang hindi rin naman siya 'yong tipo ng lalake na gustong kinakausap siya, lalo pa't hindi naman niya ako kilala. "I'm Andres." Napatunghay ako mula sa pagyuko at napatigil sa pagnguya nang marinig siyang magsalita. Napatingin ako rito na ngayo'y may matipid na ngiti sa kanyang mukha. "Andres Huang." Hindi niya ako inalok ng pakikipagkamay ngunit natuwa ako sa biglaan niyang pagpapakilala kaya't ako na mismo ang nag-abot ng kanang kamay ko sa harap niya. "Yulian Rotoni." Ngumiti ako nang tanggapin niya ang pakikipagkamay ko. "I'm a transferee from the city. Class A, third year." Nagkusa na akong magpakilala nang buo sa kanya. Tumango siya matapos marinig ang mga sinabi ko't bumitaw na mula sa pakikipagkamay sa akin. "I'm from Class A, too. Fourth year." Tinanguan ko siya matapos malamang ahead siya sa akin ng isang taon. "Why did you transfer here at East Robertson?" he politely asked. "My parents are both engineers. May malaki silang proyekto rito sa Easton kaya minabuti nilang dito ako pag-aralin nang isang taon." I smiled and took a bite from my burger. Ngumiti siya kasabay ng pagtango. "Naninibago ka siguro rito. I mean, hindi katulad sa syudad, kahit saan ka tumingin ay puro puno ang makikita mo." He laughed a little. Napailing ako suot ang isang maliit na ngiti. "Well, yeah. Nakakapanibago nang kaunti. Good thing, may WiFi pa naman sa dorm." Pagbibiro ko't bahagya siyang nagulat sa aking binanggit. "You're staying in the dormitory building?" nakangiti siya. Tinanguan ko naman ito at uminom ng orange juice mula sa boteng hawak ko. "I am, too." Ang sabi niyo sa akin. Napangiti ako sa nalaman. "Really?" sagot ko kay Andres. "Nasa third floor siguro ang kwarto mo kaya hindi kita madalas makita at makasalubong sa dorm." I told him but his forehead furrowed. "Sa third floor? There are no students staying there since the last semester has ended, one month ago." Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa nalaman. "The principal announced that the floor needs to be renovated. Kaya 'yong mga estudyanteng nananatili roon, inilipat at pansamantalang pinanatili muna sa mga estudyanteng nasa unang palapag." Napalunok ako matapos kong marinig ang ibang detalye mula kay Andres. That can't be true. Last, last night, I heard noises from there that disturbed my sleep. Mga malalakas na paglagabog at pagpadyak na sigurado akong isang tao mismo ang gumawa. Hindi ako pwedeng magkamali. There was someone in there. Sa tapat mismong itaas ng kwarto ko. "Hey, Yulian. Are you okay?" Namalayan ko nalang na ilang segundo na pala akong tulala sa kawalan at naputol lamang 'yon nang iwagayway ni Andres ang kanyang palad sa harap ng mukha ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng bagay na bumabagabag sa akin. "Yeah, I'm okay." I told him and he slowly nodded his head. Isinantabi ko muna ang iniisip ko tungkol sa ikatlong palapag ng boys' dormitory at nagpasyang tapusin muna ang aking pagkain. When I finished eating my food, kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa. Ipupunas ko na sana 'yon sa aking bibig nang mapansin ang nakatuping missing poster na nasama sa pagdukot ko ng panyo. Inilipat ko nga pala itong muli kanina mula sa slocks na suot ko kahapon. Inilapag ko iyon sa lamesa na agad namang napansin ni Andres. Kahit nakatupi iyon ay halata na 'yon ang missing poster ni Evan Policarpio. "Why do you have that?" ang tanong nito sa akin kaya't natigilan ako sa pagpunas ng panyo sa aking bibig. Marahil ay iniisip niya kung bakit mayroon ako ng kopya ng papel na 'yon, gayong nakadikit ang mga ito sa mga puno ng mahogany sa paligid ng campus. Itinabi ko ang panyo sa aking bulsa. Kinuha ko ang missing poster at ibinuka 'yon mula sa pagkakatupi nito bago ako tumingin kay Andres. "Magmula noong araw na dumating ako rito sa East Robertson, mainit na usapan na ang pagkawala niya. I don't know what got into me for me to be this curious about his disapperance." I looked at Andres serious face. "Something's telling me to know more about him and the truth about his disappearance. Kaya rin siguro ako nagdesisyong sumali sa Lost And Found Club." Napakunot ang noo niya matapos marinig ang aking mga idinagdag. "Lost And Found Club? Anong kinalaman nila sa pagtuklas sa pagkawala ni Evan?" pagtataka nito. Tiningnan ko ang papel na hawak bago muling binalingan ng tingin si Andres. "Some of the members there are willing to investigate what really happened to him, kung bakit siya nawala, at kung nasaan nga ba talaga siya." Seryosong sabi ko sa kanya na agad namang na-gets ang mga narinig. Seryoso itong tumango sa akin. "Mukhang hindi lang pala ako ang nag-iisang naghahanap ng kasagutan sa biglaan niyang pagkawala..." my forehead furrowed because of what I heard from Andres. Kinuha nito ang kanyang camera na nakapatong sa lamesa, sa kaliwang gilid niya. Binuksan niya 'yon. "You mean..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang iharap sa akin ang kanyang hawak na camera. He's showing me a picture of Evan, reading a book from the library. "I secretly took this picture at the library, the day he was last seen. Ang araw kung kailan siya nawala." Kunot-noo akong nakikinig sa seryoso niyang sinasabi habang kaharap pa rin ang litrato sa kanyang camera. "Alas sais na ng gabi no'n, he stayed there until 7, before he went outside the library. Hindi ko siya sinundan sa paglabas niya pero hindi ako naniniwala sa sinasabi ng mga nakakita kay Evan na umalis ito ng school bago mag-alas sais because I was there and I saw him at the library, past 6 in the evening." Ibinaba na niya ang kanyang camera. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Kagaya ng mga naririnig ko sa loob ng campus, iba't iba ang kumakalat na bersyon ng pagkawala ni Evan kaya hindi na ako nagulat na marinig ito kay Andres. "Anong initial findings ng mga police?" Napailing si Andres sa akin nang marinig ang tanong ko. Seryoso ang mukha nito. "Maraming nagsabi na umalis siya ng gabing 'yon kasama ng isang hindi kilalang lalake kaya ang suspetsa ng mga pulis, nakipagtanan si Evan." Ang tugon nito sa akin na nagpakunot ng noo ko. "Why would he do that?" ang pagtataka ko. "Hindi naman siya 'yong mukhang tipo ng estudyanteng gagawa ng gano'ng klase ng bagay. I mean, he's the smartest student here. Alam niyang hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng bagay na 'yon kung ginawa man niya ang sinasabi nila. Isa pa, duda akong gagawin 'yon ng isang katulad niya." Napailing ako dahil sa pagdududa. Tumango si Andres nang marinig ang sinabi ko. "Maski ang mga magulang ni Evan ay hindi kumbinsido sa sinabi ng mga pulis at ng mga estudyanteng nagsasabing nakita nila ito noong gabing 'yon. Kilala nila ang anak nila at alam nilang hindi 'yon gagawin ni Evan." Sambit pa nito. "Kaya kahit tumigil na ang mga pulis sa paghahanap, hindi pa rin tumitigil ang mga magulang ni Evan sa pag-asang makikita nila ulit ito. That's why they printed so many missing posters na hindi lang nila ipinaskil rito sa campus, pati na rin sa buong probinsya ng Easton." Napalunok ako sa sinabing 'yon ni Andres. Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap ang mga oras na ito para sa mga magulang ni Evan. Malamang ay labis na ang kanilang pag-aalala para sa anak na isang buwan nang nawawala. Lalo tuloy umigting ang kagustuhan kong malaman ang tungkol sa pagkawala niya at kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari sa kanya. "Are you related to him?" napatingin sa akin si Andres nang bigla kong tanungin ito. "Is Evan your friend?" ngumiti ito nang matipid matapos marinig ang mga tanong ko. Isinabit niya ang strap ng camera sa kanyang leeg bago ako muling binalingan ng tingin. "I can't say that we're close to be called friends." Ang tugon nito sa akin. "But we are from the same class." Tumaas nang kaunti ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. "Then, why were you taking stolen shot of him at the library that day?" napaisip lang ako tungkol sa bagay na 'yon. Sumeryoso ang mukha ni Andres at kapansin-pansin ang paglunok nito. Bumuntong-hininga siya, tumitig sa akin, at ilang segundo ang pinalipas bago magsalita. "Evan is..." pakiramdam ko ay nahihirapan siyang sabihin ang gustong sabihin sa akin. Napakunot ang noo ko. "He's my..." The school bell rang. Hindi na nito naituloy ang kanyang sinasabi matapos magsitayuan ang mga estudyanteng nandito sa loob ng cafeteria. Tapos na kasi ang lunch break at kailangan na naming bumalik sa mga classroom namin for the afternoon classes. Maging ako ay tumayo na rin mula sa pagkakaupo at itinuping muli ang missing poster bago ito ibinulsa. "Thank you for letting me sit here, Andres." I told him and he stood up with a timid smile. "You're welcome, Yulian." He answered. "I guess, I'll see you around?" patanong kong sabi sa kanya't tinanguan naman ako nito. "See you around." Nakangiti nitong sambit. Matapos ang naging pag-uusap naming 'yon ni Andres, lumabas na rin ako mula sa loob ng cafeteria at nagtungo na sa aking klase. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Andres kanina. Natutuwa akong makilala siya ngunit bukod doon, iba rin ang pakiramdam na malamang hindi lang ako, at ang Lost And Found Club, ang interesado sa pag-iimbistiga sa pagkawala ni Evan. Sa ngayon, gusto kong mahanap ang mga bagay na pwedeng maging susi sa pagtuklas sa kanyang pagkawala. Mukhang kailangan ko pang mangalap ng ibang mga detalye tungkol kay Evan at para magawa 'yon, kailangan kong kilalanin ito. Sino ka nga ba talaga, Evan Policarpio?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD