LUMIPAS ANG ILANG sandali ay nanatiling nanigas at nakaawang ang bibig na nakatingin si Alverah sa dalawang tao na nasa harapan niya. Nang tinignan niya si Matthew ay agad na sumalubong sa kaniya ang mga mata nito. Direkta siyang tinignan nito sa mga mata. Naiilang at kinakabahan niyang iniwas ang paningin mula sa lalaki. "Bakit hindi ka pa pala pumasok? Kanina ka pa o kararating mo lang?" Agad na napabaling ang atensyon niya marinig na magsalita muli ang babae na nakausap niya lang kanina. "Ikaw ha, nagtatampo ako sa'yo kasi hindi mo ako sinundo sa airport," pagdudugtong nito na mahihimigan ang pagtayampo sa boses nito. Hindi alam ni Alverah kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras nito. Ngunit kalaunan ay napagpasyahan niyang iwan ang mga ito para mabigyan ito ng pribado at para m

