HABANG NASA byahe ay tuwid lamang na nakaupo si Alverah Hindi niya magawang maging kampante at magawang mag-relax dahil sa takot na baka kung ano ang gawin ng lalaki sa kaniya. Nanatili siyang alerto lalo na at kanina pa ito walang imik at hindi iyon nakakatulong para sa kaniya. Habang lumulipas ang oras at ang pananahimik nito ay mas lalo siyang nagiging kabado at kinakain ng takot. Kanina niya pa ito bahagya na patagong sinusulyapan ngunit nakikita niyang nasa labas lang nito ang mga paningin. Pasimple siyang bumuntong hininga. Marami ring bumabagabag sa isipan niya na mga katanungan. Gusto niyang itanong kung totoo nga ba ang nalaman niya tungkol sa koneksyon nito mula sa kilalang matandang Laborde at ang mas pinaka-bumabagabag sa kaniya ay ang babae na nakilala niya na ang totoong f

