WALA SA sariling naglalakad sa daan si Alverah. Hindi niya alam kung saan ang punta niya, basta't ang nasa isip niya lamang sa mga oras na ito ay makalayo sa lalaki. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki na kayang ngumiti, at hindi palaging seryoso lamang ang mukha nito. Mabilis na napakagat siya sa ibabang labi niya ng maramdaman ang pagkirot ng puso niya. Agad siyang mahinang napatawa ng tuloyan niya ng mapagtanto ang dahilan kung bakit labis na lamang kumirot ang puso niya. Hindi dahil sa may kung anong sakit na sa puso niya kundi dahil ay nagseselos siya sa tuwing nakikita niyang may ibang babae na mas babagay na makatabi ang lalaki. Tinakpan niya ang mukha niya at napatigil sa paglalakad. Sa daming pwedeng mangyari ay ang mahulog pa talaga sa lalaki na ang trato lang

