NANG matapos silang kumain at naghihintay na lamang ng bills ay ginamit niya ang opportunidad na iyon para magpaalam na pupunta lamang siya ng rest room. Kanina pa siya binabagabag sa nakita niya kanina kahit ilang beses pa na paulit-ulit niyang kinukumbensi ang sarili na wala lang iyon at namalik-mata lamang siya. Malakas siyang bumuntong hininga sa harap ng salamin. Binuksan niya ang maliit na hand bag na pinadala sa kaniya ng mga katulong kanina at nakitang may laman itong pang-retouch. Mas pinili niyang mag-retouch dahil bahagyang naalis na pala ang inilagay na lipstick kanina dahil sa pag-inom at pagkain niya. Pagkatapos niyang ayosan ang sarili ay lumabas na siya ng restroom na pangbabae. Babalik na sana siya sa kung saan iniwan niya si Matthew ng isang tinig sa may bandang likur

