"W-WHAT?" utal na aniya sa lalaki dahil sa gulat at tuwid na umupo. Napansin niyang inilipat ni Matthew ang mga mata mula sa hawak na libro niya kaya napatingin rin siya nito. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdaman agad ng pagiinit sa mga pisnge si Alverah. 'Literal na alagang ibon ito, right?' ani sa bahagi ng utak niya. Tumikhim siya at mabilis na umakto na tilang walang nangyari. Sinimulan niya na rin binuklat ang libro at pilit na hindi tignan ang gawi ng lalaki kahit ramdam niya pa ang mga titig nito na nakapukol sa kaniya. Nang tuloyan siyang ma-hook sa binabasa ay tuloyan niya ng nakalimutan ang presensya ng lalaki. Literal na alagang ibon pala talaga ang tinutukoy ng libro, akala niya ay kung ano na. Hindi pa napapanggigitnaan ni Alaverah ang binabasang libro ay hindi niy

