NANG magising si Alverah ay isang pamilyar na kisame ang tumambad sa kaniya. Mahina siyang napadaing at maingat na napa-sapo sa kaniyang ulo nang maramdaman ang tila binibiyak na sensasyon dahil sa sobrang sakit nito. Hindi pa nakakatulong ang nararamdamang pamimigat at ang pananakit ng buong katawan niya. Bahagya siyang natigilan matapos maramdaman at makapa ang bendang nakapalibot sa may ulo niya. 'Anong nangyari?' Mabilis na kinain siya ng pagtataka at napakunot noo. Nang unti-unting sumasagi sa isipan niya at malinaw ng naalala ang mga nangyari bago siya tuloyang mawalan ng malay ay agad siyang kinain ng takot at panlalamig sa buong katawan. Marahas siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga at balisang sinuyod ng tingin ang paligid. Nang makita niya ang pamilyar na disenyo at nam

