MAG-IISANG linggo na ang nakalipas matapos tuloyan ng bumabalik na sa normal ang takbo ng buhay ni Alverah sa loob ng mansion. Nakakalabas na siya ng silid at unti-unti na rin naglalaho ang mga pasa at sugat na natamo niya. Magaling ba naman ang kaniyang Doctor at ang nagaalaga sa kaniya kaya mabilis na bumubuti ang pakiramdam niya. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Alverah at bagot na tinanaw ang harden. "Wala na bang ikababagot ng buhay ko dito, Loi?" Pagtatanong niya sa katulong na nasa tabi niya lang at kasulukuyang sinamahan siya sa harden para bantayan. "Gusto niyo na po bang pumasok sa mansion para magpahinga at umidlip muna, Madame?" Agad siyang napasimangot sa sinabi nito. Hindi niya alam kung inaasar lang ba siya nito o sadyang inosente lang talaga ito at ginaga

