MATIIM NA tinitignan ni Alverah ang hawak na cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na binilhan siya ng lalaki. Kanina niya pa kinakalikot at inaaralan muli kung pa'no ito gamitin. Lalo na't matagal na rin ang huli na gumamit siya ng cellphone. Hindi na rin siya masyadong sanay sa bagong features ng cellphone. Napagpasyahan niya na ring gumawa ng mga panibagong social media account para malaman agad ang mga bagay na na-missed niya sa loob ng ilang buwan na nasa mansion lamang siya at walang gadgets na ginagamit. Mas pinili niyang gawing pribado ang mga accounts niya. Mula sa f*******: hanggang sa i********: account niya na may isang kuha na litrato ng langit ang naging unang post niya doon. Simula nang nawala sa kaniya ang lahat ay mas pinili niyang burahin lahat ang mga dating so

