MADILIM na sa labas ng magising si Alverah muli at kahit papa'no ay bumuti-buti na rin ang pakiramdam niya. Nakakaramdam parin siya ng pagod at sakit sa katawan pero hindi na gano'n kalala gaya kanina. "Nasaan naman kaya ang lalaki na iyon?" mahina niyang usal ng mapansin na mag-isa lamang siya sa kama. Maingat siyang bumangon at sinuyod muli ng tingin ang buong silid. Walang kapresen-presensya ng lalaki ang makikita o mararamdaman. Tanging ang lampshades na lang rin ang nakabukas lamang at nagbibigay ng ilaw sa loob ng silid. Bumuntong hininga siya at napagpasyahan na maglinis ng katawan. Hindi niya na nagawang maligo kanina kaya grabeng naaasiwa na lamang ang nararamdaman niya sa katawan. Mabilisan na half bath lamang ang ginawa niya at pagkatapos ay nagpalit na ng pantulog na naka

