KABANATA 31

1671 Words

ISANG MAHINANG daing ang kumawala sa bibig ni Alverah ng magising siya kinabukasan at sinubokang igalaw ang katawan mula sa pagkakahiga. Masakit ang buong katawan niya, tila kagagaling niya lang sa isang mahabang marathon kaya labis na lang na parang binugbog ang katawan niya sa sakit at pagod. Bahagya siyang natigilan ng yinakap siya ng mahigpit sa may tagiliran habang nakasubsob naman ang pagmumukha ng katabi niyang si Matthew sa may leeg niya. Doon niya lang napansin ang position nilang dalawa ng lalaki. Napakagat siya ng kaniyang ibabang labi ng makaramdam ng konting kiliti sa tuwing tumatama sa balat niya ang mainit na hininga nito. "Sleep more..." mababa at inaantok sa tinig na usal ni Matthew sa kaniya. Tuloyan niya ng idinilat ang kaniyang mga mata at maingat na tinignan ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD