"SAAN TAYO pupunta?" Pagtatanong niya sa lalaki habang hawak siya nito sa kamay at maingat na hinila para pumunta sa kung saan ang balak puntahan nito. Nang hindi ito sumagot ay mas pinili niya na lamang na manahimik. Hindi niya maiwasan na tignan ang lalaki na parang isang magulo na puzzle. Dahil matapos na naglakas loob na tanongin niya ito sa silid nila ay hindi na ito umimik pang muli. Ngunit bumangon ito bigla at walang babala na hinawakan siya sa kamay para higitin paalis sa kama at lumabas na lamang ng basta-basta sa silid habang hila siya. 'Ang weirdo niya talaga ngayon,' ani sa bahagi ng utak niya. Sinuyod niya ng tingin ang paligid at unti-unti ring napagtanto niya kung saan siya dadalhin nito matapos makita ang pamilyar na daan na tinatahak hanggang sa huminto sila sa harapan

