Prologue
Alas dose na ng gabi, ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Nalulunod ako sa mga iniisip kung paano muling makakaahon para sa sarili. I took a deep breath and stood up, naglakad ako patungo sa banyo na hindi kalayuan mula sa aking kama.
I closed my eyes and felt the cold water running through my bare skin, kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. In this small apartment, silence surrounds me. Naroon pa rin sa mesa ang isang cup noodles—wala nang laman. Ang ilaw ng buwan lamang ang nagbibigay-liwanag sa sala.
Talaga bang hanggang dito na lang ito?
Kinuha ko ang walang lamang cup noodles at itinapon sa basurahan. Kasabay nito, pinulot ko ang dyaryong nakakalat sa sahig. Itatapon ko na sana nang mapansin ko ang headline:
"Brianna Herrera, ikakasal na?"
Kumunot ang noo ko.
Nakita ko ang litrato ng isang matangkad na lalaki habang naglalakad kasabay niya.
I froze for a moment. I looked up at the ceiling, trying to hold back my tears.
Parang kailan lang, buo pa ang pamilya ko. Pero ngayon, mag-isa na lang ako.
Completely alone.
Here, in this messy apartment.
Agad akong naupo sa couch. Wala akong ginawa nitong mga nagdaang linggo kundi magkulong sa kwartong ibinigay sa akin ni Nana Celine. It's been weeks since I lost the last of my loved ones. Pinanatili ako rito ni Nana Celine, hindi ko man lang nadaluhan ang libing ng aking ama. Iniisip niya na baka ako ang sunod na target ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Ngunit naisip ko, ano ang silbi ng pagiging maimpluwensya ng pamilya namin kung nandito lang akong nagmumukmok? Nasaan si Ninang Celeste, ang matalik na kaibigan ng aking ina? Alam kong hindi nila ako pababayaan, pero parang naglaho na lang ako sa paningin nila.
Maging ang cellphone ko ay kinuha ni Nana—para raw sa proteksyon ko. Ang tito ko naman, halos umapaw ang saya nang mabalitaan niyang patay na si Lolo, ang ama niya mismo.
Sabi nila noon, masarap mabuhay nang marangya. Ngunit mali sila. Ang pagkakaroon ng materyal na yaman ay hindi laging nagpapahiwatig ng tunay na kaligayahan. Maraming may pribilehiyo ang hindi pa rin natatagpuan ang kapayapaan at kasiyahan sa buhay.
Naalimpungatan ako sa silaw ng araw na tumama sa bintana. Kumurap ako at tinakpan ang aking mga mata gamit ang kamay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sala.
Agad akong bumangon. Ngayon ang death anniversary ni Mama. Tumayo ako at kinuha ang itim kong sumbrero.
Pagbukas ko ng pinto, agad nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi ko maipinta ang reaksyon ko nang makita siya.
It's been weeks since my dad died, at iyon din ang huli naming pagkikita. Paano niya ako natunton? Did Nana Celine sell me to him? But Nana wouldn't do that. She doesn't trust anyone—especially him.
Isang hakbang lang ang layo niya mula sa akin. Aakmang papasok siya, kaya natulala ako sa kinatatayuan ko.
"T-Tito..." mahina kong tawag.
"Hija..." Inabot niya ang kamay niya, tila gusto akong yakapin.
"Why are you here?" tanong ko habang nililibot niya ang tingin sa buong apartment.
Hindi ko siya nilingon. Kumunot ang noo ko.
Why am I here? Really?
"Why are you here?" I mocked him.
"Hija, pasensya na... ang sabi sa amin, nasa France ka," sagot niya.
Napalingon ako. France? Ang tagal na noon.
Maybe he's the culprit. Yeah, maybe he is. Ano ang plano niya ngayon? Ako naman ang ipapatumba niya?
Ngumiti ako nang mapait. "And?" Sagot ko nang mataray. Wala akong pakialam kung nababastos siya. Hindi mahalaga sa akin ang mga sasabihin niya, dahil posible siyang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa akin.
Mataman ko siyang tinitigan.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya, tila hindi makahanap ng tamang salita.
"Gerald told me you were with Brie," sabi niya.
Bago ko pa man siya mapigilan, nagsalita na ulit siya.
"C'mon, hija, we've been looking for you... Your Tita Agatha can't sleep. We can't sleep."
Bakit niya ito sinasabi sa akin ngayon?
Si Tita Agatha—ang asawa niya. My favorite tita of all. She can't sleep thinking about me?
Pumatak ang mga luha ko. I missed her gestures, her warmth. Tita Agatha was like a second mother to me. She was my big sister and best friend. Siya ang nag-alaga sa akin habang abala si Mama noon sa trabaho.
Tito reached for me again, but I stepped away.
"I will go home..." halos pabulong kong sabi.
Nakita ko ang ngiti niya, pero agad iyong napalitan ng awa.
Kung hindi lang dahil kay Tita Agatha, hinding-hindi ako babalik sa mansion na iyon. Never. Nandoon din ang isa pang tutol sa akin—si Lola Helena.
Pero hindi ako uuwi para sa kanila. Uuwi ako para hanapin ang pumatay kay Mommy. Kay Daddy. Kay Lolo.
At uumpisahan ko ang paghahanap sa pamilyang ito.
Parang hindi nila alam na lahat ng tinatamasa nila ay hiram lang. We were once rags to riches. Si Lolo Victor ang dahilan kung bakit nakamit namin ang buhay na ito. Alam ko iyon, dahil bago siya pumanaw, naikuwento niya sa akin ang lahat ng sakripisyong pinagdaanan niya.
Maybe I grew up in a life where I never had to struggle. But now, the person I used to be died along with the people I loved.
I will take my revenge.
I will make them feel the emptiness I feel every day.
To be alone.
To be surrounded by people with dark desires.
I am already gone.
It's not always heaven and earth.
Sometimes, it's just hell.