Accusation
I just asked the driver to drive me over to Sandy's house. Agad naman nitong inikot ang manibela at nag-drive patungong kanluran. I just had a tiring day—weeks, actually—and then there's this stupid guard na akala mo ay pogi, malaki lang naman ang katawan.
Pag tigil ng sasakyan, agad akong lumabas. Maglalakad na sana ako nang marinig kong bumukas din ang pinto ng sasakyan.
"Ma'am, teka lang po muna..." pigil ni Jack.
Tumaas ang kilay ko at tiningnan siya. "Anong oras po kayo susunduin? Baka po mag-alala si Ma'am Agatha," anito. Napa-irap ako sa hangin.
"Just tell her you drove me here, in Sandy's house. Kilala ni Tita 'yon. And also, mention how stupid and dumb you are para mapalitan ka agad," sabay talikod ko dito.
"You never change, no? You're still mataray." Ang ganda ng bati niya sa akin. Inusto!
I just rolled my eyes.
"Why did you suddenly disappear? Tito and Tita said na kasama ka ni Brenna sa France at wala silang alam sa nangyayari rito." I blinked twice when I heard that!
"Really?" Nagmamaang-maangan akong hindi makapaniwala.
"Yeah, and halos halughugin pati lupa ng tito mo noong malamang you're not with your cousin," anito.
"Saan ka ba kasi nagpunta? Sabi mo sa akin noon you will be in France for a month just to roam around and find a school," anito.
Iniisip ko ang buong nangyari. Dad called me past 12 already, and he kept on scolding me about not going home. I always ended his call until he emailed me to come with Brenna to France. He said my life would always be where my passion is. Kaya tinawagan ko si Daddy, and I was very excited when he told me all the details.
I packed my things, including my necessities. Of course, since I would be there for a month, I should bring a lot of OOTDs to fit and post on my social media accounts.
Hindi ako natulog dahil sa excitement sa paparating na umaga. Agad akong nagtungo sa airline kung saan kami naka-booked. Hapon pa naman ang flight, kaya pumunta muna ako ng mall para bumili ng pads. On that same day, I didn't know that Dad and Lolo would leave me.
"Carolina?" tapik sa akin ni Sandy. Nanlaki ang mata ko.
Natulala na pala ako habang iniisip ang mga nangyari.
"I'm hungry, Sandy. Ano'ng snacks mo dito?" tanong ko sa kanya, pagbabago ng usapan. Hindi naman ako nagulat nang agad kaming bumaba at nagpahanda siya ng pagkain.
"Asan sila Tita?" tumaas ang dalawang kilay nito na tila walang alam sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.
"I think nasa company sila ngayon... Alam mo naman na busy sila lagi, like your parents," sabay iwas nito ng tingin.
Napanguso ako. Yeah, she's right. Siguro kung hindi lang kami parehong babae, pinagkasundo na kami para ikasal. Natatawa na lang ako sa kwentong iyon ni Mommy. Dahil super close sila ni Tita Celeste, nangako sila na kapag nagkaanak, ipagkakasundo nila ito para maging isang pamilya na lang. Kaso, dalawang pilya ang sumilay sa mundo, kaya wala na silang nagawa.
Sandy cut the cake, at agad akong kumuha. "Did you bake this?" habang tinutunaw ng dila ko ang icing ng cake. Siguro kung hindi lang ganoon ka-strict si Tito Hubert kay Sandy, malamang nasa Italya na ito ngayon at pursuing her passion.
Kaso hindi eh. Unlike Daddy, Tito Hubert is really strict—to the point na ako mismo ang nagiging boses ni Sandy para lang makagala ito.
Well, nag-iisang tagapagmana si Sandy ng kanilang business. I cannot blame them.
Napansin kong palubog na ang araw. Medyo mahaba ang naging usapan namin ng kaibigan. Maraming napagkwentuhan, gaya na lamang ni Lorie, na sa De La Salle daw mag-aaral sa darating na pasukan. But why? Hindi naman sila naghihirap para hindi niya sundin ang gusto niyang kurso. Si Jed, na ex ko, nag-enroll sa UST para sa kursong engineering.
My phone rang, and I answered it immediately. "Hello, Tita..." sagot ko.
"Hija..." tawag niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Hey... Carolina, what do—"
I interrupted her by gesturing to Sandy not to speak because I was on a phone call. Tumango naman ito.
"Hija, what time will you go home? It's already six," anito sa nag-aalalang tono. I checked my watch to confirm it.
"Remember na may family dinner tayo ngayon. Ayaw kong mapagalitan ka na naman ng lola mo..." Napasapo ako sa noo. Naalala ko pang i-text niya sa akin ang location. Agad akong bumaba ng mansyon nila. I just gave Sandy a beso saka nagmamadaling lumabas ng gate.
Napansin kong bumukas iyon at pumasok ang SUV nila. Tingin ko ay sila Tito at Tita. Gustuhin ko mang makipagkwentuhan pa sa kanila, pero hindi na kaya ng oras ko.
"Oh, bakit uuwi ka agad? Join us for dinner, anak," ani Tito Hubert.
"I would love to, Tito, but we have a family dinner, and I'm running late," sagot ko dito at ngumiti.
"Ohh, honey, may sasakyan ka ba?" si Tita Celeste.
Nagulat ako. Oo nga pala, wala akong sasakyan. Natahimik ako sandali.
"Ah, yeah, Tita. My driver is on the way," sagot ko, nagbabakasakali na sana nga.
"Is that so? Ipapahatid sana kita... Pero sige, abangan mo na lamang," ani Tito sabay pasok sa mansyon. Tita Celeste just tapped my shoulder and smiled bago pumasok.
I called Kuya Stevan. Thank God he answered!
"Kuya, pasundo naman po dito?"
"Asan ka ba ngayon, Ma'am?" Alanganin ang boses niya. Rinig ko rin ang hangin sa linya niya. Siguro ay nasa biyahe ito.
"Andito pa rin po sa bahay nila Sandy."
"Hala, naku, Ma'am! Ang layo niyan. Ihahatid ko pa po kasi sila Ma'am Brenna sa family dinner ninyo," anito. I bit my lower lip, holding the urge to shout.
"Pero huwag po kayong mag-alala. Kokontakin ko po si Jack at papapuntahin ko diyan," anito.
Binaba ko na ang tawag, pero halos isang oras na ang lumipas, wala pa rin siya. Tita texted me many times until she said that dinner was done.
I pouted. I should be the one who's mad because they didn't even intend to be at my mom's death anniversary.
Napansin kong may ilaw na tumama sa mukha ko. Agad akong kumunot ng noo. Nang bumukas ang pinto, nakita ko ang isang lalaking naka-puting damit at shorts. I couldn't deny how hot he looked in those clothes that hugged his body.
"Kanina ka pa?" tanong niya.
His tone. The one I really hate.
"Oo! Kanina pa ako!" Umirap ako sa kawalan.
"Sorry. Malayo kasi ito sa mansyon ninyo. Sana alam mo," nakita ko ang pagngisi niya.
Bastos 'to, ah! Sino ba ang boss sa atin?