“Oh? Ate, saan- Oh my god! Nananaginip ba ako!?” Nagugulumihanan na bulalas ko habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa matangkad na lalaking kasama ng kapatid ko. Nakalimutan ko na nagto-toothbrush nga pala ako, kaya ng mapa-lunok ako ng wala sa oras ay ang toothpaste mismo ang nalunok ko. Bigla akong natauhan at dali-daling tumakbo patungong kusina. Kulang na lang ay isuka ko ang nalunok kong toothpaste.
Nagmamadali na nagmumôg ako at saka mabilis na bumalik ng salas. Nadatnan ko pa ring nakatulala si kuya Harold at ang aking ama sa mukha ng lalaking kasama ni ate Miles. Mukha itong walang pakialam sa paligid habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ng aming bahay.
“Ate! Ano itong ginawa mo? Hindi mo ba kilala ang taong ‘yan? Siya ang anak ni Mr. Cedric Hilton! Ang pinakamayamang negosyante sa buong mundo!” Nagugulumihanan kong pahayag, sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala sa lalaking ito? Sikat kasi ito sa pagiging playboy nito. Kahit saan ka pumunta ay kilala ang pamilyang Hilton at ayon nga sa balita ay sampung magkakapatid ang mga ito. Subalit hindi lahat sila ay sikat, dahil nanatiling pribado ang buhay ng iba nitong mga kapatid.
Dalawa nga lang sa kanila ang kilala ko, si Mr. Winter at itong si Mr. Xavein.
“Kaya ba hindi mo masabi sa akin kung sino ang ama ng anak mo, dahil natatakot ka sa kanilang pamilya?” Madilim ang mukha na tanong sa akin ni Ate Miles. Muli, napalunok ako ng wala sa oras.
“N-No, Ate, dahil hindi talaga siya ang ama ng aking anak. At dahil sa ginawa mo ay ipinahamak mo lang ang pamilya natin.” Bagsak ang balikat na sagot ko sa kanya. Natigilan si Ate at saglit na nagkatitigan silang dalawa ni Mr. Hilton. Ewan ko ba pero isa lang ang napansin ko. Bagay silang dalawa ni Mr. Hilton.
Nagtataka na pinagmasdan ko silang dalawa dahil kasalukuyang may sinasabi si Mr. Hilton sa kapatid ko. Napansin ko na tumiǐm ang bagâng ni ate Miles habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay nito.
May ilang minuto na simula ng umalis si Mr. Hilton, subalit nanatili pa rin sa kinatatayuan niya si Ate Miles. Napaka-tahimik naming lahat at wala ni isa man sa amin ang bumasag ng katahimikan.
Ilang sandali pa ay tumingin sa direksyon ko si ate Miles, naramdaman ko na biglang inalis ni kuya Harold ang braso nitong nakapatong sa aking balikat.
“T-Teka, mali ka ng iniisip, hindi ako ang ama ng anak ni Maurine.” May pag-aatubili na wika ni kuya Harold, dahil sa talim ng tingin ni Ate dito. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Ate Miles bago tumingin sa mukha ko. Batid ko na masama ang loob nito sa akin at ramdam ko na sinusubukan lang niya na habaan ang pasensya para sa akin.
Walang imik na tinalikuran kami ni Ate Miles at sa nakikita ko sa kanya ay napahiya ito sa nangyari kanina.
“Sino ang ama ng batang ‘yan?” Nahimasmasan ako ng mula sa aking likuran ay nagsalita si Daddy. Binalot ng matinding takot ang puso ko at biglang nangatog ang mga tuhod ko.
“D-Dad...” nahintakutan kong sambit. Halos mamutla na ang buong mukha ko, parang gusto kong tumakbo at magtago sa loob ng silid ko. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
“PAK!” Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking ama. Nayanig na yata ang buong pagkatao ko at hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay humiwalay na yata ang kaluluwa ko sa ‘king katawan. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni kuya Harold bago pa man ako bumagsak sa sahig. Nanlalaki ang mga mata na tumitig ako sa mabagsik na mukha ng aking ama.
“Mr. Ramirez, pakiusap, huwag n’yong saktan si Maurine.” Nakikiusap na wika ni kuya Harold habang pilit akong itinago nito sa kanyang likuran. Nang magpanagpo ang mga mata namin ni daddy, napansin ko na saglit siyang natigilan. Nanahimik ito ng ilang segundo habang nakatitig sa mukha ko. Unti-unting naglaho ang galit sa mukha nito at napalitan ito ng lungkot.
Walang salita na tinalikuran kami ni Daddy at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Napahagulgol na ako ng iyak at wala sa loob na yumakap ako kay kuya Harold.
“K-kuya...” ani ko dito, nakakaunawa na niyakap din niya ako bago hinagod ang likod ko.
“Maurine, hindi naman sa nangingialam ako, pero hindi ka ba naaawa kay ate Miles mo? Bakit ayaw mo pang sabihin sa kanya kung sino talaga ang ama ng anak mo?” Malumanay na tanong niya sa akin bago ito gumawa ng isang hakbang palayo sa akin. Upang magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
“Honestly, kuya Harold, hindi ko rin alam kung sino ang ama ng aking anak.” Malungkot kong sagot na siyang ikinaawang ng bibig nito.
“Seryoso!?” Di makapaniwala na bulalas nito, nahihiya na tumango ako ng dalawang beses. Kahit na puno ng emosyon ang dibdib ko ay parang gusto ko pa ring matawa. Dahil sa nakakatawang reaksyon ng mukha ni kuya Harold.
“Tell me nga kuya, may gusto ka ba sa akin?” Diretsahan kong tanong dahil napapansin ko ang kakaibang atensyon na ibinibigay niya sa akin. Iyon bang tipo na napaka espesyal ko sa kanya.
“Ouch!” Reklamo ko ng bigla na lang ako nitong batukan,
“Bakit ka ba nambabatok!? Naiinis kong tanong habang masama ang tingin dito.
“Para mahimasmasan ka. ‘Tong batang to kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak mo.” Sermon nito sa akin kaya naman nanulis ang nguso ko.
“Aba’y, you can’t blame me kung pagsuspetsahan kita na may gusto sa akin. Imagine you care about me too much. You are always beside me whenever I need help.” Mahaba kong litanya habang nakatingin sa mukha nito. Naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
“Dahil espesyal ang pamilya n’yo sa akin, malaki ang utang na loob ko kay ate Miles mo. Siya ang nagligtas sa akin noong mga panahon na naliligaw na ako ng landas.
Naranasan ko ang makulong at torturine ng mga pulis sa loob ng kulungan. Nang araw na makatakas ako ay kinupkop ako ng kapatid mo. Tanging siya lang ang tao na nagtiwala sa isang ex-convict na tulad ko. Siya rin ang gumawa ng paraan para maayos ang kaso ko.
Wala akong pinag-aralan, dahilan kung bakit wala akong makuhang trabaho. Isa pa, malabo pa sa sikat ng araw na may magtitiwala pa sa akin. Hanggang sa nagdesisyon si Miles na magtayo ng sarili niyang talyer at pinagkatiwala niya ito sa akin.
Kaya huwag mong lalagyan ng malisya ang ginagawa ko sayo, dahil ang tingin ko sayo ay isang nakababatang kapatid lamang. And besides kahit na maganda ka ay hindi kita type.” Ani nito, saka tinapik nito ang bunbunan ko na parang akala mo ay nagpapaamo ng aso.
“Aba’t ang kapal naman ng mukha mo! Do you think magugustuhan kita!? Lumayas ka nga sa harap ko at nangangamoy suka ka!” Naiinis kong saad sabay bangga sa katawan nito gamit ang kaliwang braso ko. Malaki ang hakbang na iniwan ko na ito upang pumasok sa loob ng aking silid.
“Hoy, kaliligo ko lang! Maarteng ‘to!” Pahabol pa ni Kuya Harold. But honestly, I’m so thankful kasi naranasan ko na magkaroon ng isang kuya. Gusto ko sanang pasalamatan si kuya Harold, kaso naisip ko rin na huwag na lang dahil siguradong mauuwi lang sa asaran ang lahat. And I’m sure sa huli ako rin ang mapipikon.”