“Sa tingin ko, kamukha ko ang batang ‘yan.” Nanghaba ang nguso ko ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Harold.
“Pwede ba kuya, could you please stop that! Malayo sa katotohanan ‘yang sinasabi mo. Why don’t you make your own baby?” Irritable kong saad sabay irap dito.
“Bakit wala namang masama sa sinabi ko, ah? And besides, wala ka namang ibang pinanggigigilan kundi ako. Kaya sigurado ako na kamukha ko ‘yan!” Matatag niyang saad kaya tuluyan ng nag-init ang ulo ko.
“My god, kuya! Naninindig ang mga balahibo ko sayo! Hrrrr!” Ani ko dito sabay bira ng lakad palabas ng opisina ni ate Miles.
He’s with me today, dahil ito ang unang araw ng check-up ko. I’m so excited na makita ang unang larawan ng baby ko.
“Be thankful, sa oras na maging kamukha ko ‘yan dahil magkakaroon ka ng gwapong anak.”
“My gosh kuya, shut up!” Naiimbiyerna na ako sa isang ito. Kung hindi lang ako buntis baka naumbag ko na ang lalaking ito!
Subalit, pagdating sa labas ng opisina ay natulos ako sa aking kinatatayuan. Mula sa likuran ay naramdaman ko pa ang pagbangga ng katawan ni kuya Harold sa likod ko dahil sa biglaang pagtigil ng mga paa ko sa paghakbang.
“A-Ate...” nauutal kong bigkas, hindi ako makapaniwala sa eksenang nadatnan ko. Kasalukuyang pakikipag tagisan ng titig si ate Miles sa mga tauhan ni Felix. Nalipat ang atensyon ng lahat sa akin at halos sabay na tumingin sa direksyon ko ang tatlong armadong lalaki.
“Maurine, kailangan mong sumama sa amin dahil ipinapasundo ka na ni Boss.” Mayabang na wika ng lalaki, hindi alintana ang presensya ng aking kapatid.
“Hindi n’yo pwedeng isama ang asawa ko!” Si kuya Harold at humarang pa sa harapan ko. Luh? Anong pinagsasabi nito!? Did he thinks na biro lang ang lahat? Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon baka na batukan ko na ito.
Parang tinambol ang dibdib ko ng magsimulang humakbang sa direksyon ko ang mga tauhan ni Felix. Subalit na udlot ito ng humarang sa kanilang daraanan ang Ate Miles ko. Matamang pinasadahan ng tingin nang mga ito ang kabuuan ni Ate Miles, kasabay nito ang pagdagsa ng malisyosong ekspresyon sa mukha ng mga lalaki.
“Miss, siguradong sisikat ka sa oras na tanggapin mo ang offer namin sayo. Milyon ang kikitain mo dito.” Nanggilalas ako sa tinuran ng lalaki, dahil hinihikayat nito na magtrabaho ang kapatid ko sa kanilang kumpanya.
“Depende sa offer mo,” ito ang naging sagot ni ate Miles na mas lalong gumimbal sa akin.
“H-Hindi! Hindi ako papayag! Ate, huwag mong tanggapin ang inaalok nila!” Natataranta kong sabi at tinangka kong lumapit dito subalit mabilis akong kinapitan ni kuya Harold sa braso.
“Hindi! Hindi ako papayag! Pakiusap ate Miles, huwag kang sumama sa kanila!” Naghi-hysterical na ako, ngunit wala na akong nagawa ng hatakin ako ni kuya Harold papasok sa loob ng opisina.
“Ano ba! Let me go! Kuya, kailangan nating tulungan si ate Miles! Nanganganib ang buhay n’ya!” Natataranta kong sigaw dito, habang pilit na inaalis ang mga kamay nito na nakahawak sa aking braso.
“Alam ko, Maurine. Makinig ka, kilala ko ang kapatid mo at batid ko na alam ng ate mo kung ano ang kanyang ginagawa. Magtiwala ka lang sa kapatid mo.” Seryosong pahayag ni kuya Harold. May katotohanan ang mga sinabi n’ya, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-alala.
Ilang minuto ang lumipas bago ako hinayaan ni kuya Harold na lumabas ng Opisina.
Puno ng pangamba ang puso ko at hindi ako magiging kampante hanggat hindi ko nakikitang ligtas ang aking kapatid.
Tila dininig ng Diyos ang aking hinaing dahil sa biglang pagdating ng isang sasakyan, na sinundan pa ng tatlo pang sasakyan. Bumaba ang isang lalaki na nakasuot ng blue polo shirt. Nagliwanag ang mukha ko ng makilala ko kung sino ito.
“Mr, Hilton! Mr. Hilton! Pakiusap! Tulungan mo kami! Iligtas mo ang ate Miles ko! Tinangay siya ng mga tauhan ni Felix!” Pagmamakaawa ko sa kanya, lumarawan ang matinding pangamba sa gwapo nitong mukha. Kita ko kung paano gumuhit ang matinding takot mula sa mga mata nito.
Saglit akong natulala ng matitigan ko ang kanyang mga mata, bakit ngayon ko lang naalala ang mga matang iyon ay katulad ng kay Mr. Blue eyes?
Natauhan ako mula sa pagkakatulala sa hangin ng biglang lumitaw ang makapal na usok sa harapan ko na may kasamang alikabok.
Ang mga walang hiya, hindi man lang ako isinama at iniwan akong mag-isa dito!
“Yeah! Why did they left me here?” Nanggagalaiti kong sigaw. Mabilis na tinungo ko ang kalsada at sakto naman na may paparating na taxi at kaagad ko itong pinara.
“Ang kulit mo talaga! Anong ginagawa mo dito?” Naiinis na tanong ni kuya Harold na parang gusto na ako nitong batukan. Halatang nagulat ito sa biglaang pagsulpot ko.
“Kailangan kong makausap ang Kapatid ko para pigilan siya sa kung anumang binabalak n’ya!” Ani ko na hindi na pinansin pa ang galit nito. Halos takbuhin ko na ang pasilyo subalit pagbukas namin sa pinto ng opisina ni Felix ay ganun na lang ang labis na pagka gimbal ko.
Parang hihiwalay na yata ang kaluluwa ko mula sa aking katawan dahil sa eksenang tumambad sa amin.
“Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko.” Ito narinig kong sabi ni Ate Miles habang nakatutok ang hawak niyang baril sa noo ng matandang si Felix.
Iniisip ba ni Ate Miles na si Felix ang ama ng aking anak? Kaya ba niya ipinain ang sarili?
Ganun ka determinado ang kapatid ko na malaman kung sino ang ama ng dinadala ko.
Nakadama ako ng matinding awa para kay ate Miles kaya mabilis na dumaloy ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.
Kung sana nakilala ko ang lalaking ‘yun marahil ay hindi hahantong sa ganito ang lahat.
“Pakiusap ate Miles, huminahon ka, ibaba mo ang baril mo, h-hindi siya ang ama ng aking anak!” Ani ko sa garalgal na tinig.
Bigla ang ginawang paglingon sa akin ni Ate Miles, ang awra nito ay wari moy nasabugan ng bomba. Mas lalong dumilim ang kanyang ekspresyon, halatang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.
“Punyeta naman Maurine! Halos isugal ko ang buhay ko para lang mabigyan ng hustisya ang nangyari sayo! Iyang lalaking ‘yan! Nang dahil sa katangahan ko ay hindi natuloy ang kanyang kasal!” Anya at galit na itinuro ng baril nito si Mr. Xavien Hilton na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko.
“At ang lalaking ito! kamuntikan ko ng mapatay ng dahil sayo! Wala ka na bang pakialam sa nararamdaman k-ko?” Anya sa garalgal na tinig, ramdam ko, na labis siyang nasasaktan at ang lahat ng ito ay kasalanan ko.
Subalit ang hindi ko inaasahan ay ng i-angat niya ang baril at itinutok ito sa tapat ng kanyang sintido.
Nanlaki ang ulo ko at binalot ng matinding takot ang puso ko. Nakikita ko na desperada na si Ate Miles, at sa pagkakataong ito ay kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang totoo.
“Now tell me, sino ang ama n’yan.” Matigas niyang tanong, habang ang kanyang mga mata ay hilam na sa luha.
“H-hindi ko alam, believe me, ate. Hindi ko kilala ang lalaking ‘yun. Dahil isang aksidente ang nangyari. I’m so sorry, dahil nakipag-one night stand ako sa isang estranghero at ni ang mukha nito ay hindi ko man lang nakita!” Ani ko, napa hagulgol na ako ng iyak. Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ko dahil kusa itong lumuhod sa sahig habang sapo ng mga palad ko ang aking mukha.
Parang nawasak ang puso ko ng makita ko ang itsura ni ate Miles. Bagsak ang balikat nito na wari moy pinagsakluban ng langit at lupa habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.
Bakit ba ng nagpaulan ang langit ng katangahan ay tila sinalo ko na yatang lahat.
At ang masaklap pa ay ang kapatid ko ang nagdudusa sa mga nangyayari sa akin.”