CHAPTER 1 "MIDNIGHT KREIGHTON"
MIDNIGHT
Nasa ika Tatlong taon na ako sa Kursong Pinili ko sa Larangan ng Medisina.
Sa kabutihang palad ay isa ako sa nakapasok noon sa Leapmed, similar to Intramed ,an accelerated medical degree program launched by the UST (University of Sta.Teresita.) Kung saan sa loob ng 7 years ay magiging Ganap na akong Isang doctor.
2 years Pre-Med sa Kursong Biology, NMAT exam, 4 Years Med School , 1 Year Internship at ang Final ay Board Exam. Hindi naman sa Pagmamayabang ngunit isa ako sa Madalas purihin ng aking mga Professor dahil sa Dedication ko sa Pag aaral.
Pinili ko ito Una ay Dahil kay Lola Erlinda na Merong sakit sa Puso, at Pangalawa dahil sa Kakambal ko na si Sky na maagang kinuha sa amin. Hindi nya man lang nasilayan ang Mundo.
Hindi Ganon kadali ang pag do doctor, Hindi lang Talino ang kailangan, Dapat ay Masipag ka rin, Kung Dati ay maswerte ka na Nakakatulog ka ng 8 Hrs every night, ngunit kapag nasa Med School ka ay Makakatulog ka na ng 8-10 hrs a week, Yes, dahil di na talaga maku koompleto ang tulog mo, dahil kailangan mo talagang mag Focus sa Pag aaral.
Masarap na Mahirap ang pagiging Doctor, Mahirap dahil madalas ay sayo nakasalalay ang buhay ng pasyente, Masarap dahil napakagaan sa pakiramdam kapag gumagaling sila or nailigtas mo sila yan ang nakikita ko Kay Doc Alfie, Isa sya sa Doctor at Professor na malapit sa akin, Sa kanya ako mas na inspired sa pagiging Doctor.
Makikita mo ang tuwa sa kanyang mga mata kapag maayos ang kanyang pasyente.
Mabait si Doc Alfie at Hindi madamot sa pag she share ng experience nya sa pagiging Doctor, isa sya sa Mga batang Doctor dito sa University at Hospital, Nasa 30 plus palang sya ngunit madami na rin syang achievement.
Unang araw ngayon ng Pasukan ng Freshmen, Samantalang kami naman ay Diretso lang ang pasok dahil madalas nga ay nag O observed din kami, iniikot na namin ang ibat ibang department. Kapag walang pasok naman ay umuuwi rin ako sa bahay namin sa Cavite.
Naiilang lang ako minsan dahil kapag dumadaan ako ay Napagkakamalan na nila akong Doctor. Pag minsan kasi at Naka Coat din kami, lalo na kapag may Aaralin kami sa Lab.
Kaya akala tuloy ng mga Bagong Studyante ay Doctor na talaga kami, Maging ang mga nakakasalubong namin sa ospital lalo na kapag sinasama ako ni Doc alfie sa mga Minor operation nya, sinasama nya ako para mag observe.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa Grupo ng mga freshman na nakapila sa may Pathway, Parang Kailan lang ay isa rin ako sa kanila pero ngayon heto na ako at Tapos na sa Pre-Med, kasalukuyan na nasa Med School. God is Always Good talaga, Di ko rin kasi inaasahan na Mapapasama ako sa Leapmed na kung saan Hangang 90 lang ang Kukunin nila at salamat dahil isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na makapasa.
Habang naglalakad ay Nakita ko ang dalawang Pamilyar na Mukha sa akin.
Si Avani At Amari, Dito rin kasi sila Nag aaral at nag Transfer sila mula sa Isang university at dito itinuloy ang pag pre- Pre-med.
Ilang Linggo na nagsimula ang klase pero ngayon ko lamang sila napansin. Madalas kasi ay doon ako sa kabilang Building mamalagi dahil doon ang Med School.
"Midnight!" Nakangiting bati sa akin ni Avani saka Kumaway.
Wala pa naman akong klase kaya nilapitan ko sila.
"Hi, Kumusta kayo dito?" Nakangiting wika ko saka nakipag Fist Bump kay Avani samantalang si Amari ay Tumango lamang at tinanguan ko rin.
"Ayos lang naman kami, medyo kaya pa naman hehee."anya ni Avani.
"Kaya nyo yan, at kakayanin nyo pa dapat." Wika ko sa mga ito, nalaman ko na Nursing ang Kinukuha ni Amari at Med Tech naman kay Avani.
"Salamat, Midnight ah, kapag may tanong kami pwede ba kami magpaturo sayo?" Tanong ni Avani.
"Oo naman, basta approach me kapag kailangan nyo ng tulong." Wika ko pa.
Kung si Avani ay Panay tanong sa akin, Si Amari naman ay halos di Magsalita, Tumitingin sya ngunit kapag tinitingnan ko naman sya pabalik ay Umiiwas naman sya.
"Paano? Mauuna na ako, Good luck sa inyo" anya ko rito saka nag paalam sa kanila.
Ang bilis ng Panahon, ngayon ko lang ulit sila nakita, pero nakita ko na sila noong nakaraan sa Grocery Store.
Maya maya ay tumawag ako kay Mama para ipaalam na Hindi ako makakauwi ngayong linggo dahil kaylangan kong mag focus sa nalalapit na exam namin.
Medyo malapit lamang sa eskwelahan ang Condo na tinutuluyan ko. Regalo ito ni Lolo at Lola sa akin 10 mins lang ang layo nito sa University.
Dahil sa pagsisikap ko ay May nakukuha akong scholarship sa University, hindi ito 100% pero napakalaking bagay nito kaya naman pinagbubuti ko ang aking pag aaral para manatili ito sa akin.
Ang Sasakyan ko naman ay Bigay sa akin ni Mom and Dad noong gumraduate ako ng Pre-Med ayaw ko sana tangapin dahil hinahatid at sinusundo naman ako ng driver namin dati pero regalo iyon ni Mom at Dad at deserve ko daw kaya kinuha ko na rin.
At Sya nga pala, kahit suportado ako ng aking mga magulang ay nag pa part time job din ako sa isang Fast Food ang maganda sa kanila ay pwede ko sila pasukan sa kung anong oras ako available, basta ipapasa ko lamang ng 2 days ahead ang sched ko at may nakalaan na plan A at B in case may changes.
Kaya kapag may bakanteng oras ay Suma sideline pa ako.
"Ramirez, Pasaan ka na nyan? Tapos na exam natin, baka naman pwede tayong mag Happy Happy, ayain natin si Doc Alfie." Saad ni Kairav na Ka klase kong Filipino-Indian. Sa India sya pinanganak ngunit Walong Taon sya ng Umuwi sila dito sa Pinas kaya napakahusay at Parang Pinoy narin ito managalog dahil dito naman sya lumaki.
"Sa susunod na Kairav, Kailangan ko pang Dumuty."
"Duty? Sigurado ka? Aba naman, 2 weeks tayong subsob sa review, Pagbigyan mo naman ang sarili mo na mag enjoy ba, Saka kana Dumuty, hanga rin ako sa Iyo, Suportado ka ng Lolo at Lola Mo, ng Mommy and Daddy mo, May Scholarship ka pa, Pero Grabe suma sideline ka pa?"
Harot Harot din tayo pag may Time, Abay sa Apat na sulok nalang nitong Buong University umiikot ang mundo natin." Anya pa ni Kairav kaya natawa ako.
Tama naman kasi Sya, Sa Loob ng 5 taong pananatili ko dito sa loob ng University ay talagang pag susunog lang ng kilay ang ginawa ko, palagi kong iniisip na narito ako para mag aral, matupad ang pangarap kong maging isang Doctor, At Makatulong sa kapwa ko balang araw.
"Hehe, Sige payag na ako, pero bukas nalang Kairav, Nakakahiya naman kung Liliban ako sa Fast food, napakagaan na ng Schedule na binibigay nila sa akin kaya Mag wo work muna ako, then Bukas promise Lalabas tayo." Anya ko na syang nakapag pangiti kay Kairav ng husto.
"Yown hehe sa wakas, Sige ah, promise yarn, Pero saan tayo tom?" Tanong ni Kairav sa akin.
"Hmm..Lalayo pa ba tayo? Syempre dyan lang sa may Kabilang street sa Roof Manila, hehe." Sagot ko.
"Huwattt? Sure ka? Di man lang ba tayo lalayo man lang? Minsan lang ako mag aya, para kang di Friend." Wika pa nito kaya natawa ako.
"Hehe, basta bahala na bukas, pero don nalang muna tayo okay ?"
"Ok, Kopya, pero sige na nga excited na ko, makakapag Party Party din sa wakas." Masayang wika ni Kairav.
Nang araw ding iyon ay pumunta na muna ako sa Fast Food na aking pinag pa part time man.
Tulad ng nakagawaian pag pasok ko ay madaming mga customer. Kaya Tuwang tiwa sila ng dumating ako.
Habang nag a assist ako ng customer ay nabulahaw kami ng isang bata nang umiyak ito at kasunod nito ay ang pag sigaw din ng nanay nito.
"Oh My Gosh Ang anak ko nabanlian." Anya ng ina ng bata na tila nagpapanic na, agad ko naman itong dinaluhan at tiningnan ang Banli ng bata.
"Shhhh...Tahan na Baby, Mommy sumama po kayo sa akin" Saad ko saka binuhat ang bata at dinala sa may banyo.
Hinugasan ko sa running water mula sa gripo ang kanyang braso at bahagya rin itong ibinabad.
"Hwag ka iiyak ha, mawawala rin yan Baby." Wika ko habang kausap ang bata, sa tingin ko ay naiibsan ang hapdi nito kaya medyo tumigil na sya sa pag iyak.
Matapos kong basain iyon sa gripo ay saka ko naman pinahiran ng aloe vera, buti na lamang at may baon si Nimfa, isa sa kasamahan kong crew, saka ko ibinalot sa malinis na tela ang part na nabanlian.
"Ok na po ito Mam, pwede nyo po sya painumin ng Pain reliever pag po sumakit. Maari nyo rin pong dalhin sa clinic kung sakali po na sobrang sakit parin.
"Salamat ha, Nakakatuwa naman dito sa inyo, maagap ang mga crew." Wika ng ina ng bata sa akin.
"Wala po iyon mam, ingat nalang po tayo sa susunod."
"Salamat ulit, Anak, mag thank you ka Kay Kuyang Crew." Utos ng Ginang sa anak nya.
"Thank you po KUYA POGI." saad nito kaya nagtawanan ang naroon.
"Hehehe, mag iingat ka na sa susunod ah."
"Opo Kuya Pogi, hindi ko na po papakiaalaman mag isa ang mainit na bagay." Sagot ng bata.
"Nice, Kaka proud ka talaga Doc Pogi Midnight" Singit naman ni Queenie isa rin sa kasamahan kong Crew.
"Doctor po kayo Kuya Pogi?" Tanong sa akin ng bata.
"Hmm..Yun yung pinag aaralan ko baby, pero di pa talaga ganap na doctor si Kuya, 2 years pa hehe."
"Salamat Ulit Hijo, Good luck sa pag aaral mo, naniniwala ako na magiging Mahusay at mabuting doctor ka balang araw." Saad pa ng ginang saka sila nag paalam.
Ala syete ako ng gabi pumasok at alas onse naman ang labas ko, dahil tinulungan ko pa sila sa closing.
Napansin ko naman si Euricka na nakaupo sa isang sulok, katatapos nya lamang mag linis sa kitchen, isa sya sa pinaka Batang crew dito.
"Oh Euricka? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya dahil pansin kong malayo ang kanyang tingin.
"Ayos lang Kuya Midnight, Iniisip ko lang yung Pang bayad ko sa school, 2 months na kasi akong di nakakabayad dahil nagkasakit si Lola.
"Ganon ba? Magkano ba ang babayaran mo?"
"Nasa limang libo Kuya Midnight, para sa nakaraang buwan." Sagot nya sa akin.
"Ganon ba? Anya ko saka ko dinukot ang aking wallet at naglabas ng limang libong piso saka iyon iniabot sa kanya.
"Oh, ano to Kuya?"
"Natural Blue Bills, hehe, Para di ka na mamroblema at Mag isip, Ayan ibayad mo na sa eskwelahan mo Bukas na Bukas."
"Hala, sure ka Kuya? Pauutangin mo ako? Di ko agad to mababayaran ng biglaan, huhulugan ko to kada sahod."
"Ok lang, Basta Mag aral ka mabuti Okay?
"Salamat Kuya Midnight " wika nito saka ngumiti sa akin.
Napakasipag din kasi ng Batang ito, Naaalala ko sa kanya ang bunso kong kapatid na babae, si Kathrice.
Matapos ang duty ko ay nagpaalam na rin ako at nag Out saka nagtungo sa parking kung nasaan naroon ang aking sasakyan.
Bago ako sumakay ay Nag videocall muna ako sa mga Kapatid ko dahil kita ko na on-line pa sila, at ang bibilis sumagot ng mga loko.
"Hi Kuya naming Pogi? Bat ka tumawag? bungad ni Kathrice sa akin.
"Aba, bat gising pa kayo? Alas onse na ah, bat di pa kayo natutulog?
"Luhh, patulog na kami Kuya, tumawag ka lang hehe."
"Woahhh..Patulog nyo mukha nyo, Mag aral kayo mabuti ah, wag masyado babad sa Gadgets."
"Opo Doc, Kelan ka pala uuwi Doc, Miss ka na namin Doc, lalo na nila Nanay at Tatay." Wika ni Kathrice.
"Miss ko na rin kayo, Pati sila Mama at Papa, pakisabi miss ko na rin sila.
"Ok Kuya Doc, mag iingat ka dyan, Mahal ka namin, Oo nga pala Kuya, Pasalubong ah., I love you..Mwahh." anya pa ni Kathrice saka nagba bye.
Si Keenan naman ay nagpaalam na rin.
Masaya ako kapag nakakausap ang pamilya ko, kapag palagi silang safe at masaya.