MIDNIGHT KREIGHTON
Kinabukasan ay wala kaming pasok, Kaya ngayong araw ay naglinis muna ako sa aking Condo at Naglaba narin ng aking mga uniforme at iba pang damit. Hindi kasi ako nagpapa laundry bagkos ako ang naglalaba ng mga damit ko.
Kaya talagang ginawa kong kapaki pakinabang ang araw na ito.
Tinawagan ko rin pala si Mama at Papa at ibinalita na sa Isang araw ako uuwi sa amin.
Nang matapos ako sa gawaing bahay ay nagpahinga muna ako, mamayang hapon na ako kikilos para sa Night Out namin ni Kairav ang Half Pinoy Half Indian kong ka eskwela at Kaibigan.
Matagal na kasi itong nagyayakag kaya pinagbigyan ko na.
Pero bago iyon ay nagtungo muna ako sa Mall upang mag groceries ngga stocks ko sa condo.
Habang namimili ay hindi ko inaasahan na makita ko rin sila Amari at Avani sa Nasabing Groceries na tulad ko ay bumibili rin ng mga stocks. Naalala ko na naman tuloy noong una ko silang makita dito sa Manila kasama si Tita Laviña.
Grabe ang pamumula ng pisngi ni Amari ng mga oras na yon.
"Hey Midnight narito ka rin pala, akalain mo nga naman, nagkasabay pa tayo" wika ni Avani saka umakbay sa akin.
"Oo nga eh, hehe dito rin pala kayo nag grocery."
"Oo Midnight saka nga pala nakalipat na kami ng Condo, kaya mas malapit na rin kami sa School" Nakangiting wika ni Avani sa akin.
"Talaga...Good, Saan na kayo?"
"Hmm sa Ridgewood Parkview Suites din sa Tower B"
"Sa B? Anong Floor?
"24th Floor" Anya ni Amari na syang sumagot
"24th Floor? Same as Mine...So Magkatapat yung Condo natin, Sa Tower A nga lang ako."
"Hmm..Talaga? Ayos yan Isang compound lang yung Condo natin, hayaan mo Midnight, kapag naayos na namin invite ka namin, doon ka ma kumain ng Hapunan."
"Ok, sabihan nyo nalang ako kung kailan if ever." Sagot ko naman sa kanila.
Hindi na rin kami nag usap ng matagal, At ewan ko rin ba parang pag magkausap kami ni Amari ay di sya mapakali parang ewan lang.
Palabas na ako ng Supermarket ng makasabay ko sila palabas hindi nila ako napapansin dahil nasa likod ako. Kita kong tila hirap sila sa pagbuhat ng kanilang grocery habang patungo sa hintuan ng taxi.
"Ouch..sakit naman sa kamay, nakakainis naman bagong manicure pa naman to."
"Hayaan mo na muna, baka gusto mong di tayo makauwi at abutin ng ulan."
"Hays! Kasi naman eh, kelan ba Ibabalik ni Dad ang Car mo? Maktol na tanong ni Amari sa kakambal.
"I don't know, saka FYI dahil sayo Kaya binawi yon ni Dad dahil ginamit mo ng walang paalam, walang lisensya, tapos binangga mo pa, buti na lamang at sa loob ng Subdivision,kaya heto tayo ngayon. " Dinig ko pang wika ni Avani.
Bago pa sila makapara ng Taxi ay tinawag ko na sila.
"Avani, pauwi na rin ba kayo? Pauwi na rin ako, pwede ko namam kayo isabay." Alok ko Sa kanila habang Buhat ang Groceries na pinamili ko.
"Talaga Midnight, Salamat ah, buti nalang talaga at Magkapit Condo tayo."
Wika ni Avani saka nilagay sa Likod ng sasakyan ang Dala nyang paper bag. Napatingin naman ako kay Amari na tila hirap na hirap sa dala kaya nilapitan ko sya at kinuha ang dala nito..
"Ako na nyan Amari." Sabi ko at ibinigay nya naman iyon.
Sa Back Seat naupo si Avani at Akmang doon din uupo si Amari kaya napatingin ako sa rear view mirror bago nagsalita.
"Ahmm.pwede bang Umupo ang isa sa inyo rito sa Harap?" Wika ko sa tamang tono.
"Oo nga Pala Mag mumukha kang Driver namin, Amari Ikaw na, Doon ka na sa unahan." Anya ni Avani sa kakambal kaya tiningnan naman sya nito.
"Oh titingin pa, sige na lakad na, pinasakay na nga tayo ni Midnight eh Pag mumukhain pa nating Driver." Anya pa nito. Nakita ko pang inirapan ni Amari si Avani bago lumipat sa Passenger Seat.
Nakaupo na sya ngunit hindi pa sya kumikilos para ikabit ang seat bealt. Kaya Napabuntong hininga ako saka sinabi.
"Amari, can you please put on your seatbelt so we can leave?" Mahinang sabi ko sa kanya. Hinagip nya naman ang seat belt saka sinuot sa kanyang katawan.
Nag menor na ako saka ko binaybay ang daan patungo sa Condo kung saan kami parehong nag i Stay. Hinatid ko na muna sila sa Drop Off ng condo nila, saka ako umuwi sa condo ko. Magkatapat ang Condo namin, Winahi ko ang Kurtina at Ilang sandali lamang ay nawahi din ang tapat at kita ko na may kumakaway, walang iba kundi si Avani. Kumaway din ako nagsimula na akong mag ayos ng pinamili.
At nang araw na iyon matapos kong maligo ay tumawag si Mama, kaya agad ko itong sinagot.
"Hello po Ma, kumusta po?."
"Ayos lamang anak, Ikaw ang kumusta, Hindi ka daw uuwi ngayon sabi ng mga kapatid mo."
"Opo Ma, Sa isang araw na lang po ako uuwi, 1 week naman po ang bakasyon ko."
"Sige Anak, mag iingat ka dyan ah, miss ka na namin ng Papa at mga kapatid mo."
"Salamat po Ma, Miss ko na rin po kayo, Si Papa po nasaan ma?"
"Naku ayon nasa Farm nila Major Yohan, Nanganak ang Kabayo yung kapatid ni Reigo na galing kina Major Yohan."
"Talaga Ma?"
"Oo Ang cute nga ng Anak, Pinangalan ng Papa mo ng TIGIDIG haha."
"Hahaa, Ano ba yan, wala talagang maisip na ibang pangalan si Papa."
"Hehe ano pa nga bang aasahan mo sa Papa mo na puro kalokohan, Oh Sya anak mag iingat ka dyan ha, wag ka magpapagutom."
"Opo Ma, ahm..lalabas din po pala kami ni Kairav later ma, dahil tapos na ang pagsusulit inaya nya po ako na mag relax muna."
"Ok lang anak, basta mag iingat kayo."
"Salamat Ma, I love you po Mama."
"I love you too anak,."
Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang call, napangiti ako saka ko Tiningnan ang Family Picture namin na dinikit ko Sa Wall. Si Mama at Papa ako ang nakaupo sa gitna at ang dalwa kong kapatid sa dalawang gilid. Sa gilid naman nito ay Picture ni Lola Erlinda at Picture nila Lolo Gustavo at Lola Olivia. Sila ang Insipirasyon ko sa lahat at saka ko nilapitan ang Picture na nasa Pinaka gitna. Walang iba kundi ang larawan ni Sky, ang aking Kakambal.
"Sky, Kung buhay ka kaya Same rin kaya tayo ng Kurso? Malapit na ako Gumraduate Sky, ilang taon nalang at isa na akong ganap na Doctor. Sobrang mis ka namim kapatid ko. Kung buhay ka siguro para tayong Sila Avani at Amari." Anya ko sa aking isip. Naaalala ko naman ang kambal, Sumilip ako sa May Terrace ngunit di ko sila Makita, marahil nag si siesta sila.
Nahiga rin muna ako dahil maaga pa naman, Nagising lamang ako bandang Ala Sais.
Alas syete ng Makatangap ako ng Mensahe mula kay Kairav on the way na raw sya sa Bar na aming pupuntahan.
Sumunod na rin ako, dahil di naman ganon kalayo ay mabilis lang din Akong nakarating.
Ipinark ko ang sasakyan sa Parking saka nagtungo sa Rooftop kung saan naroon ang Bar na aming pupuntahan.
Sakto naman na naka order na si Kairav at nagsisimula na rin ang party sa mga oras na iyon, dumarami na rin ang mga tao sa lugar. May pagkakataon na Inaaya ako ni Kairav na sumayaw pero hinahayaan ko lang sya na mag enjoy, sinasabi kong Sya nalang at panonoorin ko na lang sya, Pero nakakailang inom na rin ako, pero syempre alam ko rin naman ang limitation ko, Palagi ko paring tinatandaan ang mga bilin ni Mama sa akin na palagi akong magtitira ng Pang uwi. Makalipas ang isang oras ay May dumating na isang grupo ngunit sa ingay nila at boses ay halatang mga may inom na.
Di naman na ako tumingin pa para alamin kung ilan sila basta ang alam ko ay Grupo sila, Mga Babae at Lalaki.
Maya maya ay rinig ko na nag sisigawan sila para silang naglalaro ng Truth or Dare.
Maya maya ay may inutos sila sa isa nilang kasama base lamang sa naririnig ko.
"Sige nga humanap ka ng Lalaking Hahalikan sa Lugar na to."
"Oo nga Go." Hahanap na yan." Tudyo ng mga kasama.
"Hahaha ano kayo mga Sira, ayoko nga."
"Wala mahina ka pala eh, Di mo kaya."
"Hindi sa Hindi kaya, Haha ayoko lang talaga para lang sa Boyfriend ko itong halik ko." Dinig kong sabi ng babaeng nagsalita.
"Weh, Wala naman Boyfriend mo dito eh, Sige na, Dare na,."
"Hahaa mga Baliw, Hindi, never aking hahalik sa kahit na sino, sa BF ko lang to no."sagot pa nito.
"Wala ang KJ mo naman, Wala naman ang BF mo dito, Sige kung ayaw mo sa iba, Sa amin nalang 5 ka pumili ng i Ki Kiss." Rinig kong sabi ng isang lalaki."
At nag sigawan naman ang mga ito.
"Ayoko nga Sabi, Exclusive for my Bf okay hahaha." Anya pa ng babae na tila pamilyar ang tinig, parang pag mamay ari ni Amari, at hindi nga ako nagkamali.
Ayaw sya tigilan ng mga naroon at talagang Kinukulit sya, lasing na rin ang mga ito lalo na ang dalawang lalaki na panay ang pangungulit sa kanya. napatingin ako sa pwesto nila at napansin ko na uneasy na ang itsura ni Amari.
"Hindi, wala parin akong hahalikan kundi Boyfriend ko lang and that's final " saad nya saka uminom ng alak.
Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na sila.
"Baby, let's go, pinaghintay ba kita? I'm sorry." Kunwaring wika ko saka lumapit sa kanya.
Ngunit nagulat ako sa Ginawa ni Amari ng Bigla nya akong Halikan sa labi ng hindi ko napaghandaan.
"It's Okay Baby, pano tara na?" Wika nito habang nakatingin sa aking mata, Tingin na tila humihingi ng Pag sang ayon ko."
"Sure, Let's Go Baby." Saad nya saka hinawakan ang aking kamay.
"Bye Guys, I told you para lamang sa Boyfriend ko ang aking labi, hehe"
Wika nya saka madali kaming lumabas. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Amari.
Hangang sa Makarating kami sa Parking doon nya lamang binitawan ang kamay ko saka sya napaupo sa may bumper ng aking sasakyan.
"Bakit ka sumasama sa mga iyon? Tanong ko sa kanya.
Suminghal muna sya bago sumagot.
"Di ko naman alam na ganon yung iba, Di naman namin kilala yung mga Boys na yon nag join lang sa amin." Sagot nya pa.
Napakamot naman ako sa ulo sa narinig ko.
"See, di mo pala kilala pero sumama ka, paano kung may binalak sila sayo? Amari Babae ka, hindi ka dapat sumasama sa mga di mo naman pala kilala.
"Hindi naman talaga, sila lang nag join sa amin kaya kasama namin.
"Paano pala kung Di ako lumapit sa table nyo, e Di baka ngayon pinuputakte ka na nila ng Halik."
"Sa tingin mo ba papayag ako? Kaya nga nagpangap ako na may BF ako para tigilan nila ako."
"Eh pano nga kung di ako lumapit?"
"Ehhh, wag mo na ako sermonan Midnight, tapos na nga Diba...Saka Thank you Ha dumating Ka, You saved me, Oh ano okay na?" Wika pa nito na tila nang aasar pa.
"Yung ...Yung Paghalik mo sa akin"
Nauutal na tanong ko.
"Syempre ginawa ko yon para tigilan na nila ako, Saka wag mo sabihin na lugi ka pa, Aba Ikaw ang First Kiss ko napaka swerte mo naman!" Anya pa nito na tila nagsusungit pa.
"Hmm...So Pareho lang Tayo Amari, Ikaw ..ikaw ang numakaw ng First kiss ko." Saad ko dito.
"Totoo? Hahahaha...Kaya pala, Nanghihinayang ka ba dahil ako ang nakakuha ng First kiss mo? E di sana d mo nalang ako nilapitan."
"Hahaha, bat ikaw pa ang galit, e ako na nga yung Ninakawan mo ng halik? Saka ginawa ko yon dahil Kapatid ka ni Avani,
paano kung may nangyari sayo ha?"
"Hmm.. concerned ka lang kunwari pero alam ko na dahil kay Avani lang yon no, Alam mo tara na, ihatid mo na lang ako." Anya nya kaya tinawagan ko na lamang si Kairav at sinabi ko na mauuna na muna ako dahil ihahatid ko na si Amari.