CHAPTER 3 "BANDERAS TWINS"

1983 Words
AMARI Habang nasa sasakyan ako ni Midnight ay hindi ko maiwasang hindi sya tingnan. Ngayon ko lang ulit sya natitigan ng malapitan, Bukod sa Matangkad, medyo maputi nagmana sa Kutis ni Tita Sheng, pero medyo maputi din naman si Tito Keegan, Ang kanyang mga mata ay namumungay bagay sa kanya ang kanyang pilikmata, Ang matangos nyang ilong at mamula mula nyang labi. "Baka matunaw ako kakatitig mo Amari." Biglang tanong ni Midnight. Inilipat ko naman ang aking tingin dahil napansin nya pala na tinititigan ko sya. "Hmm.. Napatingin lang, E pag si Avani nga eh Di ka naiinis." Anya ko naman dito. Bahagya syang natawa saka tumingin sa akin. "Bat nasali naman si Avani sa usapan? Saka Close kami ni Avani alam mo yan." Sagot nito. "Ano pa nga ba alam ko naman yon Midnight." Anya ko sa kanya saka ko nilipat ang tingin sa labas ng Bintana. Kita ko na unti unting umuulan. Sabayan pa ng napakalamig na aircon sa loob ng sasakyan ni Midnight, nakaramdam ako ng lamig dahil sa suot ko, naka Skirt kasi ako at naka sleeveless na Croptop. Napahalukipkip na lamang ako. "Giniginaw? May Jacket dyan sa likod ng Car. " Sabi nya saka patuloy na tinuon ang tingin sa kalsada. Titiisin ko na lamang talaga dapat ang ginaw pero mukang di ko kakayanin kaya no choice kundi kunin ang Jacket ni Midnight sa likod ng upuan. Agad ko itong sinuot, mabuti na lamang at medyo mahaba ito sa akin kaya medyo natatakpan ang aking mga hita. "Sa susunod na pumunta ka sa Party, Wag ka magsusuot ng Sobrang Iksi, Takaw sa Mata, Kaya siguro ayaw ka tantanan ng mga kalalakihan kanina." Sabi nya sa akin. "So kasalanan ko na naman, malamang party ang pupuntahan ko kaya ganito ang Get Up ko, anong gusto mong isuot ko Jogging Pants? Or baro't Saya?" Tanong ko pa sa kanya at napansin kong napangisi sya saka napailing. "Hay naku Amari, ikaw talaga, Ayoko na mag suggest, alam ko naman na di mo rin tatangapin ang suhestion ko." Wika nito saka tumingin sa akin ngunit saglit din lamang. Ilang minuto lamang ay Nakarating kami sa Condo namin, Ibinaba nya na ako sa drop off ng condo namin saka naman sya umalis patungo sa parking ng Condo nya, di ko na muna ibinalik ang Suot kong jacket dahil lalabhan ko muna ito. Pagpasok ko ay wala pa pala Si Ate Avani,Kambal kami ngunit lamang lang sya ng ilang minuto, pero ganon paman minsan at ate ang tawag ko aa kanya. Magkaiba rin kasi kami ng Trip sa Buhay, Ang sabi nila ang Hilig ko sa mga Party ay nakuha at namana ko daw kay Mommy, Party Goer daw kasi si Mommy Noong Araw. At Pagkahilig naman ni Ate Avani sa drag racing ay nakuha nya naman kay Daddy, Dahil Hobby din daw ni Daddy noon ang pagkakarera, Medyo nabawasan lang daw ito noong. Napaupo sa pwesto bilang congressman kaya pag may oras na libre na lamang daw ito nakakapag karera. Napahinga na naman ako ng malalim, Mamaya pa siguro uuwi yon, Anya ko sa isip. Naglinis ako ng aking katawan at nagbihis ng pamalit, saka ako dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Habang patungo ako para magbukas ng Ref ay napatingin ako sa Tapat na Condo, walang iba kundi sa Unit ni Midnight, Nagulat din ako nang magtungo din ito sa kusina para uminom din ng tubig, halos nakaramdam naman lalo ako ng Uhaw ng Makita syang naka Pajama ngunit walang damit pang itaas. Napatingin lamang ako sa gawi nya, Hi di ko napansin na parang nakatingin din pala sya sa gawi ko. Nahuli nya akong nakamasid kaya nag Kunwari akong nag inat saka dali daling umalis. Baka mamaya ay pag isipan nya akong pinagpapantasyahan sya, kahit medyo totoo naman. Nag tungo na lamang ako sa aking kwarto, May Susi naman si Ate Avani, pumasok na lang sya. Nahiga na lamang ako sa aking kwarto saka hinawakan ang aking Labi, Labi na dumapo sa labi ni Midnight kanina. Si Midnight ang first kiss ko, kaya pala halos matulala sya kanina ng halikan ko sya. Natawa na lamang ako saka napatalukbong sa kumot. Samantala AVANI Dahil wala namang pasok, nag desisyon akong pumunta sa isang event, Na miss ko ang racing pero dahil wala pa ang sasakyan ko ay sasaby lang ako sa kaibigan kong si Sheena at Sa nobyo nitong si Harold. Hindi pa kasi binibigay ni Dad ang aking sasakyan. Napagalitan kasi kami ni Mom and Dad dahil minaneho ito ni Amari at di s8nasadyang naibangga nya, kaya pinaayos ito ni Dad at pansamantala muna kaming walang sasakyan, pagbibigay leksyon na rin daw sa amin. Dahil nga Friday night ay magkaiba kami ng ganap ni Amari. May sarili syang gala, mahilig kasi sa Party ang isang iyon, Samantalang ako naman ay mas gusto ko pumunta at dumalo sa mga racing event. Kaya ngayon ay narito ako sa may BGC dahil may car show dito. Kung makikita nyo kami ni Amari ay super identical twins kaming dalawa, per9 ang magkaiba sa amin ay ang aming pananamit, hilig ni Amari mag suot ng mga Sexy outfit, Napaka fashionista nya rin, Samantalang ako naman ay kabaligtaran. I prefer wearing slightly loose clothes because they are more comfortable for me. Even though my mom buys me sexy dresses, Amari is the one who wears them because I don't really like sexy outfits. I wear them sometimes, but only rarely or when I have to. Ngayon ay narito ako sa isang event, marami ring mga dumalo. Dahil malawak din ang paligid at occupied ang bakanteng kAlsada doin din gagawain ang race. Lumapit ako sa bandang unahan. May nakasalang na dalawang magkakarera. Napatingin ako sa isang Kasali ngunit di ko pa maaninang ng masyado ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito. Ang Dami nyang supporter at tila matagal na syang sumasali sa mga gantong event. Hangang sa pinanood namin ang game nila. At talagang magaling ang nasabing Lalaking may gamit na Maserati MC20. Hangang sa makailang balik sila ay sya ang nanalo. Lumabas ang lalaki sa sasakyan. Doon ko nakita ang kanyang Mukha ng makinaw, Matangkad, Gwapo, maganda ang pangangatawan sa tingin ki ay Matanda ito sa akin ng ilang taon. Binati sya ng mga naroroon at binabati nya rin ang mga ito at Kunakamayan pa. "Congrats Xylas, Ayos ah, wala makatalo sayo, ikaw parin ang Kampeon." "Hehe, Sakto lang pare, tsamba lang ukite hehe." "Sus, ikaw talaga napaka humble hehe pero congrats." "Salamat Pre." Sagot nito sa lalaki hindi ko namalayan na dumaan na pala sya sa harap ko. Maya maya ay Isang Babae ang naghamon ng Karera. Maganda ito at pansin ko na malapit ito sa lalaki kanina, nakita ko pa na nakapag beso sya rito at talagang dinidikit nya pa ang katawan nya pero napansin ko na parang lumalayo dito ang lalaki, eto lamang talaga ang dumidikit. Maya maya ay pumunta ito sa Harapan Saka sinabi na Naghahanap sya ng Kalaban sa Karera. Tahimik lamang akong umiinom ng Tea na inorder namin kanina. "Ano? Gusto ko ng Kalaban, Sino may gusto na kalabanin ako? Dali, para kami ni Xylas ang parehong Winner hehe." Anya pa nito. Nagsigawan naman ang mga naroroon at niloloko si Xylas. "Grabe Boss Xy, patay na patay sayo si Jenna ah haha mukang trip na trip ka kanina pa haha." Biro ng mga kasama nya, kaya napailing at natawa na lamang sya. "Ano wala ba? Wala bang maglalakas ng loob dyan na kalabanin ako haha?" Wika oa nito. Patuloy lamang ako sa Pagsipsip hangang sa Nakarinig kami na may nagsalita at Napatingin ako ng marinig na boses iyon ni Sheena. "MERON.....Si AVANI." Napahinto ako sa pag inom ng Milk Tea, dahil nakatingin sila lahat sa akin dahil ako ang tinuro ni Sheena. Napatingin naman ako sa gawi ng lalaki na nakatingin din pala sa akin. Inaabangan nila ang isasagot ko, "Ha..ha Eh ..Baka Hindi, Wala akong sariling sasakyan next time nalang, Wika ko saka Patay malisya na ininom muli ang Milk Tea. Nagulat ako ng Magsalita ang lalaki na nasa harapan ko na pala. "You can use my car Baby." Wika nito saka inabot ang susi sa akin, Nakatingin sila lahat at inaabangan ang isasagot ko. Napatingin ako sa babae na tila Tinititigan ako mula ulo hangang Paa. "Ano? Ayaw pa agad, Lumaban na kung lalaban, hehe patatagalin pa tapos ending matatalo rin pala hahaha. Sagot pa nito. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng babaeng haliparot na ito, parang minamaliit ako, Kaya walang Kaabog abog na Kinuha ko ang Susi na iniaabot ng lalaki sa akin kanina. "Okay Sir, Pahiram muna ng Oto Mo." Wika ko saka inabot ang susi at Pumunta sa unahan. Nagsigawan naman ang mga naroroon. Pati si Sheena ay rinig ko ang boses. Nagsuot din ako ng Gear para safe. Bago ako pumasok sa sasakyan ay nilapitan ako ng Lalaki na nagpahiram ng Oto. "Goodluck Baby, Galingan mo." Wika nito pero ewan bat parang kinikilabutan ako sa pagtawag nya ng Baby? Grabe naman maka baby tong si Kuya. Sumakay na ako at handa na sa laban, nagdasal muna ako saglit hangang sa hinintay ang hudyat. At nang marinig ko ang tanda ay mabilis ngunit maingat kong pinaandar ang Sasakyan. Masarap gamitin ang Oto ni Kuya Baby, Nag eenjoy ako sa pagmamaneho at doon lang sumagi sa isip ko na may kalaban pala ako. Nakita ki na malapit na sya kaya focus ulit sa pag da drive. Hindi ya ako maunahan hangang sa huling turn namin ay nanatili sya sa Hulihan ko hangang sa sumapit ako za Finished Line. Pagbaba ko ay Sinalubong ako ni Sheena at Harold maging ng lalaki na may ari mg Oto. "Yeyy, congrats Beshy, hahaa ano kumain tuloy ng alikabok si Ate girl hahah." Anya ni Sheena kaya nagtawanan kami "Congrats Baby, You did it." Bati nito kaya napatingin aki sa kanya. "Salamat sa Oto mo Kuya." Wika ki dito saka diniin ang huling salita. "Haha, Grabe ka sakin, sobrang muka na ba akong matanda? Tanong nya. Hindi naman sya mukang matanda ramdam ko lamang iyon. Dumating na ang Babaeng humamon sa akin na si Jenna at masama ang tingin nito lalo na ng makita na kinakausao ako ni Xylas. "Hmm..Naka Tyamba ka lang Girl, hindi ito ang huli," wika nito saka ako inirapan at tuluyang umalis. Bago pa kami umuwi ay formal na nagpakilala sa akin ang Lalaki. "By the way I'm Xylas Leviste nga pala, ikaw? May I know your name?" Tanong nito sa akin. "Avani, Avani Banderas." Sagot ko rito Hindi na rin kami nag usap ng matagal at Nagpaalam na rin kami nila Sheena dahil late na, baka nasa bahay na si Amari. Masaya ako na nakapag race ulit ako, kaso pag nabalitaan ni Mama alam ko na mapapagalitan na naman ako, gusto nya kasi ay wag ako mag race at delikado. Pero Si Daddy ay payag at suportado ako, pero ang bilin din nya sa akin ay mag iingat ako palagi. Nakakatuwa lang isipin na Suportado kami ng aming mga magulang, pero di naman kami Pinalaki na spoiled, ewan lang kay Amari, kabaligtaran ko kasi talaga ang isang iyon, pati sa kalokohan, pero kahit na maldita ang kakambal ko ay napakalambing nya rin. Ang sabi ng Daddy ay parang si Amari daw si Mommy Noon. Napaka maldita daw nito, hindi nya rin daw naisip na mapapaamo nya ang Mommy. Dahil parang Dragon at napaka Taklesa daw nito noon. Ang sabi ni Daddy ay na Love at first fight daw sya kay Mommy, kaya ang kanilang pag Babardagulan ay nauwi sa Pagmamahalan. At kita ko naman kung gaano nila kamahal ang Isa't isa. Dahil hangang ngayon ay sobrang Sweet at maalaga parin sila, dahil ang katwiran ni Mommy sa bandang huli ay Mag aasawa kami at Bubuo ng sariling Pamilya at sa bandang huli ay maiiwan silang dalawa kaya Hangang ngayon ay para parin silang dalaga at binatang nagliligawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD