"Come in," seryosong sabi niya nang makarinig ng mga katok. Nang bumukas ang pintuan at pumasok si Roxanne. Kagaya pa rin ito ng dati at wala naman nagbago sa itsura nito. "Hi, Madisson. Long time no see." Nakangiting sabi nito sa kan'ya. "What brought you here?" seryosong sabi niya rito. Kita niyang mabilis naman itong nagtaas ng isang kilay pagkatapos ay iniikot ang mga mata nito sa buong paligid. "Nice interior design," pagkuwan ay sabi nito. "Just tell me what you really need. I still have a lot of appointments to attend," may halos inis na sabi niya. "Condolences pala sa pagkawala ni Tita Marga," seryosong sabi nito. "You are six months late, iyon lang ba ang ipinunta mo rito?" Ilang sandali pa ay umupo ito sa may harapan niyang upuan. "Hindi mo man lamang ba ako aalukin ng k

