Mabilis naman siyang napangisi dahil sa sinabi nito. "You are impossible Elliot, I don't need your help anymore." At mabilis niya itong nilampasan pero mabilis din siya nitong sinundan papunta sa may parking lot. "Madisson, are you still mad at me?" seryosong tanong nito. "What if I am? Anong gagawin mo?" hamon niya rito. "Then, I will do everything para mapatawad mo lang ako. I'll do whatever you want me to do," seryosong sabi nito. "Lumang tugtugin na iyan, Elliot. Hindi ako kasing babaw mo na iisiping gumanti kagaya ng ginawa mo sa akin noon. What was done is done. Nakaya mo ngang hindi magparamdam sa akin ng ilang buwan. I am sure makakaya mo pa sa mga susunod na araw. I don't want to see you again, I hope this will be the very last time na magkukrus ang landas nating dalawa." At m

