Mabilis siyang nagpunta sa may lamesa para kumain kaya mabilis din siyang sinundan ni Elliot. Lihim siyang napalingon dito nang hiniwa nito ang niluto nitong steak. "You can get if you want." Ngiting sabi nito. "No thanks. I am fine with my egg." At inis na sumubo na siya. Dinig naman niyang sumubo ito at ngumuya pa ng malakas. "Hmmm, so good." Mabilis naman na napataas ang isang kilay niya at napatingin dito. "Can we eat peacefully?!" sita nita rito. "Why? I am just enjoying my steak," parang walang muwang na sabi nito kaya napailing na lamang siya at binilisan ang pagkain dahil baka magising na rin si Mavie. "Hey, Madisson." Nang lumingon siya rito ay mabilis siya nitong sinubuan ng steak. Nanlaki naman ang mga mata niya habang ito ay napapangiti. "Is it good?" Inis na nginu

