Mabilis naman na napangisi sa kan'ya ang lalaking kasama nito. "Are you having a dream, Bro? Si Madisson girlfriend mo?" nakangising sabi nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang napatingin kay Madisson para humingi ng sagot. "Madisson, please sabihin mo nga sa kanila kung sino ako sa buhay mo," pagmamakaawang sabi niya rito. Pero nakatitig lang ito sa kan'ya at tila walang balak na magsalita. "Madisson--" "Umalis ka na," sa halip ay matigas na sabi nito. "Pero Madisson, hindi mo na ba ako mahal?" seryosong tanong niya. Maging siya ay hindi naman sigurado na mahal siya nito dahil kahit kailangan ay hindi naman nila iyon napag-usapan. "Bro, are you kidding us? O baka hindi ka pa gising. Wake up from your dream, Bro! Hindi ka magugustuhan ni Madi!" inis na sabi ng lalaki sa kan'ya. "

