"Where are you going, Mom?" tanong niya sa Mommy niya na nakapostura at may bitbit na isang maleta ang isang kasambahay nila. Sabado ngayon at buong akala niya ay makakasama man lamang niya ang ina kahit dito lang sa loob ng bahay. "I have a business conference to attend. Si yaya na muna bahala sa iyo. And Froi is also there kung meron ka man gustong puntahan." Habilin nito sa kan'ya habang may kinakalkal ito sa may loob ng bag nito. "I don't have classes, what if sumama na lamang ako sa iyo?" seryosong sabi niya rito. Napaangat naman ng tingin ang mommy niya sabay taas ng isang kilay nito. "Huwag na, you will get bored there. Dito ka na lang." "Eh kahit dito naman bored pa rin ako," inis na sabi niya. "Madisson! Sumunod ka na lang," matigas na sabi nito. "Ano pa nga ba? Of cours

