"What are you doing here?" takang tanong ni Elliot sa kan'ya nang akmang hihiga siya sa may kama. "I am gonna sleep," habang nakakunot ang noo na saad niya. "You can sleep, but not here. Not with me. Maraming bakanteng guest room. Bahala ka ng mamili ng gusto mo." At mabilis na itong pumasok ng banyo. Siya naman ay natulala lang pagkatapos ay pekeng ngumiti. Kailan ba matatapos lahat ng ito? Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Sa halip na sa mga guest room ay mas pinili niyang matulog na lamang sa may sofa, baka sakaling kapag nakita siya ni Elliot ay maawa ito sa kan'ya. Dahil sa dami ng nangyari ay mabilis siyang nakatulog. Nagising na lamang siya sa tunog ng mga plato at kaldero sa may kusina. Nang tumayo siya ay kita niya si Elliot na tapos nang magluto at naglalagay ng

