“`AYAN ka na naman, Belinda. Come on, guys! `Wag niyong sabihin na magiging KJ din kayo like Belinda? Ang boring dito. Try naman natin itong board!” pamimilit pa ni Mariz. Inayos nito ang ouija board na nasa gitna namin. “So, who’s in?” “I’m in!” Magkasabay na sabi nina Rex at Marco. Mga lalaki nga naman… “Ako rin! I love ghost excounters! This is exciting!” excited pang sabi ni Leslie while touching the creepy board. Nagkatinginan kami ni Tanya. Alam kong hindi sasali si Tanya sa ganitong laro. “Okay… Sali ako.” Nagulat ako sa sinabi ni Tanya. “Tama si Leslie. Exciting ito… I guess,” tila hindi siguradong dugtong pa nito. Nakatingin silang lahat sa akin. They are waiting for my answer. Mukhang wala na naman akong magagawa. “Sige na nga!” napipilitang sabi ko. “Pero hindi nito mab

