CHAPTER 03

1284 Words

NATATARANTANG pumasok si Assandra sa loob ng kubo at isinara ang pinto. Palakad-lakad siya sa loob habang kinukuyumos ang laylayan ng kanyang suot na damit. Nang mapagod ay umupo siya sa papag. Tumayo siyang muli at bahagyang binuksan ang bintana na nakaharap sa may dagat at sumilip. Nakita niya ang apat na tao na bumababa na ng bangka. Nangangamba siya na may ibang tao na narito sa isla kung saan maraming taon na sila lang ni Luis ang narito. Isa pa, binalaan na siya ni Luis noon tungkol sa mga tao. Karamihan daw sa mga ito ay masama at tuso kaya hindi siya nito isinasama sa bayan. Pinoprotektahan daw siya nito sa mga taong ganoon. Natatakot siya na baka masasama ang mga taong narito ngayon sa isla. “Tao po! Tao po!” Napapitlag si Assandra nang may biglang magsalita sa labas na sinamah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD