Visible
Chapter 22
“Sarang!!!”
Napaatras pa ako nang paglabas ko ng classroom ay ang masayang mukha na yun ni Jungkook ang nakita ko.
“A-anong ginagawa mo dito?!” ang naisigaw ko sa sobrang shock.
“Hinihintay ka!”
“A-at b-bakit mo ba ako hinihintay ha?”
“Kasi gusto kitang makita!”
Umaga pala nun at katatapos lang ng first subject ko sa umaga.
“P-pero kanina pa kita tinatawagan…bakit out of coverage ang laging sagot ng phone ko?” he pout.
“Pinatay ko ang phone ko dahil bawal ang maingay during class” ang sabi ko.
Totoo yun.
At ang isa pa ay sinadya ko talaga yun dahil alam kong tatawag na naman sya during class hours. Ang kulit-kulit nya pa namang tumawag. Hindi ka titigilan hangga’t sa hindi mo sinasagot.
“Ahh…pero teka, saan na yung hairpin mo na ibinigay ko sa’yo?” ang tanong nya pa.
Tama.
Saan ko nga ba yun nailagay?
Hindi naman kasi ako sanay sa ganung bagay kaya nakakalimutan ko kung saan ko sila inilalagay.
“A-ah…e-eh…”
“Nawala mo?” ang tanong nya at parang ang lungkot nya. “First gift ko yun sayo sarang pero…”
Hindi na nya ipinagpatuloy ang sasabihin at parang na-hurt talaga sya na hindi ko suot yun. At parang…pinipiga ang puso ko ngayong nakita ko syang nalungkot ng ganito.
Agad naman syang nagtaas ng mukha at ngumiti.
“Okay lang yun” then he pats my head. “Alam ko namang hindi ka sanay magsuot ng ganun kaya nawala mo”
Guilt.
Yun ang naramdaman ko.
Magsasalita na sana ako nang….
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Teka…ano yun?
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
At bakit parang naririnig ko ang pangalan ko?
*Saranghae Snow! Saranghae Snow!*
Pero…
“Hello?” ang agad na sagot ni Jungkook sa cellphone nya.
Okay.
Ringtone pala yun ng cellphone ni Jungkook.
Pero teka…
Anong meaning ng saranghae Snow?At bakit parang kinakabahan ako sa meaning nun?
“WHAT?!” ang parang galit nyang sigaw.”At ba’t ko naman---”
Pero parang namatay ang cellphone nya.
“Hello?!” ang galit nyang sigaw.” Hello?!”
Pero parang wala ng sumasagot.
Napahinga sya ng malalim at nahawakan ang noo nya.
Nagtaka naman ako.
“Anong problema?” ang tanong ko.
Nagtaas sya ng mukha at parang problemado sya.
“Dumating na si Cass sa Pilipinas…” he said habang nakatingin sa akin. “At gusto nilang ako ang sumundo sa kanya sa airport para ipakita sa media yun…”
Pain.
I felt pain in my chest.
At hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan na malamang kailangan nyang pumunta sa ibang babae.
“S-si Cass…” I whispered.
Napatingin naman sya sa akin.
Pero nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “N-naging…girlfriend mo ba sya?”
Napatitig naman sya sa akin na parang nabigla sa tanong ko.
Samantalang nanatili akong nakatingin sa ibang direksyon.
But then…
“Never” he said. “Ni hindi ko nga kilala yun personally eh. Nasa kabilang agency sila at ang mga fans lang ang gumawa-gawa ng kwento na nagdi-date kami kaya ang ginawa nalang ng mga agencies namin ay sakyan ang chismis na yun para dagdag popularity sa both groups”
Hindi ko alam pero…
Parang may isang malaking tinik na nabunot sa akin nang dahil sa sinabi nya.
All this time…
Nag-aalala ako sa bagay na yun…
Pero ngayon…alam ko ng wala akong dapat na ikabahala.
Pero natigil ako sa pag-iisip ko nang makita ko ang nakakalokong ngiti na yun sa mukha nya.
“Teka sarang…” he said while grinning. “Nagseselos ka ba?”
Instantly, naramdaman ko ang pagragasa ng dugo sa mukha ko.
“B-Bakit…b-bakit naman ako magseselos?” saka ako tumingin sa ibang direksyon.
“Ayyyyeeee….nagseselos ang sarang ko! Mahal nya talaga ako! Ayyyeeeee!!!” ang kinikilig nyang tudyo sa akin.
Namumula naman akong napayuko. “H-hindi ah! H-hindi ako nagseselos!”
“Pero sarang…” natigilan ako nang biglang nag-seryoso ang boses nya at ngayon ay nakatingin sya sa akin.
Napataas naman ako ng mukha at doon ay nagtitigan kami.
“Hindi mo parin ba kayang sabihin na mahal mo rin ako?” ang tanong nya and there is hope into his voice.
Natigilan ako.
Oo nga…
P-pero…
Paano ba…?
Paano ko nga ba….
Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na mahal ko sya?
All my life…ngayon ko lang naramdaman ‘to kaya…
Kaya…
Hindi ko alam kung paano sasabihin ‘to sa isang tao.
Pero natigil ang sasabihin ko nang bigla nyang guluhin ang buhok ko.
He smiled. “Okay lang yun sarang…I understand. But still, I’m hoping that one day, marinig ko rin mula sa’yo na mahal mo rin ako…”
Napatingin ako sa kanya.
At hindi ko alam pero kahit na nakangiti ang mukha nya…
…ay malungkot naman ang mga mata nya….
“Sige na” ang sabi nya. “Kailangan ko ng pumunta sa airport para sunduin ang babaing hindi ko kilala na kailangan kong maging girlfriend sa harapan ng maraming tao”
At parang hindi talaga sya pabor sa gagawin nyang iyon.
At hindi ko rin alam kung bakit sumasakit ang dibdib ko ngayong ibang babae ang ipapakilala nyang girlfriend sa ibang tao.
Pero alam ko naman na para rin sa kanya ito.
Para sa career nya ito.
“Sarang….” He called me again kaya napatingin ako sa kanya. “Is it really okay with you na ibang babae ang ipakilala kong girlfriend ko?”
Hindi.
Hindi okay sa akin yun.
Dahil masakit marinig sa lalaking mahal mo na iba ang ipapakilala nyang girlfriend nya.
Pero…
I smiled. “O-okay lang sa akin yun. Mag-iingat ka sa pagsundo mo sa kanya ha?”
Napatitig naman sya sa akin.
Pero agad akong nag-iwas ng tingin.
Then he smiled.
“Okay! Sya, aalis na ako. Bye sarang!” saka sya tumalikod at naglakad paalis.
Samantalang nanatili lang akong nakatayo doon.
Pero agad din syang lumingon.
“Sarang….” Ang tawag nya kaya napataas ako ng mukha. “Kahit anong mangyari, kahit anong makita mo…just…trust me okay?”
Ano bang…ibig sabihin nya doon?
Pero tumango nalang ako.
“And always remember…” he smiled. “…that I love you…”
Yun lang saka sya tumalikod at tuluyang umalis.
I love you too.
Gusto ko sanang isagot yun sa kanya.
Pero…paano ba?
**********************
After nyang makaalis ay dumiretso na ako sa next na class ko.
Pero…
“KKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAHHHH!!! OH EM!!! NAKAKAKILIG!!!” ang tilian na nadatnan ko sa loob ng classroom habang nakatutok sila sa flatscreen TV na nasa loob ng classroom.
Oo, may mga TV kasi sa bawat room ng school na ‘to.
Gusto ko sanang tignan kung ano ang pinapanuod nila pero…
“Snow…” ang pigil ni Angel sa akin at hinawakan nya pa ako sa braso ko at ngumiti ng alanganin. “Wag ka nalang kaya manuod?”
Pero tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at pumunta sa harapan para mas makita kung ano ang pinapanuod nila.
At doon…
Nakita kong…
Kinukunan si Jungkook habang may hawak syang bouquet at papalapit sya sa isang magandang babae na noon ay may mga dalang maleta. At sa tingin ko sa loob ng airport yun.
“ANG GANDA-GANDA NI CASS NOH?! BAGAY NA BAGAY SILA NI KOOOOKKKIIIIEEEE!!!” ang tili pa ng isang classmate ko.
At…
Mas lumakas ang tilian nang…
Ipakita sa tv na sinalubong ng yakap ni Jungkook ang babaing yun.
Pain.
Yun ang naramdaman ko nung mga oras na yun.
Masakit pala.
Masakit palang makitang may kayakap na iba ang lalaking mahal mo…
Napatingin ako sa naka-close up na ngiti ni Jungkook habang kausap ang babaing yun.
At parang…mas lalong humapdi ang dibdib ko.
Lalo nang makita kong inakbayan nya ang babaing yun at sweet na sweet silang humarap sa camera.
“So sa pagsundo mo palang kay Cass ay ipinakita nyo talaga na hindi totoo ang chismis na may ibang babae kang idini-date sa school nyo Mr. Jeon?” ang tanong ng isang reporter sa kanya.
And what he said next broke my heart into little pieces.
“Hindi po totoong may idini-date akong schoolmate ko. Si Cass lang po ang nag-iisang girlfriend ko and that rumor is only made by those haters. Kaya wala po kayong dapat na ikabahala” he announced in front of the camera.
Hindi ko alam pero parang humapdi ang sulok ng mga mata ko sa sinabi nyang iyon.
I know that this is all for show.
Pero bakit masakit parin?
Bakit parang sumasakit ngayon ang dibdib ko?
Nagsalita naman si Cass. “At kahit na magkalayo na kami ni Jungky Oppa ay may communication parin kami. So hindi po totoo ang napapabalitang hiwalay na kami. Our relationship is still going stronger”
Agad na akong tumalikod at naglakad palabas ng classroom.
“Snow…” ang tawag sa akin ni Angel pero hindi ko sya nilingon.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Hindi ko na kakayanin pang makita ni ilang segundo ang palabas na yun dahil para akong sinasaksak sa sobrang sakit.
Hanggang sa nakarating ako sa isang bakanteng music room saka ako nagkulong at napaupo sa isang upuan.
Alam kong sinabi kong okay lang.
Okay lang na i-deny nya ako.
Okay lang na ibang babae ang ipakilalang girlfriend nya.
Okay lang na sumama sya sa iba.
Pero…
Pero…
Bakit tumutulo ang mga luhang ito?
“Snow?” ang biglang sulpot ng boses na yun.
Napalingon naman ako at natigilan nang makilala ang lalaking nakatayo sa may pinto ng music room.
Si V or Taehyung.
Mukhang nabigla din sya nang makita akong umiiyak.
Agad ko namang pinunasan ang mga luhang iyon at napayuko.
“Well…napanuod mo na siguro ang coverage ng pagdating ni Cass. I’m sorry Jungkook has to do that” he said in a sincere tone.
“I-it’s okay…” I whispered.
Narinig kong huminga sya ng malalim.
Then I saw him smile and asked. “Gusto mo ilibre kita ng halo-halo?”
to be continued...