-- Maxtrico
Kanina pa ako irtang irita sa mga kinikilos ni Craze. Simula nung pag-uwi ko galing sa isla with Hannah ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang ngumiti at itinataas baba ang kanyang kilay. Alam ko namang inaasar lang ako ng g*gong yan.
"Ano? Ano nangyari sa inyo sa isla? Bilis kwento mo na kasi!" Paninigaw ni Craze sa akin.
Nasa office ako currently dito sa company building. Hapon na rin at wala ng mga pending meetings kaya more on paperworks na ako right now.
"Pwede ba, bakit ko naman i k-kwento sayo? Sino ka ba?"
Dahil sa tanong ko na iyon ay agad siyang napatakbo sa gilid at nagmukmok habang bumubulong ng kung ano-ano na hindi ko maintindihan. Sinusumpa na ba ako nito? Parang bata talaga umasta e.
"Ayoko i kwento kasi baka ma jinx," sambit ko dahilan para sa akin na naman siya mapatingin.
"Saan mo natutunan yan, ha!?" Tugon niya sa aking sinabi.
"Edi sayo, hindi ba't yun naman palagi mong sinasabi noong ang dami mong chix." Bigla na namang nagmumok ang bruho.
"Mali ang pagpapalaki ko sayo, dapat pala si Cus na lang ang nag-alaga sayo."
"Hoy! Hindi ko kayo mga magulang, mga kaibigan ko kayo!" Binigyan lang ako ng malungkot na mukha ni Craze at umiiyak sa gilid. Nag memenpause ba to at ganito mood nito? Parang babae naman to!
Tumayo ako sa aking kinauupuan at saktong pagtayo ko ay saka naman bumukas ang pintuan. Iniluwal doon ang isang lalaki na hingal na hingal. Gumuhit ng malaking ngiti ang aking mga labi nang masilayan siyang muli.
"Cus!" Sabay na sigaw naming dalawa ni Craze.
Agad na napatayo si Craze at niyakap ng mahigpit si Cus. In just one snap parang bumalik kaagad si Craze sa dating anyo niya.
Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa at yumakap din kay Cus at agad na humiwalay sa pagkakayakap.
"Si Maam Hannah? Sobra akong natutuwa ng malaman kong bumalik na siya! How about her memories? Bumalik na ba ang lahat ng mga ala-ala niyong dalawa?" Malaki ang mga ngiti ni Cus ang itanong niya sa akin ang mga iyon. I just smile lightly.
"No, hindi pa rin niya maalala. Well me, naalala ko ang iilan but not how we started. I want all of that to comeback."
Unti-unti namang lumiliit ang ngiti ni Cus. Naiintindihan ko iyon dahil hindi lang naman ako ang nagnanais na bumalik ang ala-ala kundi lahat kami even my former leaders ko. Now, may mga kanya-kanya na rin silang ginagawa sa buhay.
"I see, well we don't have a choice kundi antayin ang mga araw na iyon," mahina at mahinahon na tugon ni Cus. Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi bilang pagsang-ayon. "Anyway, naandito ako because there is something I want to tell you."
"Masyado bang importante? Hingal na hingal ka masyado kanina pagpasok mo e," sambit naman ni Cus at agad na nag krus ng braso.
"Oh, pasensya na. Kanina ko lang din kasi nalaman. Sinabihan ako ni Valley through call and he wants me to tell this to you right away, Boss."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "What is it?" Tanong ko kay Cus.
"Saph Enigma is running again. Sa dalawang taon na iyon ay agad na lumaki ang kanilang organisasyon at mas naging malakas pa. Akala ko nawala na sila dahil tuluyang nabagsak na ang grupo nila," sagot ni Cus. Ramdam ko ang panginginig niya sa galit.
Sa tuwing naririnig ko ang pangalan na iyan ay nangangati palagi ang aking kamay na manakit. However, I need to maintain the peace that I have right now, for our future ni Hannah. Ayoko na siyang ma involve sa kahit anong gulo. I don't want to have a family with her na puro gulo ang nakapaligid sa amin.
"Hindi mabubuwag yan hangga't buhay pa ang pinaka pinuno ng Saph Enigma. Alam natin yan na nakatakas pa ang pinaka pinuno at ang mahirap dito, hindi pa natin nakikilala kung sino siya," seryoso kong sabi.
"Anong plano mo? Balak mo bang ibalik ang grupo?" Tanong ni Craze sa akin made me look at him.
"No. Sinabi ko na sayo na I don't want a fight. I want to live in peace with Hannah," mabilis kong tugon.
"But Max--" I cut Craze off by giving him a stare. "I understand," dagdag pa niya.
Tinalikuran ko na silang dalawa matapos kong sagutin si Craze. Ngunit, bago pa man ako makabalik sa aking desk ay nagsalita na kaagad si Cus.
"Hangga't buhay pa ang Saph Enigma hindi imposible na guguluhin nila muli ang buhay niyo. Na muling magiging delikado ang buhay niyo, natin, at ni Maam Hannah," sambit ni Cus.
I know that however I already made a deal with Queen Correalli, if ever may nangyari ang gusto niyang kumilos ay ang mga tauhan niya lamang. Hangga't maaari ay gusto niya na wala pa ring alam si Hannah about our world in the past.
"My answer is still a no, Cus. Walang grupong babalik," mariin kong sabi at saka umupo na sa upuan nang bigla na lamang may tumawag.
Tinignan ko kung sino man ang tumawag. Nakita ko ang pangalan ni Hannah kaya agad ko ring sinagot.
"Hannah? Hi? What's up, may nangyari ba?" Malambing kong tanong matapos kong itapat ang phone sa aking tenga.
"T-this is Vico, Hannah is in danger."
Kaagad akong napatayo sa aking narinig. "Anong ibig mong sabihin? Nasaan si Hannah? Anong nangyari? Paanong in danger si Hannah? Nasaan ang asawa ko!? Bakit nasa iyo ang phone niya!?" Malakas kong sigaw. Nanggagaliti ako sa galit nang marinig ang pinagsasabi ni Vico.
"Kasama ko lang siya kanina nang bigla siyang hinablot ng mga lalaki. H-hindi ko alam kung saan nila dadalhin si Hannah. Man--" pinutol ko ang pagsasalita niya nang sinigawan ko siya.
"You're fvcking stup!d, kasama mo na siya pero hindi mo man lang magawang protektahan si Hannah? At bakit mo naman siya kasama!?" Sigaw kong muli.
"I'll explain later, tinawagan ko na rin si Tita Ali," sagot niya.
Fvck.
"Tell me where you are. Right now."
Tinignan ko sina Craze at Cus. Agad naman nilang naitindihan ang tingin na binigay ko sa kanila.
Bwis*t ka Vico. Kasama mo na, inuna mo pang magpautal-utal sa takot!