-- Hannah
I can sense that my eyes were shaking at unti-unti tumutulo ang aking mga mata, bakitt ako naluluha? What's going on?
Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at yumuko. Mabuti na lamang at hindi nakita ni Max iyon dahil nakayakap pa rin siya sa akin.
Unti-unti na siyang humiwalay sa pagkayakap at tinignan ako. Ngumiti lang ako sa kanya. "Si oa naman, ayos lang ako. Nahilo lang ako sa pagod and huwag kang mag-aalala, kaya ko pa naman mag stay rito at maglakad lakad!" Masayang sambit ko.
Kahit pa na sinabi ko ang mga salitang iyon ay parang walang tiwala si Max sa mga salita ko. Pinisil ko na lamang ang kanyang pisngi ng napaka lakas dahilan para mapadaing siya ng masakit.
"Ouch, masakit!" Reklamo niya pero tumawa lamang ako ng mahina.
"Ayaw mo kasi maniwala sa akin. Napaka seryoso ng mukha mo!" Sambit ko naman. I just saw him pouted and let out a heavy sigh.
"Nah, I am just freakin worried. Grabe ka naman kasi makatingin sa akin. Ganun ba ako ka pogi para halos matumba ka kakatitig sa akin? Hay, iba na talaga tong charisma ko," sagot niya.
Iba rin kayabangan ng lalaking ito ah.
"Pwe, huwag ka ngang mahangin diyan baka maihip ako ng malakas na hangin!"
"Okay lang, hawak naman kita kaya sabay tayong liliparin."
"Ang korni mo! Magtigil ka nga!" '
Tinawanan lamang ako ni Max at kaaagad na tumayo.
"Korni pala, ha?"
Bigla na lamang niya akong binuhat. Ipinatong niya ang aking katawan sa kanyang isang balikat at tanging isang kamay niya lamang ang bumubuhat sa akin. Hindi ko maiwasang mapahanga sa kung gaano siya kalakas. Ganito talaga siya kalakas!?
"Huy, saan mo ako dadalhin!?" Sigaw ko nang magsimula siyang maglakad.
"Itatapon na kita, nananakit ka na e."
Wow?
"Huwag ka ngang masyadong isip bata!"
"Sino ba may sabing bata ako? Not unless you will call me baby?"
P*tragis. Napapatameme ako sa mga banat niya. Paano napaka smooth at walang palya kasi kilig na kilig at pulang pula ako! Jusko naman. Hindi ko talaga expect na ganito itong si Max!
.
Lumipas na ang ilang oras at magdidilim na. Max decided na mag chopper na lang daw kami pauwi sa mansyon ni Mom. He already told Mom na rin naman na pauui kami and also, kaya pala hindi nag t-text si Mom about my whereabouts kasi panay update rin pala si Max sa kanya about sa aming dalawa.
Even though malapit na ako mag trente feeling ko mag b-bente palang ako sa lagay na ito. Sa kung paano ako tratuhin ni Max.
Inayos ko ang aking sarili at saka na ako lumabas ng bahay. Naka abang na pala si Madam Ali at Ruder sa labas and yung lalaking kasama noon ni Max. If I am not mistaken ang name niya ay Craze.
"Saglit lang kita nakasama, Maam Hannah. I hope makasama ulit kita sa pagluluto, soon," ngiting sambit ni Madam Ali habang hawak hawak ni Ruder ang kanyang bewang. Parehas silang nakangiting nakatingin sa akin.
"Babalik ako rito sa susunod, Madam Ali. Magluluto muli tayo!" Masaya kong sabi dahilan ng pagngiti ni Madam Ali. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Tinanguan ko na rin si Ruder at ganun din siya sa akin hudyat na siya ay namamaalam na rin.
Pumasok na ako sa chopper habang hawak-hawak ni Max ang aking kamay saka na rin siya pumasok. Sumunod naman doon si Craze. I waved a goodbye to Madam Ali at Ruder hanggang sa hindi ko na masilayan ang isla.
"Balik ulit tayo!"
Hindi ko namamalayan na nabanggit ko na pala ang mga salitang iyon. Huli na rin naman para bawiin dahil narinig iyon ni Max at ni Craze. Tumawa lamang si Maxtrico.
"So glad na makita kang ganyan, Maam Hannah. Can't wait na bumalik din ang mga ala-ala mo-- I mean your happy memories."
Nakatingin lamang ako ng mariin kay Craze na nakatingin sa akin habang nakangiti. Samantalang si Max naman ay tahimik lamang. Well, I guess marami rin akong malalaman kay Craze. Makikipag close rin ako sa kanya dahil baka kapag palagi ko siyang kasama ay mas marami rin akong maalala.
Ngumiti muna ako bago sumagot. "I hope soo too, Craze."
Nanlaki ng kaunti ang mga mata ni Craze saglit pero agad din napalitan iyon ng pagyuko. Nasilayan ko pa rin kahit papaano ang maikli niyang ngiti.
Nakarating na ako sa mansyon, binaba ako ni Max at saktong nag aabang din doon si Mom kasama si Sir Cuantes sa tabi niya, holding Mom's waist. Yes, Mom and sir Cuantes are engaged now kaso nahihirapan pa akong tawagin si sir Cuantes ng Dad. I want to remember my Dad first bago ko siya tawaging ganun.
"I had a lot of fun today, Max. Thank you!"
Gumuhit ako ng malaking ngiti sa aking pisngi at ganun din sa akin si Max. Bago siya magpaalam sa akin ay lumapit muna siya kay Mom at parang may sinasabi na something. Ngumiti lamang si Mom at saka na siya bumalik sa akin.
"I will ask you on a date once again, Hannah. Oh, also, welcome ka palagi sa office ko if gusto mo pumunta. Text me na rin para sunduin kita." Tumango na lamang ako at ngumiti nang sabihin niya iyon.
"Will do, take care, Max. Mag c-chopper ka lang ba pauwi?" Tanong ko sa kanya.
Tumawa lamang siya ng mahina and sumagot. "Yeah, I don't have a choice since iniwan ko doon yung sasakyan. Papahatid ko na lang sa mansyon bukas ng umaga. Have a great night, Hannah."
Iba talaga kapag mayaman. I mean, mayaman din naman ako dahil sa kita ko sa pagiging artista but nothing beats Mom and Maxtrico's income daily. Sobrang taas.
"Have a great night as well, Max."
I saw him smirks and lumapit lamang ng kaunti. "Don't forget that kiss," bulong niya dahilan para mamula nang maalala ko muli iyon.
Nagsimula nang umalis ang chopper ni Max hanggang sa tuluyan ko nang hindi siya makita. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Mom kaya ako napatingin sa kanya.
"Did you have fun?" Tanong niya at tumango lamang ako. "That's good. You have to rest now," ngiting dugtong niya at naglakad na palayo sa akin.
Mom is smiling? I thought he is against Maxtrico? Bakit ngumingiti siya ngayon? Iniling-iling ko na lamang ang aking ulo at nagsimula nang maglakad para pumasok.
I can feel Mom's smile is genuine naman pero ang bilis, parang kahapon lang ang seryoso niya at halatang ayaw kay Max. Ano kayang nangyari sa kanya?