Chapter 7

1105 Words
-- Hannah Napatitig lamang ako kay Madam Ali matapos siyang magsalita at patuloy pa rin sa paghihiwa. Huminto naman siya at tumingin sa akin. "Nakakatakot kasi siya tuwing pumupunta rito kaya lagi akong kinakabahan kapag naandito siya," naiiyak niyang sabi. "Akala mo kumakain ng tao e!" Reklamo niya. Napangiwi naman ako sa kanyang inasta. Ganun ba nakakatakot si Max para sa kanya kaya halos maiyak na talaga siya ngayon? "Baka wala lang po sa mood," pabiro kong sagot. "Lagi namang wala sa mood yan. Bihira ko nga lang makausap yan kasi madalas ang kumakausap sa kanya si lovey." Oh wow, lovey pala sc nila ni Ruder. Talk about Ruder and Madam Ali, parang ang babata pa nila. Kasing edaran lang ata namin sila. Maganda si Madam Ali, napaka puti ng balat at pulang pula ang kanyang manipis na labi. Malambot at may pagka wavy ang coffee hair niya. Super ganda talaga! While Ruder is a big man. Malaki ang kanyang muscles at moreno. He is the perfect guy just like in movies and ganun din si Madam Ali. "Ayos ka lang?" Nagising naman kaagad ako sa realidad nang marinig ko ang tanong ni Madam Ali. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya ng matagal. I just smiled at her. "Sorry, I was just mesmerized by your beauty, Madam Ali." Ngumiti lamang siya sa aking sagot. "Nope, mas walang kupas ang kagandahan mo, Maam Hannah." Hindi na lang ako sumagot pang muli at nag thank you sa kanya. Tanging nag k-kwentuhan lamang kaming dalawa habang nagluluto at pinag-uusapan ang dalawang lalaki na nasa labas. Nalaman ko lang na wala pang isang taon nang makilala nilang dalawa si Max. Ang tanging sabi lamang sa akin ni Madam Ali ay tinulungan silang dalawa ni Max at pinatira pansamantala sa bahay na ito. Pagkatapos namin magluto ay inaya na namin ang dalawa na kumain. Magkatabi sina Madam Ali at Ruder habang kaming dalawa naman ni Max ang magkatabi. I was about to take some food but pinigilan ako ni Max. Siya ang naglagay ng pagkain sa aking plato at binigyan pa ako ng maiinom while he was talking with Ruder. I can't help but to smile widely. Such a husband material, huh? Puro kwentuhan lang naman ang ganap sa hapag kainan hanggang dumating ang hapon, nagsimula na kaming maglakad. Hindi naman mainit dahil mapuno rin ang islang ito. "Silang dalawa lang ba ni Madam Ali at Ruder ang nagbabantay sa islang ito?" Tanong ko at tumingin sa kanyang mukha. "No, may apat pa na nagbabantay. Nagtatago lang," tugon niya. May nakatago ba rito at needed magtago ng ilang bantay? Curious na tuloy ako. "Halika, may spot ang islang ito na sure akong magugustuhan mo rin. I am sure of it. Favorite spot ko iyon!" masigla naman niyang sambit. Hindi ko talaga maisip kung ano ang itsura ni Max na hindi nakangiti at sobrang sungit. Sobrang jolly niya kasi sa mga mata ko. Ngumiti na lamang ako habang hawak-hawak ni Max ang aking kamay at dahan-dahan niya akong hinihila palapit sa sinasabi niyang favorite spot niya. Nang huminto siya ay sumilip ako sa kanyang unahan. My eyes widened after what I saw. Isang small lake na pinapalibutan ng mahahabang damo at magagandang bulaklak. Nilapitan namin ito at sobrang linaw ng tubig. May mga water lily sa lake at may nakapaligid ding punong naglalambitin ang mga damo. "Ang g-ganda! Ngayon lang ako nakakita nito!" Galak kong sambit at tumingin kay Max. I saw him smiles and laughs a bit. "Halika, doon tayo banda umupo. Maganda ang view diyan dahil makikita natin ang paglubog ng araw." Sunsets! I love sunsets so much! Bihira na lang ako nakakakita niyan because aside from being busy sa shoots ay lagi lamang ako nasa mansyon. Mom would almost locked me in the mansion 'to keep me safe.' Pagdating namin sa sinasabi niya ay agad na kaming umupo dalawa. Nauna akong umupo at nang pag-upo niya ay na haplos niya bigla ang aking kamay. Tumaas ang balahibo ko roon na para bang may kuryente ring dumaloy sa aking katawan. I look at him pero parang wala lang sa kanya. Tinignan ko rin ang aming mga kamay. So close to each other na isang hinliliit lamang ang agwat. Lumihis na lang kaagad ako ng tingin and tried my best na alisin sa mukha ang pagkapula. "Dito ka ba madalas tumatambay?" Tanong ko habang nakatingin sa buong lake. Sumabay naman doon ang malamig at sariwang hangin na dumampi sa aking balat. Sobrang sarap sa pakiramdam na umalis sa magulong syudad. Na puno ng polusyon at puro buildings ang mga nakikita. I am very glad na dito ako dinala ni Max, parang nawala sa isang iglap ang aking stress dahil puro puno at halaman ang aking nakikita. "Yes, almost everyday. Naalala ko pa noon, how does it feel na madala na kita rito? To show this view to you?" Tugon niya sa aking tanong. Tila ba napatigil ako doon. He really miss that much? He really eager to see me and show me this place. He's alone for 2 years while me, nagpaka busy lamang sa pagiging aktres. Yes, parehas kaming may amnesia but Max was able to remember almost everything. While me? Kahit isa walang maalala but I know for sure I longed for him. That's all I know. "Well, here I am now. Nakikita ko na." Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. I just smiled while both of us are looking at each other. I just keep on looking at him hanggang sa paunti-unti para bang may nakikita ako. I saw him, looking at me. Nakatitig at nanlalaki ang mga mata. Gulat na gulat at kabado. Why am I seing things? Is this halluciantions? Maya maya ay bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa nakaramdam ako na para akong babagsak habang papikit ang aking mga mata. "Hannah?" Tawag sa akin ni Max dahilan para mabalik muli ako sa realidad. "Are you okay?" Tanong niyang muli. Iminulat ko ang aking mga mata at napatitig sa lupa habang hawak hawak ni Max ang aking katawang pabagsak. "Nahihilo lang ata ako," sambit ko. "Gusto mo bang umuwi na at magpahinga?" Kaagad akong umiling. "Ayos lang ako," I gave him a smile to make him feel relief. "You sure?" Tumango ako at tumingin sa kanya. Sobrang nag-aalala siya kaya binigyan ko siya ng tapik. "Ayos lang ako, Max" mahinang sagot ko muli. Ngumiti na lang din si Max at ilang segundo lang ay nanlaki ang aking mga mata nang bigyan niya ako ng mabilis na halik. Hindi ko inaasahan yun. "I thought I'd lose you again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD