C-5

1187 Words
ALLIEXHA “Wala kang ginawa sa kanya?” tanong niya kay Zeus habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Tinuturuan mo ba ako ng dapat kong gawin?” tanong naman ng lalaki sa babae. “Nagtataka lang ako. Hahayaan mo ba siya na gawin niya ang plano niya?” “Do I need to explain to you?” “H–Hindi naman, I’m just concerned. Baka kasi mahulog ka sa bitag ng babae na ‘yan,” sabi niya pa na halatang gusto niya talaga na magalit sa akin si Zeus. Ako naman ay tahimik lang dito na nakatayo dahil ano naman ang sasabihin ko. Wala akong dapat na ipaliwanag dahil si Zeus pa rin naman ang magsasabi kung naniniwala siya sa akin o hindi. Ako nga ang biktima dito pero gusto pa talagang palabasin ng babae na ito na ako ang may masamang binabalak sa kanila. Ako ang kawawa pero parang ako pa ang magiging kontrabida kahit naman halata na siya. “Sit down at kakain na tayo,” sabi ni Zeus at hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya. “What are you waiting for?” tanong niya sa akin at matalim ang tingin niya kaya mabilis akong umupo sa upuan. “Ano po ang gusto mo dito?” tanong ko sa kanya dahil balak ko na ako ang maglagay ng pagkain sa plato niya. “I can handle myself, hindi ibig sabihin na lumpo ako ay wala na akong kayang gawin,” sabi pa niya na halatang galit siya sa akin. Gusto ko lang naman sana na pagsilbihan siya pero mukhang mali pa yata ako. Sana pala ay hinayaan ko na lang siya. “I’m sorry po,” sabi ko sa kanya. “Kumain ka na lang d’yan,” sabi niya sa akin at nagsimula na akong kumain. Tahimik kaming lahat at ang tunog lang ng kubyertos ang naririnig dito sa dining area nila. Kahit ako ay hindi nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin. Alam ko rin kasi na ang lahat ng tao dito ay ayaw sa akin. Alam ko at ramdam ko ‘yon kahit pa ang sinasabi ko na asawa ko ay ayaw niya sa akin. “Sir, may meeting ka po mamaya,” sabi ng isang lalaki kay Zeus. “Okay, pupunta tayo sa office but before that ay idaan na muna natin siya sa bahay nila,” sabi niya sa lalaki. “Okay, Sir. Ipapahanda ko po ang sasakyan,” sabi nito at umalis na. Natapos na si Zeus kaya inutusan niya ang tauhan niya na dalhin na siya sa taas. Ako naman ay naiwan dito dahil hindi pa ako tapos. Kasama ko ang dalawang babae kanina. “If you really think na gaganda ang buhay mo dito ay nagkakamali ka. Because this place is h*ll,” nakangisi na sabi ni Monina sa akin habang hinihiwan niya ang steak na nasa plato niya at kinain niya ito. “Consider yourself lucky dahil may tumanggap pa sa ‘yo and don’t expect to much dahil dito, magiging katulong ka lang dito. Wala kang lugar dito at hindi ka magiging reyna,” sabi pa sa akin ng matanda. Tahimik lang ako dahil ayaw ko ng gulo. Mas pipiliin ko palagi ang manahimik na lang kaysa labanan sila dahil baka gumawa na naman sila ng kwento at ako na naman ang magiging masama. “Are you not done?” “T–Tapos na,” sagot ko kay Zeus na nakabalik agad. “Let’s go,” sabi niya kaya naman tumayo na ako at sumama ako sa kanya. Wala akong tsinelas kaya naman pinili ko na lang na maglakad na naka-paa. Kukunin ko naman ang mga gamit ko kaya doon na lang ako magpapalit. Sumakay ako sa sasakyan niya at tahimik lang ako dito sa sulok. Nakatingin siya sa paa ko pero itinago ko ito dahil nahihiya ako. May kausap siya sa phone niya at mukhang tungkol ito sa business niya. Nang matapos na ang usapan nila ay siya rin na pagdating namin sa bahay. “Dadaanan ka na lang namin mamaya,” sabi niya sa akin. “Sige po,” sabi ko at bumaba na ako. Umalis rin agad ang sasakyan niya kaya pumasok na ako sa loob ng bahay namin. “Bakit ka nandito? Tumakas ka sa inyo? Tinakasan mo siya?” tanong sa akin ng tiyahin ko. “Hindi po, auntie.” “Walanghiya ka! Gusto mo talaga ako na mapahiya kay Mr. Morgan!” sigaw niya sa akin at sinampal niya ako. “Maniwala naman po kayo sa akin. Hindi po ako tumakas, katunayan ay siya pa ang naghatid sa akin dito, auntie. Nandito lang po ako para kunin ang mga gamit ko,” sabi ko sa kanya. “Liar!” sigaw niya sa akin at hinampas niya sa akin ang hawak niyang tasa. Umiyak ako dahil sinasaktan na naman niya ako. “Nagsasabi po ako ng totoo, kukunin ko lang po talaga ang gamit ko. Wala po akong–” “Wala kang gamit dito. Dahil ang lahat ng mayroon sa bahay na ito ay akin,” sabi niya sa akin. “Bakit ka po ganyan? Bakit po, auntie?” umiiyak na tanong ko sa kanya. “Hindi ka na parte ng pamilyang ito at never ka naman talagang naging parte,” para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin niya ‘yon sa akin. “A–Ano po ang sabi mo?” “Ang sabi ko, wala kaming pakialam sa ‘yo. Kaya bago pa kita kaladkarin palabas ay umalis ka na at bumalik ka na kay Mr. Morgan. Huwag mo na kaming isali sa kamalasan mo,” sabi niya sa akin kaya naikuyom ko ang mga palad ko. “Kamalasan? Ako? O baka kayo?” sabi ko sa kanya at nilakasan ko ang loob ko. “Anong sabi mo?!” sigaw niya sa akin. “Kayo, kayo ang masama dito. Kinuha niyo ang lahat ng dapat ay akin. Tapos ngayon ako pa ang malas? Ako pa ang masama kung kayo naman talaga ng totoo,” sabi ko sa kanya. “Ang lakas ng loob mo na sabihin ‘yan sa akin! Ako ang nagpakain sa ‘yo, ang lahat ng mayroon ka ay galing sa akin–” “Sayo? O sa pera ng mommy ko? Ang pera na dapat ay akin,” sabi ko sa kanya. “Walang hiya ka!” sigaw niya sa akin at inatake niya ako. Sinampal niya ako at hinila niya ang buhok ko. Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin. Kinakaladkad niya ako palabas ng bahay namin. “Lumayas ka sa pamamaha–” “What the h*ll are you doing to my wife?” dumadagundong ang boses ni Zeus sa buong bahay namin. “M–Mr. Morgan, ihahatid ko po siya sa ‘yo. Pasensya na po kung tumakas siya sa inyo–” “Hindi siya tumakas, she’s here to get her things,” sabi nito dahilan para bitiwan na ng tiyahin ko ang buhok ko. Ako naman ay nakaramdam ng hilo hanggang sa…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD