C-4

1151 Words
ALLIEXHA Bigla nanginig ang mga tuhod ko kaya naman natumba ako. Kakaiba ang silid na ito. Parang silid na nakikita ko sa mga palabas sa tv. Ang mga palabas na kung saan ay pinaparusahan nila ang may mga kasalanan sa kanila. “Leave us,” sabi ni Zeus sa mga tauhan niya at mabilis naman silang lumabas. “What are you waiting for?” tanong niya sa dalawang babae at sumunod naman ang mga ito. Kami na lang ngayon na dalawa ang naiwan dito sa silid na ito. “Sa bahay na ito ay may parusa ang bawat kasalanan,” sabi niya sa akin. “Gawin mo ang lahat ng nais mo. Alam ko na naman na mas maniniwala ka sa kanila kaysa sa akin. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa akin? Wala naman eh, mula noon hanggang ngayon ay wala pang taong naniwala sa akin,” mahina na sabi ko. “Stop that act!” sigaw niya sa akin. “Ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ko sa kanya. “Strip,” malamig na sagot niya sa akin. Inaasahan ko na ito pero kahit papaano ay hinihiling ko pa rin na hindi niya gawin sa akin ito. Pero dahil pagmamay-ari niya ako ay wala naman akong magagawa kung hindi sundin ang nais niya. Nanginginig ang kamay ko habang hinuhubad ko ang damit ko. “You’re my wife now at gagawin mo ang lahat para sa akin.” Hindi ako nagsalita, hinayaan ko rin na bumaba sa sahig ang damit na suot ko. Hanggang sa tinakpan ko ang dibdib ko. Tanging panty na lang ang suot ko ngayon. Siya pa lang ang unang lalaki na nakakita sa katawan ko kaya naman naiiyak na naman ako. “Stop crying!” sigaw niya sa akin kaya napaintad ako sa gulat. “I–I’m sorry, Mr. Morgan,” nauutal na sambit ko. “Wala kang silbi,” sambit niya at kumuha siya ng l*tigo. Ako naman itong natatakot na sa kanya dahil ang nasa isipan ko ay ipap*lo niya ito sa akin. Nakatayo lang ako sa harap niya. Nakatingin siya sa akin hanggang sa gumalaw ang kamay niya. Ang buong akala ko ay sa akin niya ito ihahampas ngunit hindi dahil tumama ito sa kama niya. “If you really want to be the queen of this house, you need to obey me. You need to fulfill your duty as my wife. Huwag mo akong subukan na lokohin dahil ako ang mismong p*patay sa ‘yo,” may pagbabanta na sabi niya pero alam ko na kaya niya itong gawin. “Pangako ko po sa ‘yo na gagawin ko ang lahat ng nais mo. Pero may gusto lang akong hilingin sa ‘yo,” lakas loob na sabi ko sa kanya. “What is it?” tanong niya sa akin. “Gusto ko pong mag-aral. Pangako po, hindi ako hihingi ng pera sa ‘yo. Magtatrabaho ako para matustusan ko ang pag-aaral ko. Hayaan mo lang ako na makatapos,” sabi ko sa kanya. “What is the point of going to school kung nandito ka lang naman sa bahay?” “Alam ko po na iyan ang mangyayari. Pero hayaan mo po sana ako na tuparin ko ito para sa mommy ko. Gusto ko po na tuparin ang pangako ko sa kanya na magtatapos ako ng pag-aaral.” “Paano kung ayaw ko? Ano ba ang pakialam ko sa pangako mo sa nanay mo?” “Are you really that heartless?” tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya. “Yes, I am and welcome to h*ll, kitten,” sabi niya sa akin. “Ano pa ang hinihintay mo? Saktan mo na ako,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin. Tinulak niya ang wheelchair niya at nagulat ako ng bigla na lang niya akong binato ng t-shirt. “Cover yourself you disgust me,” sabi niya sa akin. Ako naman itong sinuot ang damit niya. Malaki ito sa akin kaya naman parang naging dress ko na ito. Mabuti na lang talaga at wala siyang ginawa sa akin. Pero hanggang kailan? Alam ko na kung hindi niya man nagawa sa ngayon ay alam ko na magagawa na niya sa susunod. Gusto kong magtanong kung bakit ganito ang room niya pero hindi ko naman magawa. “From now on ay dito ka na sa room ko matutulog,” sabi niya sa akin. “Doon na lang po ako sa sofa,” sabi ko sa kanya. “Tinatakasan mo ba ang obligasyon mo dahil sa inutil ang tingin mo sa akin?!” sigaw niya sa akin kaya nagulat na naman ako dahil bigla na naman siyang nagagalit. “W–Wala akong iniisip na ganyan,” sabi ko sa kanya. “Huwag mong tangkain dahil ipapalasap ko talaga ang impyerno sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya parang iiyak na naman ako. Pinipigilan ko dahil ayaw kong umiyak na naman sa harap niya. Baka mainis siya sa akin at ihampas na talaga niya ang hawak niyang lat*go sa akin. “Sasamahan ka ng mga tauhan ko na kunin ang mga gamit mo,” sabi niya sa akin. “Okay, salamat,” sabi ko sa kanya. “Kailangan mong umuwi agad,” sabi pa niya. “Wala na po akong ibang pupuntahan,” sabi ko sa kanya. “Good,” malamig pa rin ang boses niya. “Bumaba na tayo,” sabi niya sa akin. Kaya naman lumapit ako sa kanya at ako na ang nagtulak ng wheelchair niya. Sumakay kami sa elevator na dalawa at tulad kanina ay tahimik lang kami. Nakatingin ako sa kanya at wala man lang talaga siyang ekspresyon sa mukha niya. Malamig pa rin at para bang pasan niya ang mundo na kung tutuusin ay ako itong kawawa sa aming dalawa. Nasa kanya naman ang lahat kaya bakit pa siya ganito. Dapat nga ay maging masaya siya at i-enjoy niya ang buhay niya. Pero bakit parang lahat yata ng problema ay pasan niya. “Huwag mo akong titigan na para bang awang-awa ka sa akin,” sabi pa niya sa akin. “Wala akong iniisip na ganyan,” sabi ko sa kanya. “Mas maawa ka sa sarili mo at ‘wag sa akin–” “Bakit ba ganyan ka? Nasa iyo na ang lahat pero bakit ang heartless mo?” “Sa tingin mo masaya ako sa buhay ko?” galit na sigaw niya sa akin. “I’m sorry,” sabi ko sa kanya dahil alam ko na hindi ko dapat ito sinasabi sa kanya. Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na kaming dalawa. Masamang tingin agad ang binigay sa akin ni Monina. Ang tingin na kahit anong oras ay sasaktan na naman niya ako. “Wala kang ginawa sa kanya?” tanong niya kay Zeus habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD