C-3

1097 Words
ALLIEXHA “Ikaw? Ikaw ba ang asawa ni AZ?” galit na tanong sa akin ng babae at bigla na lang niya akong sinugod kaya nagulat talaga ako sa ginawa niya. “Ahh, ‘wag mo po akong saktan. Bakit mo ba ako sinasaktan?” tanong ko sa kanya. “Dahil inagaw mo siya sa akin! He’s mine, he’s mine!” sigaw niya sa akin at patuloy niya akong kinakalmot. Mahaba ang mga kuko niya kaya nasasaktan talaga ako sa ginagawa niya. “Wala po akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko po alam dahil ipinambayad utang lang po ako,” sabi ko sa babae na galit na galit. “What did you say?” tanong niya sa akin at tumigil na siya. “May utang po ang auntie ko sa kanya at ako po ang ginaw–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong sinampal ng malakas. “Gold digger! Sl*t!” sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Dahil wala naman kasi akong alam kung ano ba ang mayroon sila. Ang hapdi na ng balak ko sa kalmot niya at masakit ang pisngi ko sa pagsampal niya sa akin. Gusto kong lumaban pero hindi ko naman magawa lalo na hindi ko naman siya kilala at hindi ko alam kung ano ba ang kaugnayan nilang dalawa ni Zeus. “If you really think na magiging reyna ka sa bahay na ito ay hindi ‘yan mangyayari. AZ is mine at ikaw, isa ka lang babae na magiging para*san niya. You’re just a toy to him at alam ko na kinuha ka lang niya para mag-alaga sa kanya. Dahil once na gumaling na siya ay kaming dalawa ang magpapakasal dahil ako, ako ang nag-iisang mahal niya,” sabi niya sa akin at nakakatakot rin ang panlil*sik ng mga mata niya. “Do you hear me?” tanong niya sa akin. “Yes, narinig kita.” “Louder!” sigaw niya sa akin. “Yes–” Sinampal na naman niya ako ulit kaya tumabingi talaga ang ulo ko sa ginawa niya. Akmang sasampalin na naman niya ako ay– “What the h*ll is going on here?!” dumadagundong ang boses ni Zeus sa buong silid na ito. “She’s claiming that she is your wife at sinabi pa niya na kukunin niya ang lahat ng mayroon ka. She’s a gold digger sl*t!” sabi ng babae at tumingin naman sa akin ang asawa ko. Kinilabutan ako sa kanya. “Did you say that?” tanong niya sa akin at umiling ako. “So, you’re saying that I am a liar?” Hindi ako sumagot at hinimas ko ang braso ko na sobrang hapdi na ngayon sa daan ng mga kalmot niya sa akin. “What happened to your arm?” tanong niya sa akin. “She hurt herself para daw maniwala ka sa kanya. Para paikotin ka niya at mapasunod niya tayong lahat. Dahil siya na raw ang asawa mo kaya siya na ang reyna sa bahay na ito. At kung hindi ka naniniwala sa akin ay itanong mo pa kay Tita. Nakita at narinig niya ang lahat,” sabi pa niya at talagang naghanap pa siya ng kakampi. “Don’t look at me like that!” sigaw sa akin ni Zeus. “Nagpapaawa lang siya sa ‘yo, AZ. Huwag kang maniwala sa arte ng babaeng ‘yan. She’s using this trick para linlangin tayo,” sabi pa ng babaeng nanakit sa akin. Ano ba ang kailangan kong gawin para paniwalaan niya ako? Ano ba ang dapat kong sabihin para ipagtanggol ang sarili ko. Sa tingin ko ay wala, wala akong magagawa pa. “Iho, Monina is right. Talagang sinabi ng babaeng ‘yan ang mga salitang ‘yon. Sinabi niya na dapat daw ay sumunod kami sa kanya dahil siya na ang reyna dito. Malinaw ko itong narinig at nagulat na lang kami dahil bigla na lang niyang sinaktan ang sarili niya. She hurt herself para magmukha siyang kawawa,” sabi pa ng ginang kanina. Hindi ko alam kung bakit na sila gumawa ng kwento na ganito. Kung bakit kailangan pa nilang mag-imbento ng mga salita na hindi ko naman talaga sinabi. Pero isa lang ang alam ko ay gusto nila na magalit sa akin si Zeus. At alam ko na may gusto ang Monina na ito sa kanya. Hindi siya magwawala ng ganito kung wala. “How dare you say those words? Sa tingin mo ba talaga ay dinala kita dito para maging reyna? Baka nakakalimutan mo na ginawa kang pambayad utang ng tiyahin mo. At sa tingin mo, ano ang pakinabang ko sa ‘yo? Paano ko mababawi ang fifteen million na nawala sa akin? Sa tingin mo ba talaga ay enough ka na para sa fifteen million. Are you even worth it?” tanong sa akin ni Zeus at nakatingin sa mga mata ko pero ako ang unang yumuko. Kasabay nito ang pagpatak na naman ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay sobrang baba ko. Na wala na talaga akong kwentang tao, they made me feel that I’m worthless. Na wala na talaga akong halaga bilang tao. “Paano naman siya magiging worth it sa ‘yo? She’s just a sl*t! We wouldn’t know, baka plano talaga nila ito. Plano nila na magkaroon ng utang para maipasok nila ang babaeng ‘yan dito,” sabi pa ni Monina na wala yatang balak na tumigil sa paggawa ng mga imbento niyang salita. “Wala ka bang sasabihin?” “Kapag ba nagsalita ako ay maniniwala ka ba sa akin? Ano pa ang halaga ng pagpapaliwanag ko kung hindi ka naman makikinig? Alam ko na ang baba ng tingin mo sa akin, alam ko rin na hindi ako worth it sa fifteen million mo. Alam ko ‘yon, kaya bahala ka na. Gawin mo na ang nais mong gawin. Dahil tulad nang sabi mo kanina ay pagmamay-ari mo na ako ngayon,” sabi ko sa kanya at tumingin na naman ako ng diretso sa mga mata niya. “Dalhin niyo siya sa silid ko,” utos niya sa mga tauhan niya at mabilis naman silang lumapit sa akin. At tulad nang ginawa nila kanina ay sapilitan na naman nila akong hinila. Kahit hindi naman ako nagpupumiglas at masakit ang hawak nila sa akin. Dinala nila ako sa silid ni Zeus at sa pagpasok namin ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. “Ano’ng klaseng silid ito? Ito na ba ang impyerno?” tanong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD