C-2

1140 Words
ALLIEXHA Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng lalaking kumuha sa akin. Nang lalaking asawa ko na ngayon na hindi ko naman alam kung matatawag ko ba talagang asawa dahil nagpakita lang siya sa simbahan pero wala namang kasal na nangyari. Tahimik ako dahil aaminin ko na natatakot ako sa kanya. Seryoso lang siya na nakaupo sa tabi ko. Habang nagmamaneho naman ang driver niya. At sa likuran namin ay may isa pang sasakyan ang nakasunod dahil mga tauhan niya ito. Talagang may mga bodyguards siya dahil isa nga naman siya sa pinakamayaman na tao dito sa amin at sa buong Pilipinas. “What’s your name?” malamig na tanong niya sa akin. Tinatanong niya ang pangalan ko. Kaya masasabi ko ba talaga na asawa ko siya kung hindi naman niya ako kilala. “A–Alliexha Flores po,” nauutal pa ako habang sumasagot sa kanya. “How old are you?” “T–Twenty one po,” sagot ko sa kanya. “Alam mo ba kung ano itong pinasok mo?” tanong niya sa akin. “Alam ko po,” sagot ko sa kany. “Good, walang magiging problema kung susunod ka lang. Know how obey me,” sabi niya pa kaya mas kinilabutan ako. Kung puwede lang na tumakbo, tumakas at lumayo ay ginawa ko na. Pero wala akong magagawa, wala akong lakas ng loob para makaalis sa sitwasyon kong ito. “Puwede ko po bang itanong kung magkano ang utang ng auntie ko?” “It’s fifteen million,” sagot niya sa akin kaya para akong nabingi sa narinig ko. “Fifteen million?” wala sa sarili na sambit ko. “Yes, it’s fifteen million. Kaya wala ka ng takas pa kahit anong gawin mo,” malamig na sambit niya. Ni minsan ay hindi man lang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Malamig at wala pa rin itong emosyon. Na para bang nasa kanya na ang lahat ng problema sa mundo. O baka nga dahil sa pagiging lumpo niya kaya siya ganito. “Who gave you the person para tingnan ako ng ganyan?!” sigaw niya bigla sa akin. “Sorry po,” sabi ko sa kanya. “Hindi ako ang kawawa dito kung hindi ikaw,” sabi niya sa akin. “Wala po akong ibang ibig sabihin sa tingin ko. Sorry po kung sa tingin mo–” “Shut your fvcking mouth!” sigaw na naman niya sa akin kaya ako itong nagugulat sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa. Dahil ayaw ko ulit na sigawan niya ako. Sa takot ko sa kanya ay umiyak ako ng tahimik habang nakaupo dito sa tabi niya. “Fvck!” “Bakit ka ba umiiyak?!” galit na naman siya at pati ba naman ang pag-iyak ay bawal na rin gawin. Mas lalo tuloy siyang nakakatakot dahil baka sa susunod ay patigilin na rin niya ako sa paghinga ko. Kahit pa gusto ko na patigilin ang pagpatak ng luha ko ay hindi ko naman magawa. Dahil ang masagana kong luha ay patuloy na umaagos mula sa mga mata ko. Alam ko na galit na galit na siya pero nakarating na lang kami sa isang malaking gate ay hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Ngayon ko kasi naramdaman ang lahat ng lungkot at takot. Ang takot na baka hindi na ako makapag-aral at ang takot sa kung ano ba ang naghihintay sa akin dito. Inalalayan siya ng mga tauhan niya para makasakay siya sa wheelchair niya. Ako naman ay pinababa rin nila na para bang pinipilit pa ako. Hindi naman kasi ako tatakbo pero kailangan pa nila akong hilain para lumabas sa sasakyan niya. “Iho, welcome home,” nakangiti na salubong ng babae pero wala akong narinig na kahit na ano mula kay Zeus. “Iho, who is she? And why is she wearing a wedding gown?” tanong pa nito. “She’s my wife,” malamig na sabi ng lalaki. “What?! Wife?” “Do you have a problem with that, tita?” “Wala pero nakakagulat lang. Bigla ka na lang nagpakasal at hindi naman namin kilala. Anong pamilya ba ang pinagmulan–” “I'm tired and I want to rest. So, stop asking questions, tita,” may diin na sabi nito. “Okay, pag-usapan na lang natin mamaya,” sabi ng babae na nakaka-intimidate rin ang mukha. Lahat ba ng tao dito ay ganito? Kung ganito sila ay paano na ako? Paano ako mabubuhay sa mundo nila? Paano ako makakakilos dito? “You, follow me,” sabi niya sa akin at ginawa ko naman. May elevator ang bahay niya kaya dito kami sumakay. Tahimik lang kaming dalawa at wala na ang mga tauhan niya. Nang bumukas ang elevator ay nakatingin siya sa akin kaya naman nanginginig na naman ang mga kamay ko na hinawakan ang wheelchair niya para itulak ito. “Stop,” sabi niya kaya naman tumigil na ako sa pagtulak. “This is your room. This one is connected to my room. Kapag kailangan kita ay dapat bilisan mo. Dahil wala akong panahon para maghintay. Now that you are mine, lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. If you’re planning to escape, you need to try harder dahil hindi ka makakaalis sa lugar na ito.” “Wala akong damit,” sabi ko sa kanya. “That’s not my problem,” sabi niya sa akin. “If you allow me, gusto kong umuwi sa amin para kumuha ng gamit ko.” “Okay, sasamahan ka ng mga tauhan ko,” sagot niya sa akin. “Thank you,” sabi ko sa kanya. Siya na ngayon ang nagtulak sa sarili niya at pumasok na siya sa loob ng silid niya. Nang tuluyan na siyang makapasok ay pumasok na rin ako sa silid na sabi niya ay sa akin. Malaki itong silid at malinis. Mas malaki pa ito sa silid na mayroon ako sa bahay namin. Umupo ako sa kama at malambot ito. Ngayon na mag-isa lang ako ay talagang binalot na ng lungkot ang puso ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Hindi ito ang buhay na pangarap ko. Hindi ito ang buhay na nais ko. Dahil ang buhay na nais ko ay masaya at malaya. Wala akong dala na kahit na ano dahil bigla na lang akong hinila kanina ng tiyahin ko. Ang kapatid ng mommy ko. “Mommy, bakit po nangyari ito sa akin? Bakit po?” umiiyak na kausap ko sa mommy ko kahit pa alam ko na hindi naman niya ako naririnig ngayon. Ilang sandali pa ay nagulat ako dahil may bigla na lang pumasok dito sa silid na ito. “Ikaw? Ikaw ba ang asawa ni AZ?” galit na tanong sa akin ng babae at bigla na lang niya akong sinugod kaya nagulat talaga ako sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD