C-8

1206 Words
ALLIEXHA “Tapos ka na ba?” tanong niya sa akin at bigla na lang siyang nagmulat ng mga mata niya. “Sorry,” sabi ko sa kanya at akmang babangon na ako pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong inibabawan. Grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Parang lalabas ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Nakatingin ako sa mga mata niya pero ako rin naman ang unang umiwas dahil hindi ko matagalan. May kakaiba kasi akong nakikita sa mga mata niya na hindi ko naman alam kung ano. “Look at me,” utos niya sa akin. “B–Bakit po?” tanong ko sa kanya. “Just look at me,” sabi niya kaya tumingin naman ako sa kanya. “Kailan mo ba gagawin ang obligasyon mo?” tanong niya sa akin. “A–Ano pong obligasyon ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya. “This,” sagot niya sa akin at nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung paano ba ang gagawin ko dahil hindi ko naman din alam ito. Oo may naging ex na ako pero sa pisngi lang siya puwedeng humalik. At hindi kasama ang labi ko dahil ayaw ko. “Kiss me back,” utos niya sa akin. “P–Paano?” nahihiya na tanong ko sa kanya. “Hindi mo alam kung paano?” nakakunot ang noo niya at bigla na lang siyang umalis sa ibabaw ko. Ako naman itong hindi alam ang dapat kong gawin. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Ni wala akong alam gawin. Nahihiya ako sa sarili ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin sa obligasyon pero mas pinili ko na magpanggap na wala akong maintindihan. “Ano ba ang alam mong gawin? Lahat na lang ba ay hindi mo alam,” nahihimigan ko ang galit sa boses niya. “Sorry po,” sabi ko sa kanya. At wala naman akong narinig na kahit na ano sa kanya. Naging tahimik na kaming dalawa hanggang sa bigla na lang siyang nagsalita. “Ano ang nangyari?” tanong niya sa akin. “Po?” “Kanina,” sagot niya sa akin. Ang buong akala ko ay nakalimutan na niya pero hindi pa pala dahil bigla na naman siyang nagtanong sa akin. “Kapag ba sinagot ko ang tanong mo ay maniniwala ka sa akin?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko malaman. “Depende,” sagot niya sa akin kaya naman bumangon ako at umupo na ako sa kama niya. “Tulog ako kanina, at nagulat na lang ako na galit na galit na siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa kong mali kay Monina,” sabi ko sa kanya dahil sa tingin ko ay kailangan niya itong malaman. “Ninakaw mo raw an–” “Wala akong alam sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pagbintangan ako eh hindi naman ako lumalabas,” putol ko sa sasabihin niya. Wala naman kasi talaga akong alam sa sinasabi niya. Ni hindi ko nga alam ang tungkol sa binibintang sa akin dahil tulog ako kanina at nagising lang ako dahil sa ginawa ng babaeng ‘yon. Galit na galit sa akin kahit pa wala naman akong ginawa sa kanya. At ngayon na sinabi ko na sa lalaking ito ang totoo ay hindi ko naman alam kung naniniwala na ba siya sa akin. “Simula ngayon ay ikaw na ang personal na mag-aasikaso sa akin,” sabi niya sa akin. “Okay po,” sabi ko sa kanya. “Gusto kong maligo,” sabi niya sa akin. Kaya naman bumaba na ako sa kama niya at lumipat ako papunta sa kanya para alalayan siya. Malaki ang banyo niya. Parang isang silid rin ang laki niya. Kumpleto ang lahat kaya madali lang naman ito sa akin. “Gusto ko sa bathtub,” sagot niya sa akin kaya naman inayos ko na ito. Habang naghihintay ako na mapuno ito ay lumilingon ako sa kanya pero umiiwas rin naman ako agad dahil hindi ko talaga kayang makipag-eye contact sa kanya. Feeling ko kasi ay malulusaw ako. “Ang sabi mo sa akin ay gusto mong pumasok ulit sa school,” sabi niya kaya tumingin ako sa kanya. “Papayagan mo na ba ako?” tanong ko sa kanya. “Yes, pero may rules,” sagot niya sa akin. “Susundin ko ang lahat ng rules at nais mo. Hayaan mo lang ako na pumasok ulit. Pangako, wala akong gagawin na magiging dahilan para magalit ka. Hindi rin ako magiging pabigat sa ‘yo, hindi ako hihingi ng baon, hindi ako magpapahatid sa school. Kaya ko naman lakarin ‘yon,” sabi ko sa kanya at may kung anong pag-asa ako na naramdaman sa puso ko. “Ganyan ka ba talaga?” tanong niya sa akin. “Po?” “Wala, puno na ang tubig. Bilisan mo na dahil naiinitan na ako,” sabi niya sa akin. Mabilis naman akong tumalikod sa kanya at ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nang matapos na ay lumapit na ulit ako sa kanya. Hinubad ko ang damit niya. Boxer na lang ang naiwan sa katawan niya. Umiiwas ako na tumingin sa hindi dapat. Malaking tao siya kaya naman nahirapan ako sa kanya pero kailangan. Kailangan ko itong gawin dahil pinayagan niya ako na pumasok. Ang problema ko na lang talaga ngayon ay wala akong gamit. Lahat kasi ng gamit ko ay nasa bahay namin. “S–Sir, alam ko po na busy ka. Pero, puwede mo po ba akong samahan na umuwi sa bahay namin. Kukunin ko lang po sana ang mga gamit ko sa school,” sagot ko sa kanya. “Ipapakuha ko na lang sa tauhan ko. ‘Wag ka ng bumalik doon,” sabi niya sa akin. “Pero, baka po–” “Ipapakuha ko ang lahat ng gamit mo,” sagot niya sa akin at pumikit na siya ngayon. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. “Huwag mo akong titigan,” saway niya sa akin. “Sorry po,” sabi ko at tumalikod na lang ako. “Tawagin mo na lang po ako kapag may kailangan ka po. Aayusin ko lang po ang damit mo. Aalis ka po ba ngayon?” tanong ko sa kanya. “Wala akong lakad,” sagot niya sa akin kaya naman aalis na sana ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Ang buong akala ko ay may sasabihin siya sa akin pero nagulat ako ng hilain niya ako kaya naman natumba ako. Sa loob ng bathtub ang naging bagsak ko. “S–Sir, sorry po,” nauutal na sambit ko dahil baka nasaktan siya. “Bakit Sir ang tawag mo sa akin?” seryoso na tanong niya sa akin. “Ano po ba ang dapat kong itawag sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Call me–” “Mas gusto mo ba na kuya ang itawag ko sa ‘yo?” tanong ko sa kanya at nagkasalubong na naman ang mga kilay niya. “Tawagin mo akong…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD