ALLIEXHA
“Oh, good morning sleeping beauty,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang hinila ang buhok ko at hinila niya ito para maging dahilan para mahulog ako sa kama.
“Nasasaktan ako, itigil mo na ito,” sabi ko sa kanya.
“Masasaktan ka talaga, b*tch! Ang kapal ng mukha mo na pakasalan si AZ, ang kapal ng mukha mong gold d*gger ka!” sigaw niya sa akin at patuloy pa rin siya sa paghila ng buhok ko.
Gusto kong lumaban pero hindi ko naman kaya dahil mahina pa ang katawan ko. Kaya naman umiyak na lang ako ng umiyak. Hinahayaan ko siya na saktan ako. Hinihila niya ang buhok ko at kinakalmot niya ang braso ko gamit ang mahaba niyang kuko.
I feel so helpless. Lahat na lang ng tao ay sinasaktan ako. Lahat sila ay ayaw sa akin at galit sa akin. Where is my place in this world? Saan ba ang lugar ko sa mundong ito? May lugar ba talaga na safe para sa akin? Kasi pakiramdam ko talaga ay wala na. Wala na yatang lugar na may mabuting tao, lahat na lang sila ay pare-pareho.
“Tumigil ka na. Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo at ganito ka sa akin? Hindi, hindi ko naman ginusto na mapunta ako sa ganitong posisyon. Hindi ko ginusto na maging asawa ako ng lalaking gusto mo. Kaya bakit? Bakit galit na galit ka sa akin kung ni peso ay wala naman akong kinuha para tawagin mo akong gold digger.”
“Hindi mo ginusto? Ang kapal ng mukha mo! Walang babae ang hindi gusto na maging asawa si AZ kaya tumigil ka!” sigaw niya sa akin at hahampasin na naman sana niya ako pero bigla na lang bumukas ang pinto. Mabilis naman na lumayo sa akin si Monina.
“What the h*ll is going on here?!” dumadagundong na naman ang boses ni Zeus sa buong silid.
“AZ, it’s good that you’re here. This woman stole my necklace, the one that you gave me,” sabi niya at hindi ko alam kung paano ba niya nagagawa sa akin ito. May hawak na siyang kwentas ngayon.
“Is that true?” tanong naman sa akin ng asawa ko.
Tumingin lang ako sa kanya dahil wala rin naman kasing point kahit pa sumagot ako. Pagod na ako, pagod na ako na ipagtanggol ang sarili ko dahil alam ko naman na wala, wala akong magagawa para labanan sila. Mahina ako, mahina ako sa part na ito. Isa akong talunan at walang alam na gawin. Hindi ko rin naman kasi kayang ipagtanggol ang sarili ko.
“I’m asking you, did you steal it?” tanong niya sa akin pero wala pa rin akong naging sagot sa kanya.
Hinaplos ko na lang ang braso ko na ngayon ay sumasakit dahil sa pagkalmot sa akin ng babaeng ito. Magulo rin ang buhok ko pero mas lalong masakit ang anit ko dahil sa paghila niya sa buhok ko. Wala akong magawa, wala akong kayang gawin para sa sarili ko. Ang kaya ko na lang sa ngayon ay tanggapin ang sakit ng katawan.
“I’m asking you. Did you really steal it?” tanong niya sa akin at tumingin na lang ako sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko na pumatak.
Pagod na ako, pagod na pagod na kasi ako. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin.
“Leave us,” sambit ni Zeus sa mga tauhan niya.
“AZ, paalisin mo na ang babaeng ‘yan. Malikot ang kama–”
“Labas!” bigla na lang sumigaw si Zeus.
“Bakit kasama ako? Ako nga ang ginawan ng masama ng babaeng ‘yan,” sabi pa ni Monina.
“Lumabas ka na. Mag-uusap kaming dalawa. Ayaw ko ng ulitin ang sinabi ko,” sabi ni Zeus sa babae.
“I’m telling you, walang silbi ang babaeng ‘yan. Magnanakaw siya!” sabi pa nito bago ito umalis at ang lakas ng pagkakasara niya sa pinto.
Kami na lang na dalawa ang naiwan dito.
“Tell me, did you steal it?” tanong niya sa akin at mahinahon na ang boses niya.
Umiling naman ako bilang sagot sa kanya.
“What’s really happened?” tanong niya sa akin.
“Paano ko naman malalaman kung ganyan ka?”
“‘Yan na lang ba talaga ang kaya mong gawin? Ang umiyak?” naiinis na naman na tanong niya sa akin.
“Mahalaga pa ba? Mahalaga pa ba ang magiging sagot ko? May halaga ba?” tanong ko sa kanya.
“Gusto mo talaga na maging talunan ka na lang? ‘Yan ba ang nais mo?” tanong niya sa akin.
“Ano ba ang kaya kong gawin? Ano ba ang puwede kong gawin? May tama ba? Lahat naman ay kasalanan ko. Kahit naman hindi ko ginawa ay ako pa rin ang mali. Kaya sabihin mo sa akin, may kaya ba akong gawin kung sa mga mata niyo ay isa lang naman akong walang silbi at gold digger,” mga salita na hindi ko naman kayang sabihin na sa kanya.
Mas gusto ko na lang na manahimik. Dahil alam ko naman na wala akong kakampi sa bahay na ito. Nakatingin na lang ako sa kanya at nakaupo pa rin ako dito sa may sahig. Wala na yata akong lakas para tumayo. Hanggang sa bigla na lang dumilim ang buong paligid.
*********
Nagising ako na nasa silid ako ni Zeus at nakahiga ako sa kama niya. Pero mas nagulat ako dahil nasa tabi ko siya at tulog siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Siguro nga ay baldado siya para sa iba pero hindi pa rin talaga maitatanggi na makisig siya at nagandang lalaki.
Kapag ganito siya ay parang ang bait niya. Na para bang hindi siya marunong sumigaw at magalit. Ang payapa ng mukha niya, mukhang mahimbing ang tulog niya ngayon. Sana ay ganito na lang siya, pero kasi ibang tao siya kapag gising siya. Nakakatakot siya at parang galit na lang talaga ang nasa puso niya. Alam ko na hindi naman talaga masaya ang hindi makapaglakad. Pero kasi, baka may paraan pa. Baka makalakad pa siya lalo na ang dami naman niyang pera. Ang sabi nga nila ay walang imposible kapag may pera ka. Pero baka ng wala na. Sino ba naman kasi ang tao na ayaw makalakad.
Hindi ko alam kung ganito na ba siya noon. Kung ganito na ba talaga ang ugali niya. Ganito ba siya ka sama? Na para bang wala na siyang puso.
Tinatanong ko rin ang sarili ko. “Marunong kaya siyang magmahal?”