Chapter 5

2074 Words
How's your sleep these past few days?" Pormal na tanong ni Crystalle ng umagang iyon kay Arizton. Ngayon ang huling araw niya na kikitain niya ito para linisin ang tahi nito sa tagiliran. Naroon si Manang Helen sa tabi ng binata at nanonood lang sa paghahandang ginawa ng doctor. Una niyang pagkakita ditto ay napamulagat siya dahil kamunghang-kamukha nito ang babaeng napadpad sa isla noon. Nahihiya lamang siyang magtanong dahil seryoso ang mukha ng doktora at hindi rin siya pinag-abalahang tingnan. Animo'y nagmamadali ito. Maya-maya ay may pumasok na nurse at inihatid ang mga kakailanging bagay tulad ng antibacterial cream, sterilized gauze at binder. "O-okay naman." Maikling sagot ng binata na hindi na kailanman tumingin sa mukha ng doktora. Nakikita niya itong kasalukuyang nagsusuot ng gloves at pagkatapos ay lumapit sa kaniya. Iwinaksi nito ang kumot na nakatabon sa kaniyang katawan. Ang sunod nitong ginawa ay iniangat ang laylayan ng suot niyang maluwang na tshirt. Napansin niyang bahagyang napahinto ang doktora nang Makita ang kaniyang tiyan. It's where his abs paralled. Ngunit saglit lamang iyon at kumilos rin naman kaagad ang babae. Naramdaman niyang unti-unti ng kinuha nito ang nakatabon sa kaniyang sugat. Tahimik lamang ito at seryoso sa ginagawa. Hindi tulad noong nagdaang pagpunta nito na palaging dumdaldal. "Ang una ninyong gagawin manang ay pahiran ang kaniyang sugat ng betadine. One stroke lang ang gagawin ninyo hindiyung pabalik-balik. Pagkatapos, lagyan ninyo ng fucidine cream ang mismong tahi. Then, place this sterilized pad here. Ganon lang kadali. You must do it once a day within seven days." "Oo, doc." "Yung mga gamut, siguruhin ninyong ipainom sa kaniya para mdaling maghilom ang kaniyang sugat." "Walang problema doc. Gagawin ko po." "Sige, okay na yan. I'll recommend for discharge later." "Salamat po doc. Hulog po kayo ng langit." Pagksabi n'on ni Manang Helen ay lumingon sa kaniya ang doktora at matipid na ngumiti. Napatitig siya sa napakagandang mukha nito na ibang-iba doon sa babaeng natagpuan nila na puno sugat at pasa ang mukha. "Ah, doc..." "Ano---" "Manang, bayaran mo na ang bill doon sa cashier." Mahina ngunit matigas na utos ni Arizton. Kaagad namang kumilos ang matanda at humingi ng paumanhin sa doktora. Pagkatapos n'on ay sabay na silang lumabas ng silid. --------------------- Mabilis na lumipas ang maraming araw, nakabalik na si Arizton sa kaniyang normal na pamumuhay. His wounds were healed and he's now capable of continuing his life. Mahigit dalawang buwan na mula noong maospital siya. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan ngayon dahil luluwas siya ng Maynila. Gusto niyang dalawin ang pad nilang magkakapatid at pumirmi doon ng mga ilang araw. Kahit papaano'y na miss niya ang magkape sa balcony na nasa ikapitumpu't pitong palapag ng gusali tuwing gabi. Ang malamig na hangin, ang mga nagkikislapang ilaw sa syudad at ang mga paborito niyang restaurants doon. Ngunit sa pinakasulok ng kaniyang puso ay gusto niyang takbuhan ang ala-alang patuloy na bumabangungot sa kaniya- ang araw na muling naramdaman niya kung paano maging lalaki. He wanted to sleep well at night. Parati kasi niyang naaalala ang babaeng iyon tuwing gabi. He thought its because it happens there inside his room. He tried to resist her memories but he failed to make it. Lalong -lalo na ang pakiramdaman na pinaka-nagpapaalburuto sa kaniya- ang pagsisi at konsensiya. It keeps on reminding his evil deed towards the woman who saved his life. Gusto niyang takas an ang lahat ng iyon kaya lumuwas siya ng Maynila. Tulad ng kaniyang inaasahan, walang tao sa pad. Si Voltaire at Augustus ay nasa China habang si Demitry naman ay may sarili ng bahay na. Gusto man niyang dalawin ang kapatid sa tinitirhan nito pero gabi na nang dumating siya sa kalakhan. Inilagay niya ang kaniyang maleta sa kaniyang silid doon at muling pumanaog sa building para maghapunan. He drived to the path towards his favorite restaurant. Alas otso na ng gabi nang siya'y dumating roon. Marami-rami din ang kumakain ng sandaling iyon. Pinili niya ang nasa bandang dulong mesa kung saan bakante. Kaagad siyang nilapitan ng waiter at binigyan ng menu book. Habang namimili siya ng pagkain ay may nasagap ang kaniyang tenga sa katabing mesa. The voice was so familiar to his ears. Nang bahagya niyang ibinaba ang menu book para tingnan ang babaeng nakatalikod na may kasama ring babae ay may kung ano siyang naramdaman sa sarili. "It's her." "Sir, eto lang ang order ninyo?" Tumango lang si Arizton at hindi na sumagot. Mula sa likuran ay mataman niyang pinakiramdaman ang babae at tinitigan ng husto. "Kasal mo na sa susunod na lingo." Nanggigigil na bulalas ni Carmi habang masaya silang naghahapunan sa paborito nilang restaurant. Kaka-out lang nila mula sa ospital dahil dumating na ang ka-relibo nilang doktor. "Sshh, hinaan mo nga yang boses mo baka may makarinig sayo." "Excited lang talaga ako. Hindi na ako makakapaghintay. What do you feel now huh?" "Feel? Okay lang. Masaya naman. Akala ko hindi ako magiging katulad ng mga ate ko. But look, I still end to the kind of marriage where I supposedly curse." "Yung totoo, hindi ka masaya noh?" "Masaya naman." "Aren't you excited? You'll gonna share in one bed na. Hahaha!" "Hoy! Ano ba yang iniisip mo?" "Asus! Alam kong alam mo yon. By the way, will he gonna be the first and last?" Napangiti ng mapakla si Crystalle at pinaningkitan ang kaibigan. "Alam mo Carmi, sana isinuko ko na lang kay Aries yung bataan noon. Kung alam ko lang na sasapitin ko ito." "What do you mean?" "It's unfair naman sa taong minahal ko diba? Siya dapat ang unang lalaking aangkin sa akin dahil deserve niya yon. Pero hindi nangyari. Ang ending, maibibigay ko pala yon sa lalaking hindi ko alam kung may nararamdaman ba talaga ako. " "Opss wag kang magsalita ng ganyan Crystalle. It's every woman's pride to remain pure until marriage. Bihira na lang ang katulad natin sa panahon ngayon." "I do not think, I can make it with Paolo." "Alam mo beshy, kung alam mo naman pala na hindi ka magiging happy bakit ka pa tutuloy sa kasal na yan?" Hindi kaagad sumagot si Crystalle. "Pagod na kasi akong suwayin si papa. I just want everything to be in place. Yung wala ng magna-nag sayo. Yung tatakbo na lang ang buhay mo at magpapatianod ka na lang. Hanggat nariyan ka sa tabi ko, I can manage to be happy." "Sana lang hindi mo yan pagsisisihan sa huli." "Buo na ang pasya ko Carmi. Magpapakasal pa rin ako." "Ah basta, excited na akong Makita kang naglakad sa aisle." Ngumiti lang ang dalaga at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa bag. Kinuha niya iyon at sinagot. "Hello, doc?" "Yes, Jasmin. Bakit?" "May pasyente pong critical ang sitwasyon. Bata, seven years old at nakalunok ng crayon. Bumara iyon sa lalamunan ng bata." "Oh my goodness, wala bang iba dyan na puwedeng umopera?" napahilamos siya sa mukha ng wala sa oras. Si Carmi naman ay natigilan at nakinig sa kanilang pag-uusap. "Sabihin mo na iforward na lang sa ibang ospital." Senyas ng kaibigan sa kaniya. "Magbigay na lang kayo ng referral para sa ibang ospital."aniya. "Iyak ng iyak kasi yung bata doc." "Tsk! Okay-okay. Ihanda niyo ang operating room. Darating ako diyan." "Okay, doc." "Sige, Bye!" Pagkababa ng tawag ay tumayo na si Crystalle. "Ano raw?" "Bata kasi ang pasyente, kawawa naman. Pupuntahan ko na lang." "Naku! Sige, sama na lang ako." "Okay, anyway, mabilis lang naman yan." "Kahit kailan, dedicated ka talaga sa pagiging doktor mo. Bilib talaga ako sayo, beshy." Natutuwang wika ni Carmi sabay tayo. Mabilis na binayaran ng dalawa ang kanilang kinain pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng lugar na iyon. Sumakay sila sa kotse ng dalaga at mabilis na humarurot. ----------------------------------------------------- "Opss wag kang magsalita ng ganyan Crystalle. It's every woman's pride to remain pure until marriage. Bihira na lang ang katulad natin sa panahon ngayon." "Ibig sabihin...it was her first time. At hindi na niya naaalala pa ang nangyari. Damn!" "Arizton, you've caused a great damage to her." "You took her innocence in such an evil way." "Pero at least nabura iyon sa alaala niya." Nag-uunahan sa utak ni Arizton ang mga ideyang iyon. Wala siyang nagawa kundi ang mapatiim-bagang at mapakuyom. Nasusuklam siya sa kaniyang sarili dahil sa nagawa. Ngayon ay malinaw na sa kaniyang lahat. He hurted an innocent woman and he deserved to die. Mabilis niyang tinapos ang kaniyang pagkain pagkatapos ay bumalik na sa pad. Pagkarating doon ay dumiretso kaagad siya sa mini-bar at kumuha doon ng tequila. He filled the goblet and drank it until its bottom went up. Sumandal siya sa couch na naroon at sinapo ang noo. ""Opss wag kang magsalita ng ganyan Crystalle. It's every woman's pride to remain pure until marriage. Bihira na lang ang katulad natin sa panahon ngayon." "Ah..." tumungga pa siya ulit. "Oh, keep it slow Aries. Please." Her eyes closed as she bit her lower lip. Sagad na sagad sa loob ang bawat paggalaw ng katawan nila. "Oh..." "Ah.." "What's happening to me? Is this karma?" napailing-iling na tumayo si Arizton at nagtungo sa balcony. Mula sa kung saan ay lumitaw sa kaniyang balintataw ang mga pangyayari sa loob ng ospital. His heart skipped a beat as he remembered her gestures, her skills, her smile and her care. Ilang minuto siyang nakatayo at tulala sa harap ng nagkikislapang ilaw ng syudad. Paglipas ng oras ay ipinasya na niyang matulog. --------------------------------------------------- Kinabukasan... "Oh, what a surprise?" isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Demitry nang mapagbuksan ng gate si Arizton ng umagang iyon. "Hindi ikaw ang dinalaw ko kundi ang mga pamangkin ko." "Hahaha! May dala ka bang pasalubong?" "Tsk! Huwag ka ngang humarang-harang diyan. Papasukin mo na ako." Natatawang niluwangan ni Demitry ang pinto ng gate. "Nasaan ang mga chikiting?" mabilis na tanong ng nakakantadang kapatid. "Pinapakain pa ni Dana sa loob. Halika! Have you taken your breakfast?" "Tapos na." "So, what made you here?" "Tulad nga ng sinabi ko, gusto kong Makita ang mga pamangkin ko." "Really?" "Bakit? Hindi ka naniniwala?" "Naniniwala na. Hahaha'" tumawa si Demitry sabay tapik sa likuran ng kapatid. "Nabalitaan ko kay Manang Helen na naaksidente ka raw." Ani Demitry nang maupo sila sa salas. " Yeah! Medyo napuruhan pero nakita mo naman. I am alive and kicking." "How's life in the island?" " The same as usual----" "Tito Aliston?" Nagtatakbong sumulpot sa kung saan si Inigo na nagpabigla sa binata. May mga nagkalat pa nga na baby food sa mukha nito at dire-diretsong yumakap sa kaniya. Kaagad itong niyakap ng tiyuhin at kinarga. Lumapit rin si Demitry upang punasan ang mukha ng anak. "Uy, kuya? Narito ka pala." Nakangiting bungad ni Dana mula sa kusina, karga-karga nito si Sophia na bagong paligo na. "Yeah! Binisita ko lang kayo dahil gusto kong makita ang mga bata." "Naku! Yang mga pamangkin mo ang kukulit at makalat na. Marunong ng pumili ng pagkain. Kung anu-ano na lang tinuturo." Natatawang wika nito. Tumawa lang si Arizton at hinagkan ang tyan ng bata. "Inigo, baby, halika muna kay mommy. Liliguin pa kita." "O, take a bath ka muna raw sabi ni mommy. Hmmm...o, nangangamoy ka na." Anang binata at ibinaba ang bata sa sahig. Kaagad itong hinagip ni Demitry upang hindi na ulit tatakbo. Lumapit si Dana at kinuha ang bata rito. "Iwan ko muna sayo si Sophia." Kinarga ng asawa ang anak at tumalikod na ulit si Dana para ang batang lalaki naman ang paliguan. "Wala ba kayong yaya?" Puna ni Arizton. Day off ngayon ng yaya nila kaya kami nag-aalaga sa dalawa." Maya-maya ay biglang umiyak si Sophia habang karga ng ama. Inalo nilang dalawa ang bata ngunit hindi ito tumigil. Kaya minabuting nagpaalam muna si Demitry sa kapatid para painumin ng gatas at patulugin ito. Ngumiti at tumango lamg ang binata. Habang paakyat ang kapatid sa hagdan paitaas ay di mapagilang hindi mapatingin si Arizton. Muling nanariwa sa kaniyang alaala ang asawa. If she didn't die for sure they are having a happy family now. Katulad ng tinatamasa ng kaniyang kapatid ngayon. He longed for a family. Iba pa rin kung may sarili kang pamilya. Paglipas ng tatlong oras na pamamalagi doon ay nagpaalam na ang binata. Habang binabaybay ng kotse niya ang daan ay may nahagip ang kaniyang mga mata. ST. MARY'S GENERAL HOSPITAL Wala sa sariling bigla niyang kinabig ang manibela ng sasakyan at lumiko papunta sa nasabing ospital. Ipinark niya ang kaniyang kotse sa malayung bahagi ng parking area at bumaba. Hinay-hinay siyang naglakad sa gilid ng mga ornamental plants patungo sa emergency room. He wore his dark sunglasses and his black cap. Pasimple siyang sumilip sa emergency room kung saan naroon ang iilang nurse at doctor. Nakita niya doon ang babaeng kasama ni Crystalle kahapon sa restaurant. Doon niya nalaman na isa rin pala itong doktor. "Excuse me, sir. Ano po kailangan nila?" Awtomatikong napalingon si Arizton nang may biglang nagsalita sa kaniyang likuran. Isang naka-white robe na babae ang nakita niya na may suot na mask. Tinanggal nito iyon at humantad sa kaniya ang buo nitong pagmumukha. There he saw her for another time. Her hair was messy but he found it so damn gorgeous. "Love?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD