Dalawang araw na nakalipas ang kaarawan ng triplets, something wierd kasi parang biglang tahimik ng mga boys .
Four pm pa lang off duty ko na ,kaya maaga ako naka uwi.Nagulat ako na nandito ang kotse ni Zack at may dalawang kotse pa na nakaparada ,parang ang isa kay Jamie iyon pero ang isa hindi ko kilala.
Nagbayad muna ako sa traysikel driver,nadatnan ko sa loob na na nakaupo si Zack, Jamie ang Roice.
Binati ko ang mga ito.
"Bakit nandito kayo?"-nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Please sit down Jane,may pag uuspaan tayo"-seryosong saad ni Jamie.
Umupo ako sa harapan nilang tatlo.
"Tungkol saan"-agad na tanong ko.
"Jane,sorry kung nag sinungaling kami, it's so very complicated,sinunod lang namin ang kagustuhan ni Drey na huwag sabihin sa iyo at itago ito"-madamdaming saad ni Zack.
I'm so confused!
"A-ano ang ibig niyo sabihin?"-kinakabahang tanong ko dito.
"Hindi nagtaksil si Drey,hindi kailanman niloko ka niya,hindi siya sumama kay Sara,Jane,Drey is diagnosed a brain tumor"-naluluhang saad ni Roice na Ikinasikip ng Dibdib ko.
"W-what!bakit?bakit ?"-umiiyak na tanong ko dito.
"Natatakot siya na baka hindi siya maka survive sa operation kaya ginawa niya mag sinungaling sa iyo,nang sinabi mo sa airport na buntis ka, sobrang umiiyak siya dahil hindi niya masisilayan ang anak ninyo"-malungkot sabi ni Jaime.
"He's comatose until now,simula nang naoperahan siya hindi na siya nagising"-
"Kaya nagplano kami na dalhin kayo sa Chicago,he need you, Kailangan kayo ni Drey, patuloy lumalaban si Drey sa inyo Jane"-umiiyak na saad ni Jamie.
Humagulhol ako ng iyak,God!Kinamuhian ko siya Iyon pala mas masakit ang nangyari sa buhay niya.
"Sige sasama kami, please dalhin niyo kami"-iyak na sabi ko sa kanila.
Dahil may passport na rin si Kara,sinama na ito ni Zack para hindi ako mahirapan sa triplets.Ibinilin ko ulit ang bahay kay Aling Ninay.
Lumuwas agad kami sa Manila kinabukasan .
Isang araw lang ang pag process ng lahat na kailanganin namin na papel at nakakuha agad ng passport para sa triplets dahil na rin maimpluwensya ang mga kaibigan ni Drey at mapera ang mga ito.
Mahaba haba ring biyahe bago kami nakarating sa Chicago, tumuloy kami sa bahay ni Jamie.Kasama namin si Jamie,Zack,Roice at Ace Ivan.
"Magpahinga ka muna Jane,bukas dadalhin ka namin sa hospital"-saad ni Jamie sa akin.
Pina alagaan muna ang triplets sa kasambahay ni Jamie na mga pinay din sila.Tuwang tuwa ang mga ito sa aking mga anak.Binigyan din ng sariling kuwarto si Kara.Dahil na rin sa pagod nakatulog agad ako.
Nagising ako bandang alas singko ng hapon.Pumunta ako sa kuwarto ni Kara dahil akala ko nandoon ang triplets pero nakita ko ito na umiiyak kausap si Zack.
"I don't like you Kara,hindi ikaw ang tipo kong babae!"-galit na sabi ni Zack na nagulat talaga ako.
"Bakit mo ako ginalaw kung hindi mo ako gusto"-umiiyak na sabi ni kara na biglang lumaki ang mata ko.
May nangyari na sa kanila?Diyos ko,ang bata pa ni Kara!
Ngumisi lamang si Zack at sabay sabing:
"Ginusto mo rin di ba?una pa lang sinabihan na kita,hindi kita mahal at Hindi kita gusto!"-literal na napanganga ako,dali dali akong umalis,ayoko ko makialam kasi baka sabihin pakialamira ako.
Jusmiyo! eighteen pa lang si Kara at thirty four na si Zack.wala pala akong alam na may affair pala sila.
Nakita ko ang triplets na pinapakain ito ni Roice at Jamie.
"Jane, nakita mo si Zack?"-tanong nila sa akin.
"Huh!hi-hindi eh"-nauutal na sagot ko dito.
"Kumain kana Jane,bukas maaga tayo pupunta ng hospital"-saad ni Roice sa akin.
Kung anong mang meron si Zack at Kara irerespeto ko kung anong meron sila,pero talaga ang bata pa ni kara!